CVI

249 17 0
                                    

Mas lalo akong napaiyak sa nakita ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mas lalo akong napaiyak sa nakita ko. Agad kong d-in-eactivate ang Twitter account ko at saka in-uninstall ang app na ito. Muli kong sinuot ang blazer ko na hinubad ko kanina; sinukbit ko na rin ang shoulder bag ko at saka tumayo.

You:
Unknown! Ano na'ng
gagawin ko? Huli na
ako! Susuko na ba ako?

Unknown:
Of course not! Dumaan
ka sa balcony, mababa
lang naman ang garahe
nila pababa e. Talunin
mo na lang. Dalian mo!

Hindi na ako nakasagot. Agad kong inilagay sa bag ko ang cellphone at tumayo na. Pinatay ko ang ilaw gamit ang unan. Akmang lalabas na ako sa sliding door nang bigla kong marinig ang paglangitngit ng pinto. Tangina may pumasok.

"Cleo! Cleo fuck!" Dahil sa liwanag ng mga ilaw sa poste sa labas ay kitang-kita ko kung paano nanlaki ang mga ni Jaycee habang nakatingin sa gawi ko.

Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa't mabilis na naglakad papalapit sa akin. Masama at matatalim ang mga titig, animo'y gustong-gusto akong sunugin ng buhay ngunit sadyang mas mabilis ako. Dahil sa pagkabigla ay mabilis kong nahablot ang kutsilyo sa ibabaw ng mesa sa tabi ko at aksidente itong naihagis sa kaniya. Napatakip na lang ako ng aking bibig nang sakto itong dumiretso sa kaniyang dibdib. Napaluhod naman siya habang may tumutulo nang dugo sa kaniyang bibig; dahil padapa siyang natumba ay mas bumaon ang kutsilyo sa kaniyang dibdib dahilan para tumakbo agad ako palabas.

Tumalon ako sa balcony ng kuwarto ni Palette dahil ang garahe nila ay katabi lang ng balcony niya at pababa kaya mababa lang ang tatalunan ko. Sumilip ako sa may garahe malapit sa hardin nila at natagpuan ko ang dalawang yaya na naglilinis naman ng swimming pool.

You:
Bitch, saan na ako
pupunta ngayon? I didn't
bring my fucking car.
Damn it! Damn it!

Unknown:
Takbuhin mo na lang!
Nasa loob naman kayo
ng subdivision at wala
namang masyadong bahay
d'yan. Wear your other
mask and ride in a taxi!

You:
Pero saan ako pupunta?

Unknown:
Kill the goddamn
taxi driver and go
wherever you want.

You:
What? C'mon that's
so stupid. I cannot kill
him in public. Mas
mahuhuli lang ako!

Unknown:
Painumin mo ng
pampatulog!

You:
Fine! Argh!














Kill, Cleo, KillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon