FARAH GARCIA
I never thought that I myself would say it out loud. I don't want it to be gone... my true feelings for Ace. But... if I express it in that manner, will Ace pull himself back again?
Dinukot ko ang aking cellphone mula sa bulsa ng aking lab coat. Ichchat ko sana si Ace pero bigla akong natulala. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig at di na ako makagalaw. Nakatitig lang ako sa ilalim ng conversation namin ni Ace.
You can't reply to this conversation.
What is this? Why? It really hurts. Am I really losing him? What should I do? I can't breathe.
"Hey? Are you ok?" Biglang sumulpot si Kenji sa tabi ko. Nandito kami sa coffee shop sa tapat lang ng hospital.
"Ah, yes." Napalingon ako sa kanya,"I'm fine. I'm fine."
"Alright. Bukas ng afternoon, balak kong bisitahin yung dati nating school. Pwede ka ba sumama sakin?"
"Ah talaga?" Teka? Sasama ba ako? Bakit ako na-coconfused? Hindi dapat ganito. "Sure sure. Sama ako." Saka ako ngumiti ng pilit sa kanya.
"Great! Thank you." Hinawakan nya ang kanan kong kamay saka nya ito hinalikan. Nakatitig lang ako sa kanya saka ngumiti.
Sabay kaming bumalik ni Kenji sa hospital. Hinatid nya ako sa office ko bago sya bumalik sa office nya. Nakasandal lang ako sa aking swivel chair nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwal nito si Ace. Nakasuot sya ngayon ng formal suit na kulay grey at necktie na pink, bagong gupit din ang kulay ash grey nyang buhok. Hindi ako sanay na mukha syang kagalang galang.
Binati nya sila Lawrence at Nigel na busy sa kanilang table at ngayon ay titig din sila kay Ace na parang di makapaniwalang si Ace nga iyon.
Diretso lang syang naglakad palapit sa akin. Nakita ko ang kulay grey nyang mga mata, malamig na ang mga titig nito sa akin.
Inilapag nya ang isang kahon sa aking harapan. Kasing laki siguro ito ng isang notebook. Ano 'to? A gift? Or remembrance?
"Matagal ko na dapat ibinigay yan kaso nginatngat ni Happy kaya bumili ako ng bago." Sambit nya saka bahagyang ngumiti sa akin bago tumalikod paalis.
"Ace!" Tawag ko sa kanya. Huminto sya pero nakatalikod lang sya sa akin.
Dahan dahan ulit syang humarap sa akin at pinukulan ako ng malalamig na titig. "Dr. Farah Garcia?"
This is the first time he called me that. Dr. Farah Garcia? Pati ang tawag nya sa akin ngayon ay naging formal na.
"Goodbye." Sambit nya bago tumalikod ulit sa akin. Hindi sya naglakad at ilang segundo lang syang nakatayo doon.
Maya maya ay humarap na naman sya at naglakad palapit sa akin. "Mayroon pa akong gusto sabihin na hindi mo alam." Sambit nya at nakita kong pumatak ang luha mula sa mga mata nyang kanina ay malamig ang titig.
Nagulat ako nang bigla nya akong halikan. Hindi ako nakagalaw o nakapag-react agad. Naestatwa ako doon pati na rin sila Nigel at Lawrence.
Nakatitig lang ako kay Ace hanggang sa makalabas na sya ng pintuan. What the fuck was that? Napahawak ako sa aking mga labi saka napatingin sa binigay nyang kahon. Agad ko itong binuksan at ang laman nito ay isang tape recorder.
ACE GUEVARRA
Pagkagaling ko sa hospital ay naisip kong dumaan muna sa restaurant bago dumiretso ng Department Store. Pagbaba na pagbaba ko pa lamang ng kotse ko ay pinagtitinginan na ako ng mga taong dumadaan. Ganun na ba ako kagwapo sobra ngayon? Psh.
"Wow, Chef Ace. Ayy CEO Ace Guevarra na pala!" Pagsalubong ni Louie sa akin pagpasok ko ng restau. Nakapamulsa lang ako habang papunta sa kitchen.
