XCIX

252 18 0
                                    

Bumalik ako sa paglalaro, si Palette ay tuluyan nang nalibang dahil hindi na maalis ang atensyon niya sa telebisyon at hindi na rin mabitawan ang controller

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bumalik ako sa paglalaro, si Palette ay tuluyan nang nalibang dahil hindi na maalis ang atensyon niya sa telebisyon at hindi na rin mabitawan ang controller. Maya-maya pa'y may biglang kumatok at ito na ang yaya nila. May dala itong isang tray; may dalawang plato sa ibabaw na may lamang tig-dalawang sandwich na halatang tsokolate ang palaman dahil sa mga lagpas sa gilid-gilid. Kasunod niya ay isa pang yaya na may dala ring tray at ang dala naman nito'y dalawang baso at isang pitsel ng apple juice.

"Thank you po," sabay naming sambit at ngumiti naman ang mga ito. Nang makalabas na silang muli'y napangiti ako, may kasama pa itong spatula na kutsilyo dahil dala rin nila ang isang supot pa ng fan at ang garapon ng nutella.

"Grabe, nagutom ako sa paglalaro," natatawang sambit niya habang kumakain.

Nagpalipas muna ako ng ilang minuto bago tumiyempo para gawin na ang huling pagsubok. Nang maubos namin ang pagkain ay bumalik kami sa paglalaro. Dahil enjoy na enjoy na siya roon, nagpaalam akong magbabanyo muna ngunit kinuha ko lang ang panyo niya sa isa pang sofa at agad itong itinakip sa kaniyang bibig.

Agad naman siyang nagpupumiglas ngunit masyado akong malakas. Hindi ko na rin alam kung saan ako humugot ng lakas para gawin 'to. Mahaba naman ang panyo kaya dalawang beses ko itong inikot sa kaniya at mahigpit na itinali sa likod. Kahit na soundproof itong game room ay nilakasan ko pa rin ang volume ng T.V. Hinablot ko sa sofa ang bag ko at pinainom siya ng pampatulog; hindi naman nagtagal at agad din siyang nakatulog. Tatlong beses ko na itong nasubukan sa akin kaya hindi na siya magigising agad.

Habang nakatingin sa natutulog na si Palette ay napapamaywang na lang ako sa harapan niya't nagsalita upang kausapin ang demonyo sa kabilang linya.

You:
What now?

Unknown:
The knife is too small
grr. I think you should
get a bigger one bitch.

You:
What the actual fuck?
Mahuhuli pa ako e!

Unknown:
Hindi ba't nasa music
room si Jaycee? Hindi
ka noon mahuhuli.
Magtago ka lang,
tumayming ka. Kapag
umalis sa kusina ang
mga yaya ay saka ka
kumuha ng kutsilyo.

You:
Tangina naman unknown,
ano na namang kabobohan
'to? Aysh bwisit!

Unknown:
Alam mo ba 'yong
ginagawa mo kapag
pakiramdam mo may
multo sa paligid? 'di
ba't nag-iingat ka sa
pagkilos? Gano'n lang.
Sumunod ka na lang,
okay?!

You:
Are you really fucking
here? Huh?!

Unknown:
Yes, but not literally. :)

You:
Damn you 3000!

Unknown:
Thank you. Go, move!

Hindi na ako nagsalita pa, lumabas na ako ng kuwarto para pumunta ng kusina. Nadaanan ko ang music room, kahit soundproof din ito'y naririnig ko pa rin ang dunog ng drums na nilalaro ni Jaycee. May dalawang banda kasi sa University noon, pero magkaiba sila ng banda ni Palette.

Habang pababa ako'y nakita ko sa labas ang dalawang yaya kanina, nagsasampay sila, mukhang kalalaba lang. Sumilip ako sa kusina upang tingnan kung may tao ba roon; dali-dali naman akong kumuha ng malaking kutsilyo dahil walang tao. Sobra naman ang pagkabog ng dibdib ko nang muntikan na akong madulas; mabuti na lang ay nakakapit agad ako sa hagdan. Bago umakyat ay bumuntong-hininga muna ako.

Nang makabalik ako sa game room ay ni-lock ko ang pinto at ang mga kurtina sa magkabilang bintana. Hindi ko na rin pinatay ang T.V. upang marinig nilang naglalaro pa rin kami. Nakahilata pa rin si Palette habang nakalaylay ang isang kamay sa sofa. Tumikhim ako't idinampi ang kutsilyo sa braso ko. Ramdam na ramdam ko ang malamig na tulis nito.

You:
Tell me the procedure.
What am I gonna do?

Unknown:
First, cut her back in
the center.

You:
Ano 'to?

Unknown:
Blood eagle, rawr.

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Akala ko'y kay Audrey na ang pinakanakakadiring ginawa ko ngunit may mas ilalala pa pala. Binaba ko na lang sa sahig si Palette, pinunit ko ang suot niyang t-shirt at in-unhook din ang kaniyang bra. Muli akong napalunok habang nakatapat na sa gitna ang kaniyang likod ang kutsilyo, para na naman akong magcha-chop-chop ng karne.







Kill, Cleo, KillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon