THIRD PERSON
Agad na niyakap ni Norman ang asawa niyang si Chelsea, kapwa sila hindi makapaniwala sa nabalitaan.
Nang makita ni Pia ang tweet sa kaniyang Twitter account ay agad na kumulo ang dugo niya't bigla na lang sinugod si Chelsea habang sila'y kumakain sa isang restaurant sa mall. Nagtaka naman si Chelsea sa inakto nito, hindi niya maintindihan kung bakit bigla siyang sinampal ni Pia. Umiiyak itong nakatingin sa kaniya at pinanood ang video. Napatakip na lang siya ng bibig at napaluha na rin. Nauna nang umalis sa kaniya si Pia at agad na umuwi ng bahay ngunit hindi na nito naabutang buhay ang anak at pamangkin.
Dali-dali naman siyang pumunta sa parking lot at nagpasundo sa asawang si Norman at agad nga silang pumunta sa presinto. Galit na galit si Norman sa nalaman at ibig niyang magwala. Para sa kaniya'y panaginip lang iyon o 'di kaya'y in-edit lamang ngunit ang nagpatotoo noon ay sina Paul at Erwan na naabutan sila sa presinto.
At habang papunta sila sa bahay nina Palette para hulihin si Cleo ay nakita nila ang isang taxi na nakahinto sa crossing dahil sa stoplight. Ang nakakita ay si Erwan kaya agad niyang sinabi sa mag-asawang sumunod sa kanila—dahil magkausap sila sa telepono. Pero masyadong mabilis magmaneho ang babaeng drayber kaya nahirapan silang sundan ito ngunit napangiti na lang si Paul nang makitang bumabagal ang taxi'ng sinasakyan niya ngunit laking gulat na lang nila nang mabangga ito sa isang sasakyan sa loob pa rin ng tunnel—dahilan para maabutan nila ito't mahuli.
Hindi makapaniwala ang mga magulang ni Cleo sa nalaman nila tungkol sa anak. Alam nilang hindi nito kayang gawin ang pumatay ng tao; wala rin silang ideya kung bakit ito ginawa ng anak.
Habang umiiyak ang asawa sa kaniyang dibdib, hindi naman maalis ni Norman ang tingin sa sasakyan ng mga pulis. Pinipigilan niya ang sariling maluha ngunit hindi niya na rin nakayanan kaya napahagulgol na rin siya. Mahigpit naman siyang niyakap ni Chelsea.
Napahiwalay sa yakap ang mag-asawa nang lumapit sa kanila ang mga binata. "Tara na po sa presinto," yaya ni Paul at walang emosyong naglakad papunta sa kaniyang sasakyan. Tipid namang napangiti si Erwan at sumakay na rin.
Wala nang nagawa ang mag-asawa kung 'di sumakay sa kanilang sasakyan at sumunod kina Cleo. Nababalot na rin sila ng kuryosidad sapagkat biglaan ang mga pangyayari. Gusto rin nilang malaman ang puno't dulo ng lahat. Iniisip naman ni Chelsea kung may nagawa ba silang mali o napabayaan na talaga nila ang bunsong anak.
"I knew it. What happened years ago wasn't accident," mahinang sabi ni Norman habang nagmamaneho kaya kunot-noong napatingin sa kaniya ang asawa.
"What do you mean? It was an accident! Don't compare what happened before to what happened today."
BINABASA MO ANG
Kill, Cleo, Kill
Mystery / ThrillerA 21-year-old social media influencer named Cleonadia Lee downloaded the app called "neco challenge." Now, she has to face the consequences for she accepted the challenge without any doubt. Then, she realized that, talking to strangers is the worst...