"Nice outfit President." Saad ni Adrian. Ang cool at chill lang talaga nya tingnan. Parang nakikita ko tuloy yung ugali ko sa kanya minsan.
"Oyy bes! Nandyan ka pala." Inakbayan ako ni Andrei.
"Bes mo mukha mo." Naka-smirk na sabi ko sa kanya.
"Biro lang. Hehe." Pagbawi nito sa kanyang sinabi,"Suko na ba?"
"Oo yata." Tugon ko.
"Even if you're troubled, dapat ka pa ring lumaban."
"Sinong nagsabing susuko ako?" Ngumisi ako sa kanya,"This time lalaban na talaga ako."
"Bakit mo blinocked?" Biglang tanong ni Andrei.
"Para malaman ko kung ano ang gagawin nya." Simpleng sagot ko lang,"Once she got confused, I will get her back."
"Nagiging honest ka na nga talaga sa feelings mo para kay Dr. Garcia ah." Tugon lang nya.
"Pero napapaisip pa rin ako, paano ko kaya sya nanakawin pabalik?" Sabi ko sa kanya saka ako nagpakawala ng malalim na buntong hininga.
"Hmm. Kumain ka muna CEO Ace." Inilapag ni Andrei sa harapan ko ang isang plate na may lamang pasta. My favorite. Napangiti nalang ako habang nakatitig doon.
"Sige nga. Tingnan natin kung bagay nga sayo ang maging head chef." Sambit ko saka ko dinampot ang fork at tinikman iyon. Nice. Nag-improve na sya ngayon ah.
After ko kumain ay kailangan ko ng bumalik sa Department Store kaya kinailangan ko ng magpaalam sa kanila. Hindi ko inasahang darating ako sa puntong iiwan ko ang pagiging chef at ipagpapatuloy ang business na itinayo ni papa.
Pagdating ko sa Department Store ay nag-ikot ikot muna ako sandali para tingnan ang kalagayan ng mga empleyado. Bawat madaanan at makasalubong ko ay nag-bbow sa harap ko. Wow talaga. Parang kailan lang noong nandito kami ni Farah, paikot ikot sa buong mall at walang nakakakilala sa akin.
May iilan pang mga customer na lumapit sa akin para magpalitrato. Sa gwapo kong 'to ay parang mas bagay ko pang mag-model o mag-artista. Hihi.
Nang maramdaman kong sumasakit na ang mga paa ko sa kakalakad ay nagpasya na akong bumalik sa office ko. Pagbukas ko ng pinto ay nakita kong nakaupo si lolo Lorenzo sa may couch.
"Welcome President Ace Guevarra."
"Lo? Nandito ka ngayon? Hehe." Masaya ko syang nilapitan at niyakap.
"Halika maupo ka dito." Saka ako hinila ni lolo paupo sa couch.
"Nagpunta ako dito dahil may sasabihin ako. Saka may pinadala din si Farah para sayo."
"Eh? Si Farah? Pinadala? Para sa akin?" Salubong ang dalawa kong kilay.
"Ayan. Buksan mo na agad saka mo ako bigyan. Hehe." Sabi ni lolo Lorenzo kaya pala excited pa sya kaysa sa akin. Natawa nalang ako sa kanya.
"Ano? Cake? Bakit?" Nagtatakang tanong ko saka lang nagkibit balikat si lolo sa akin. Sabay namin iyon tinikman at infairness, masarap. Binili kaya nya ito o binaked? Psh. Nevermind.
"Sya nga pala Ace. About that..." Sambit ni lolo, "Nakapag-desisyon ka na ba talaga?"
"Yes." Maikli kong sagot saka ako pilit na ngumiti, "I've decided."
BINABASA MO ANG
Rewrite The Stars
RomansaFarah Garcia is a very skilled surgeon at a large hospital that her grandfather owns. Ace Guevarra, Farah's bestfriend, is a chef in a restaurant which he owns. Ace Guevarra has always been by her side throughout her journey of struggles in confess...