CXXIV

309 17 0
                                    

Bago nila ako tuluyang inilabas ay pinapirma muna ako sa papel

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bago nila ako tuluyang inilabas ay pinapirma muna ako sa papel. Hindi na ako nagwala pa, wala na rin naman akong magagawa. Lahat nang mga ebidensiya ay nailabas na and I'm proven guilty. Besides, hindi naman na ako magtataka kasi ito lang din ang dapat ipataw na parusa sa akin. Ang mga mamamatay-taong katulad ko ay dapat ding mamatay.

Pigil na pigil ang luha ko habang naglalakad ako papunta kina Eomma. Kitang-kita ko ang ngisi at saya sa mukha ng mga magulang ng mga nabiktima ko. Nakakuha na sila ng hustisya at sigurado akong matatahimik na rin sila kapag nawala ako.

I did that stupid challenge so I deserve this. One thing I learned from this is that, never talk to strangers. Never, ever, talk to strangers.

"Pakikumusta na lang kami sa mga anak namin Cleo," nakangising sabi ni Tita Nia sa akin at saka naglakad palabas.

"See you in hell daw bulong sa akin ni Palette," sarkastiko namang wika ni Tita Pia sabay punas ng mga luha.

Napailing-iling na lang ako't tuluyan nang lumapit kina Appa. Una kong niyakap si Eomma at doon na bumuhos ang mga luha ko. Pagkatapos ay si Appa na hindi na rin nakapagpigil at naiyak na rin. Mahigpit ang yakap niya sa akin. "Cleo, mahal na mahal ka namin," garalgal niyang sabi na mas lalong nakapagpaiyak sa akin.

Sumunod ko namang niyakap si Kuya. "Oppa, m-mianhamnida," nauutal kong sabi. Pagkatapos ng tatlong buwan na pagkakalayo namin sa kaniya ay ngayon lang ulit kami nagkayakapan.

"I love you, Cleo. I'm sorry, we can't do anything to keep you alive. You know...y-you deserve t-this right?" nauutal din niyang sabi at unti-unti na ngang nagtuluan ang mga luha. Namumula na ang mga mata niya kapipigil sa mga itong huwag bumagsak.

Napatango na lang ako. Hindi na ako halos makahinga, ayaw ko nang humagulgol. Gusto kong ipakitang nakangiti pa rin ako bago ako mawala.

"Excuse me, let's go Miss Cleonadia. Maaari ninyo siyang bisitahin ngayon din sa death row, may mahigit labing-dalawang oras pa siyang natitira. Dalhan niyo na lang siya ng mga pagkain na gusto niya bilang kaniyang last meal. Salamat," seryosong sabi ng Chief Police at tumango na lang si Appa.

Napayakap na lang si Eomma kay Kuya nang tuluyan na akong mailabas ng mga pulis. "Saan ninyo na ako dadalhin ulit?" malamig kong sabi.

"Sa death row, doon ka muna. Pirmado mo na, ng abogado mo at ng Judge ang papeles mo kaya maaari ka nang bitayin bukas din. Ang huling maaari mo na lang hilingin ay mga ang gusto mong kainin na nasabi ko na nga sa mga magulang mo kanina. P'wede mo pa silang makasama mamaya hanggang alas syete ng gabi. P'wede ka ring sumulat sa kanila at ipadadala na lang namin," paliwanag niyang muli nang makasakay na kami sa police car.

Hindi na ako sumagot, ipinilig ko na lang ang ulo ko sa bintana. Kahit anong pigil ko sa mga luha ko ay ayaw nitong tumigil sa pag-agos.

Pero biglang kumunot ang noo ko, hindi ko alam pero bigla kong naisip na tumakas. Na hindi ko deserve 'to. Ayaw ko pang mamatay pero kailangan! Bullshit.

"What's the feeling, Nadia, huh?" rinig kong bulong ng isang tinig. Napalingon ako na ikinanoot din ng noo ng pulis. Napailing naman siya at sumimangot.

"Inaatake ka na naman ng pagkabaliw," sabi noong pulis na nasa harap at saka tumawa.

Napabuntong-hininga na lang ako't napatakip ng dalawa kong tainga. Pumikit ako at pinipigilan ang mga luha. Gusto kong sumigaw pero tangina para akong mauubusan ng hininga.








Kill, Cleo, KillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon