Nakaupo ako ngayon sa gaming chair ko at nakaharap sa computer. Naglalaro kasi ako ng mobile legends kasama ang mga kaibigan ko. Paano ba naman kasi, nakipag-deal iyong mga mayayabang na youtuber sa amin. Duh. Alam naman nilang mas magaling kami tapos nanghamon pa? So stupid.
"Audrey, mid tayo," sambit ko habang nagpipipindot sa cellphone ko. Naka-livestream kasi kami ngayon. Ayaw kong mapahiya 'no.
"Pota! Ang bobo naman Lucas!" dinig kong sigaw ni Norine.
Tawa kami nang tawang lima dahil sa ginawa ni Lucas, isa sa mga kalaban namin. Paano ba naman kasi, mamamatay na, imbis na mag-recall, tumakbo pa. Edi naabutan siya ni Jéd na naka-Lesley.
"Savage! Palakas ka pa Lucas!" tawang-tawang sabi ni Jéd.
"Gago, Palette, flicker!" sigaw ko nang makita kong papalapit si Cris na si Karrie ang hawak. Agad namang nag-flicker si Palette at mabilis na bumalik sa bottom lane.
"Look, guys, panalo na kami!" tumatawang sabi ko nang makitang apat sa kalaban ay namatay.
"Attack the Lord bitches!" sigaw naman ni Jéd kaya mula sa base ay naglakad ako papunta sa Lord. Bilang Miya, agad kong pinaulanan ng pana ang Lord at mabilis naman namin itong nagawa.
Nang kasama na naming naglalakad ang Lord papunta sa base ng kalaban ay biglang may nag-pop up sa cellphone ko dahilan para mag-lag ang laro. Bwisit. Sino ba 'to? Panira naman e.
"Cleo! Ginagawa mo? Mamamatay ka na!" rinig kong sigaw ni Norine ngunit tuluyan nang nag-lag ang cellphone ko kaya in-exit ko muna ang laro.
BINABASA MO ANG
Kill, Cleo, Kill
Mystère / ThrillerA 21-year-old social media influencer named Cleonadia Lee downloaded the app called "neco challenge." Now, she has to face the consequences for she accepted the challenge without any doubt. Then, she realized that, talking to strangers is the worst...