Prologue

2.1K 23 0
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.

Plagiarism is a Crime!

Sorry for the wrong grammar you may encounter in this story.

*this story contains explicit mature themes. This is not suitable for people below 18 years old. Read at your own risk.

-------

Prologue:

Laki akong gubat. Kung saan sa gitna ng kagubatan na ito ay may ibang pinaniniwalaan. Iba ang tingin samin ng mga tao sa bayan. Tinging natatakot o nandidiri. Ang tawag samin ay kulto dahil may ibang diyos kaming pinaniniwalaan. Sinasamba namin ang buwan. Ang buwan na nagbibigay samin ng matiwasay na buhay.

Ang aking ina at ama ang kasalukuyang namumuno. Matagal na ang tribong ito, nagsimula ito sa mga kanunu-nunuan namin.

"Thalia! May nadakip na lalake!" sigaw ni Aida.

Mabilis na sumampa sa balikat ko at umupo ang unggoy na si Mire. Lumabas ako ng bahay at nakita ko ngang nagsisitakbuhan ang mga ka-tribo patungo sa kakahuyan.

Nang makarating ako sa kumpol na mga tao ay nakita kong may isang lalake ang nakabitay patiwarik. Ang isang paa niya lang ang nakagapos.

"Pakawalan niyo ako!" madiing sabi niya.

Nagsitabi naman kami nang dumating sila ama at ina. Bakas sa kanilang mukha ang pagkamangha nang makita ang lalake na nabiktima ng kanilang patibong.

"Sa wakas! may i-aalay na tayo kay Bathala pagdating ng eklipse." natutuwang sabi ni Ina at nagbunyi ang mga katribo.

***







Into The Wild (Completed)Where stories live. Discover now