LXXVI

268 19 0
                                    

Alas onse y medya na ng gabi, napagdesisyonan ko kasing dito muna at pupunta ako sa hotel mamaya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Alas onse y medya na ng gabi, napagdesisyonan ko kasing dito muna at pupunta ako sa hotel mamaya. Kailangan kong kunin ang mga gamit ko. Kailangan ko na silang mapatay, kailangan ko nang umalis dito. Hinubad ko ang sweater ko at naiwan ako sa puti kong crop top, pinatong ko naman ulit ang itim kong jacket. Umuulan pa rin ngunit mahina na. Agad akong lumabas at sumakay sa sasakyan. Bumuntong-hininga ako't hinalughog ang sasakyan ni Dion, buti'y may nakita akong cap sa likuran, sa ilalim ng upuan.

Habang tinatahak ko ang daan ay nag-iisip din ako kung anong gagawin ko para makapasok sa hotel at makuha ang mga gamit ko. Nang malapit na ako sa hotel ay huminto ako sa isang bakanteng lote, dalawampung metro ang layo sa hotel at doon nag-park.

Binuksan ko ang messenger ko upang i-chat si Audrey. Bahala na, sana kumagat siya.

▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬

Audreybels

11:56 PM

Aud! Aud where
are you?

Cleo...Cleo why did
you do that...











Kill, Cleo, KillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon