L

355 26 1
                                    

Agad akong tumabi dahil kaba

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Agad akong tumabi dahil kaba. Mabilis namang pinosasan noong matabang pulis si kuyang nakaitim na sando.

"What the? I'm not the killer! I didn't kill her!" sigaw niya.

"N-nico? B-bakit mo nagawa 'yon?" hindi makapaniwalang tanong noong Dion.

Hindi na namin napigilan si Audrey nang pagsasampalin niya't pagsusuntukin si Nico. "Hayop ka! Gago! Putangina mo! Bakit mo pinatay ang kaibigan ko?!"

"Hindi ako ang pumatay kay Jéd! Wala akong alam!"

Imbis na kumalma ay mas lalong nagalit si Audrey, pinipigilan naman siya ni Norine. Napaupo na lang siya sa lupa habang yakap-yakap ni Palette patalikod.

Natigil naman kaming lahat nang lumabas ang mga pulis sa loob ng kweba. "We saw some footsteps there, malaki ang paa ng killer," seryosong sabi ng pulis. Patago akong tumingin sa paanan ko. Hindi, maliit lang ang mga paa ko.

Habang hinihila ng mga pulis si Nico papunta sa sasakyan ng mga ito'y napatingin ako sa paa niya at sa paa ko. Pareho kami ng sapatos. Napatingin din ako sa sapatos nina Audrey, Norine at Palette. Pare-pareho kami ng sapatos, siguradong gano'n din kay Jéd. Obvious na nga na si Nico ang mapagbibintangan.

"Nico likes her. Pareho sila ng sapatos. He really might be the killer. I can't believe," nakangising sabi ni Jaycee at hindi na naiwasang mapaluha.

"If Nico likes her, why would he do that?" hindi makapaniwalang tanong ni kuyang bumuhat sa akin.

Ganoon din ang iba niyang kaibigan. Iyong grupo nila Dion ay akma nang babalik sa kani-kanilang tent nang tawagin sila ng mga pulis para isama sa presinto at mangalap pa ng ebidensiya. Samantalang habang nag-uusap-usap kami rito ay nag-aayos na pala ulit ng gamit nila ang mga kasama namin dahil paniguradong aalis na rin kami.

"Sino ang mag-aayos ng mga gamit namin kung sasama kami sa inyo?" tanong ni Norine.

"Ayusin ninyo muna saglit, hihintayin namin kayo. Kayo na rin mag-ayos ng gamit nitong kaibigan niyo, tingnan mo nagdurugo pa 'yong braso, kailangan na dalhin sa hospital."

Napatingin naman ako sa braso ko at nagdurugo pa nga ito. Hindi ko nararamdaman ang hapdi, ako'y tila namamanhid.

"Sasama ako kay Cleo, walang magbabantay sa kaniya," walang emosyong sambit ni Palette ngunit hindi siya pinayagan.

"Huwag na, kailangan ka namin. Tatawagan na lang namin ang mga magulang niya," sagot ng pulis.

Inalalayan na nila ako papunta sa isang sasakyang pampulis dahil kararating lang ng ambulansiya. Mabuti na lang at nasa bulsa ng ripped jeans ko ang cellphone ko pati ang airpods. Habang naglalakad kami'y nadaanan ko ang bangkay ni Jéd na isinasakay pa lang doon. Napayuko na lang ako'y agad pinahid ang luha kong tumulo.

Hindi ko kayang makita siya, hindi ko kayang makitang patay na ang kaibigan ko dahil sa katangahan ko. Kung may third eye lang ako't makikita ko siya, siguradong umiiyak na siya ngayon.

Pagkasakay ko sa sasakyan ay may kinausap pa saglit iyong pulis sa labas bago sumakay sa loob. Binuksan ko na lang ang cellphone ko at hindi na ako nagulat pa, may bago na namang mensahe mula sa neco challenge.

▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬

Notification                                      block
Neco Challenge • now
unknown666
Safe. Good job. Kawawa naman si Nico.





Kill, Cleo, KillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon