Chapter 2

7 2 0
                                    

ACE GUEVARRA

Saktong lunch break na nang makarating ako sa hospital para ihatid ang pagkain ni Farah. Dumiretso ako ng office nya pero pagdating ko doon ay wala sya.

"Hmm. Baka nasa operating room pa sya. Hintayin ko nalang sya dito." Sambit ko sa aking sarili saka ko inilapag ang lunch box sa table nya at naupo sa kanyang swivel chair. Oh? Nandito ang cellphone nya? Maglalaro muna ako ng ragnarok sa cp nya.

Pagka-unlock ko nito ay bumulaga sa akin ang picture nilang dalawa ni Kenji. Psh. Hanggang ngayon ba ay gusto pa rin nya yung gunggong na 'yon? Ito pa yung picture nila na kinuhanan ko noong lumaban ng Mr. Intramurals si Ken. Tagal na nito, high school palang kami.

Biglang bumukas ang pinto kaya napatigil ako sa aking ginagawa. Tumayo ako sa aking pagkakaupo at sandali akong yumuko bilang pagbati sa kanya.

"Nasa operating room pa si Dr. Garcia, kakaumpisa pa lamang ng operasyon." Saad nito habang naglalakad palapit sa table kung nasaan ako. Inilapag nya dito ang dala nyang folder, sa may tabi ng lunch box na dala ko. "Pwede ba tayong mag-usap sandali?" Bahagyang sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi. Nag-nod lang ako bilang tugon.

~

Nandito kami sa labas ng hospital, nakaupo sa isang bench sa may ilalim ng isang malaking puno. Natatakpan ng makakapal na mga sanga at dahon ng puno ang sinag ng araw na tumatama sa aming pwesto kaya hindi gaano mainit.

"Loko ka talagang bata ka. Bakit ka umalis ng ganun ganun nalang saka pinutol ang lahat ng communication?" Pag-uumpisa ni lolo Lorenzo.

"Sorry lo." Pinilit kong ngumiti sa kanya.

"Ang papa mo, hinahanap ka. Mukhang isinasaayos na nya ang lahat. At ang hirap paaminin ng bestfriend mong si Farah kung nasaan ka. Loyal na loyal sayo eh." Nakatingin sya sa malayo habang binabanggit iyon.

"Pakisabi nalang sa kanya na ayusin ang lahat pero wag na ako isama pa." Tugon ko lang sa kanya saka na ako tumayo, "Mauna na ako lo."

Nakailang hakbang pa lamang ako nang magsalita sya muli. "Ace, hindi ba yun ang tamang gawin? Kahit para sa pamilya man lang." Huminto ako sa paglalakad at humarap ulit sa kanya. Tumayo din sya.

"Hindi madaling humingi ng tawad kahit gaano nila kagusto gawin iyon, at kahit miss na miss na natin sila ay mas mahirap pa rin sabihin iyon. Ganoon lang ang papa mo at tumatanda na rin sya masyado." Paliwanag ni lolo pero hindi pa rin ako nagpatinag sa sinabi nya. Napayuko lang ako ng bahagya sa sinabi ni lolo.

"Mauna na ako lo. Ingat po kayo." Ngumiti lang ako sa kanya bago tuluyang umalis.

FARAH GARCIA

Matapos ang operasyon ay agad na akong bumalik sa office. Dinatnan ko sa mesa ang isang lunch box at isang folder. Agad akong naupo sa swivel chair upang tingnan ang laman ng folder. Records ito ng isa kong bagong pasyente.

Parang nakita ko na ang mukha nitong batang babae na ito. O baka may kahawig lang sya pero di ko maalala kung sino. Naka-assign sya sa isang private room, walang masyadong information ang nakalagay tanging ang pangalan ang nakasulat at wala man lang surname.

Kendy?

I guess, mamaya na ako kakain after ko bisitahin itong bago kong pasyente. Mabilis akong nagtungo sa elevator at dumiretso sa fourth floor.

Narito na ako ngayon sa tapat ng pintuan ng room 408. Dahan dahan kong pinihit ang door knob saka pumasok sa loob. Sumalubong sa akin ang amoy ng disinfectant mula sa bawat sulok nitong kwarto.

"Ang ganda naman nitong batang 'to sa edad nya." I mumbled. Mukha lang syang sleeping beauty sa itsura nya. Ang ganda talaga nya.

Chineck ko lang ang vitals nya at ang temperature nya. 36.8 degrees Celcius, it's normal. Ibinalik ko na sa bulsa ng lab coat ko ang thermometer saka akmang aalis nang bigla nyang hawakan ang laylayan ng lab coat ko.

Rewrite The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon