THIRD PERSON
Habang kumakatok ang isang lalaki sa isang k'warto sa hotel ay hindi mawala sa paningin niya ang cellphone dahil siya'y naglalaro. Nang buksan ito ng may-ari ng kuwarto'y walang pag-aangat ng tingin siyang pumasok, hinanap ang mini sofa at saka naupo.
"Bakit tol?" tanong ng lalaking may-ari ng kuwarto nang siya'y makaupo sa kama. Natapos naman agad ang nilalaro ng isa pang lalaki at saka niya hinarap ang kaibigan.
"Wala, nakakabagot sa k'warto ko, walang magawa. Hanggang ngayon nagi-guilty pa rin ako sa ginawa natin e, hindi ako makatulog ng maayos kapag gabi," saad niya at sumandal sa sofa.
Bumuntong-hininga naman ang kaibigan niyang nasa kama at humiga habang nakalaylay ang mga paa. "Ako rin. Tol, tol mapagkakatiwalaan ka naman 'di ba?" mahina niyang sabi't nilingon ang kaibigan.
"Oo naman, ako pa. Bakit?"
"I got their camera."
"Huh? Camera nina Cleo?"
"Oo, may nakita ako. Tol, putangina nakita ko!" pabulong niyang sigaw at muling napaupo. Kinuha niya ang camera sa ilalim ng unan niya at binuksan ito.
Napakunot naman ang noo ng isang binata dahil sa inakto ng kaibigan. Sa isip-isip niya'y ano kaya ang nakita noon ngunit nang mapagtanto niya kung ano ito ay nanlaki ang mga mata niyang tumabi sa kaibigan sa kama.
"Tol...si Cleo," bulong niya habang pinapanood ang bidyong nakuhanan ng kaibigan.
Hindi naman na pinatapos ng isang binata ang bidyo, dali-dali niyang pinatay ang vlogging camera at hinarap ang kaibigan. "Promise me you won't tell anyone about this. Please?" pakiusap niya habang nakahawak pa sa magkabilang balikat nito.
Agad naman itong inalis ng kaibigan at umiling-iling. "No. Are you going to hide it?"
"Yeah..."
"Fuck tol! Why? She's a fucking killer for pete's sake! Paano mo nasisikmurang itago 'yan? Bakit hindi mo dalhin sa mga pulis? Si Nico, nakulong si Nico kahit wala siyang kasalanan!" sigaw nito dahilan para mapasuntok ang kaibigan sa mesa.
"Tangina, hindi ko kaya tol. Ayaw kong madamay. M-mahal ko siya," malungkot niyang sabi habang hawak-hawak ang camera.
Napasapo na lang ang isa sa kaniyang sentido at napailing. "I can't believe you can do this. Kaya mong itago ang malaking kasalanan para lang sa taong mahal mo? Tol you're a bullshit. If I were you, ngayon pa lang pupunta na ako sa presinto't magsusumbong."
"C'mon tol, kahit ngayon lang sa 'kin ka muna kumampi. Hindi ko kayang ibulgar si Cleo! I believe that she has valid reasons why she did that! Tol, tol hindi ko kayang makitang mag-isa sa kulungan ang mahal ko." Hindi niya na napigilan at tuluyan na siyang napaluha.
"Naririnig mo ba ang sarili mo? Just because you fucking love her, you will do that? Tangina e hindi ka nga niya kilala," hindi makapaniwalang sabi ng binata habang nakangisi.
"Tol! Makinig ka, hindi ko kayang magsumbong. Natatakot ako sa p'wedeng mangyari, baka mas lumala lang ang lahat. Tol, ikaw ang sinabihan ko kasi may tiwala ako sa 'yo."
Tumayo naman na ang kaniyang kaibigan at kinuha ang naiwang cellphone sa sofa. "Okay, fine. It's your decision, ikaw may hawak n'yan e. H'wag kang mag-alala at wala akong ikakalat. Wala naman akong magagawa. Ayaw ko ring madamay pero mas nagi-guilty ako sa ginagawa mo tol! Pag-isipan mo 'yan, please lang," inis nitong sabi't napahilamos ng mukha. Lumabas na siya ng k'warto at malakas na sinara ang pinto.
Pumorma naman ang inis sa mukha ng naiwang binata. Napahagis na lang siya ng mga unan at napasabunot. "Cleo has her own reasons why she did that, yeah, that's right," tipid nitong sabi at mahinang natawa habang lumuluha na.
Kinuha niya ang camera at tinitigan ito. "I'll promise to keep myself deaf as long as I can."
BINABASA MO ANG
Kill, Cleo, Kill
Mystery / ThrillerA 21-year-old social media influencer named Cleonadia Lee downloaded the app called "neco challenge." Now, she has to face the consequences for she accepted the challenge without any doubt. Then, she realized that, talking to strangers is the worst...