CXVIII

277 19 4
                                    

THIRD PERSON

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

THIRD PERSON

Akmang tatayo na ang mga pulis para lumabas ay siya namang pagbukas ng pinto. Tinulak ng isang babaeng pulis si Cleo papasok. Wala siyang emosyon; nakayuko lamang at hindi na nanlaban pa. Pinaupo siya ng matangkad na pulis sa tapat nila noong isa pang pulis.

"Nakita mo ba si Ivette?" tanong ng kalbong pulis. Iling naman ang naging sagot ni Cleo.

"Ano ang mga accounts na naka-logged in sa messenger at neco challenge mo?" tanong naman noong isa.

"Mga personal accounts ko lang. Bakit?" wala pa ring emosyong sagot ni Cleo.

"You're indeed a psychopath."

"What the fuck did you say?" Dito na muling nabuhay ang diwa ni Cleo, tila tumaas ang dugo niya at biglang kumulo ito.

"Ang account na Neco Dominus ay nakalagay sa messenger mo at ang unknown666 naman ay nakabukas sa neco challenge beta. Isa kang psychopath hija, ikaw lang din ang sinasabi mong nag-utos sa iyo!" inis na sabi ng isang pulis at itinutok kay Cleo ang cellphone niya. Para naman siyang biglang nagising dahil nanlaki ang mga mata niya at hindi makapaniwala sa nakita.

"Hindi, hindi ako 'yan! Hindi ko alam, wala akong alam!" sigaw niya't mariing napapikit. Nagsimula na siyang magwala, nagpupuyos sa galit habang nakakuyom ang mga kamao.

Tumayo ang dalaga at nagwala na para bang sinasapian kaya nagtawag na ang dalawang pulis. Dumilat si Cleo, galit na galit ang mga mata niyang tila ba nag-aapoy. Gustong-gusto makawala sa posas kaya namumula na ang kaniyang dalawang pulso.

"Oo! Ako si Ivette, ako si unknown, ako si Neco, lahat kami ay iisa! At alam mo kung ano ang masaya? Patay na silang lahat! HAHAHAHA!" halakhak ni Cleo na para bang nasisiraan ng bait.

"Ikulong ninyo muna siya sa selda, ipadadala natin 'to sa mental bukas," utos ng Chief.

Agad siyang kinuha ng mga pulis ngunit gaya ng kanina'y nagwawala lang siya. "Pakawalan ninyo ako, please! Hindi ako ang suspek, biktima rin ako. Si Ivette kailangan ninyo siyang mahuli!" sigaw nito hanggang sa makalabas na ng interrogation room.

"Nakakatakot talaga ang mga psychopath, napakabilis niyang pumatay. Gumawa pa talaga siya ng mga account nang hindi niya nalalaman, wala siyang kaide-ideyang kausap niya ang sarili niya. Ito ang unang beses na magkaroon ng isang spree killer dito sa Rosewood City."

"Oo nga, kailangan niya na agad madala sa mental. Naaawa ako sa babaeng 'yon dahil kitang-kita ko ang sinseridad sa mga mata niya tuwing nagmamakaawa siya ngunit marami na siyang nasirang buhay kaya kinakailangan niya ng matinding parusa."










Kill, Cleo, KillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon