Nabalik ako sa reyalidad nang mahinang hilahin ni Eomma ang buhok ko. Nandito nga pala kami sa kusina at kumakain ng almusal. As usual, nakatulala na naman ako't malalim ang iniisip. Ang bilis ng oras, isang araw na pala ang lumipas mula nang makauwi ako rito. Ang ginawa ko lang kahapon ay matulog at kumain, ni hindi ko man lang yata nahawakan ang cellphone ko.
"Sorry. Kanina ka pa nakatulala at nakangiti, anong iniisip mo 'nak?" kunot-noong tanong niya kaya napakunot din ang noo ko.
"Ako? Nakangiti?" Nakita ko namang tumango si Appa. Hindi ko na namalayang nakangiti ako. Shit. Bakit hindi ko na alam ang iniisip ko? May iniisip nga ba ako? Fuck it, wala na talaga ako sa sarili. Ni hindi ko na alam ang ginagawa ko.
"By the way, may lakad kami ng Tita Pia mo mamaya, dadaanan ko siya sa kanila. Baka gusto mong sumama para magkausap na kayo ni Palette," nakangiting sabi niya habang inom ng tubig.
Napaisip tuloy ako. Ano kayang magiging reaksiyon ni Palette kapag nalaman niyang nakabalik ako tapos sina Audrey ay walang paramdam?
"Sige Eomma, anong oras po ba?"
"Mamayang alas dies, gumayak ka na pagkakain dahil alas nueve na. Mag-bonding muna kayo ni Palette ha? Para naman kahit papaano'y mabawasan ang bigat na nararamdaman ninyo," aniya't tumango na lang ako.
Pagkakain nami'y umalis na rin si Appa dahil pupunta na ng kompanya. Si Eomma naman ay umakyat na sa kanilang kuwarto para maligo't at mag-ayos. Habang nakaupo ako ngayon dito sa kama ko ay naisipan kong i-text na lang si Palette. Natutuwa ako dahil may oras pa para magkasama kami kahit iilang oras na lang.
Pagbukas ko ng chat namin ay ang dami niya pa lang message, kahapon ng madaling araw pa. Napanguso naman ako dahil dito. Napangiti rin ako agad nang bigla siyang mag-online.
▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬
Archt. Palette
Active now9:14 AM
Good morning Letlet.
Nasa bahay n'yo na ba
ikaw?Nakauwi na ako, pero
please huwag mo munang
sasabihin sa iba dahil sigu-
radong hindi tayo tatantanan
ng media.Pupunta kami ni Eomma r'yan
mamayang 10 AM :))Hala! Cleo ikaw na
ba talaga 'yan???Archt. Palette replied
to you
Kailan ka pa nakauwi?
Sobra akong nag-alala
sa inyo! Oo, sige secret
lang.Hihintayin kita ha, excited
na akong makita ka ulit. :(You replied to Archt.
Palette
Oo ako 'to bruha.
Kagabi lang :))
Sige gagayak muna
ako. Let's just talk later!Sige, sige, I'll wait!
Yaaaaa! Si Audrey
nga pala isang araw
nang walang paramdam.
Sabi naman ng mga
kasama natin doon sa
hotel, hindi raw nila
nakikita.Hala bakit kaya? Baka
naman nakakulong lang
sa k'warto 'yon. Nagmu-
mukmok din. :((Sana makauwi na sila,
hays.Sana nga. Baka mamaya
raw o bukas e.O siya sige, maliligo na
talaga ako hahaha!Sige sige I love you
Amiga!I love you too, Amiga!
Seen
BINABASA MO ANG
Kill, Cleo, Kill
Misterio / SuspensoA 21-year-old social media influencer named Cleonadia Lee downloaded the app called "neco challenge." Now, she has to face the consequences for she accepted the challenge without any doubt. Then, she realized that, talking to strangers is the worst...