Chapter 16

0 0 0
                                    

FAYE

Tatlong taon kaming magkarelasyon at sa loob ng tatlong taon na pinagsamahan namin, hindi pa rin nya kayang iwan ang bestfriend nyang si Farah. Kaya ang ginawa ko ay sumama ako sa kabarkada nya para saktan sya.

Matapos ang tatlong taon ay nagkita kami ulit at ganun pa rin sya. Na-depressed ako sa pagkamatay ni mama at kailan lang ay nalaman kong namatay din ang papa ni Ace.

Kinamusta ko sya at ok lang naman sya. Ngayon ay magkasama kaming pumupunta sa Psychiatrist nya pero magkaiba ang oras ng therapy namin.

"Hmm. Hanggang ngayon pala ay sobrang close nyo pa rin ni Farah noh?" Saad ko habang nakatingin sa daan. Tahimik lang si Ace habang sabay kaming naglalakad, ihahatid nya ako sa sakayan ng taxi.

Ramdam kong cold na sya at hindi na talaga nya ako mahal. Pero hindi pa rin ako pinapakawalan ng nakaraan. Di ko pa rin matanggap na hindi nya nagawang layuan si Farah kahit gaano nya ako kamahal na sinasabi nya.

"Ilang libong beses ko na sinabi sayo. Bestfriend ko sya. Hindi ko basta basta iiwan nalang sya." Saad nya saka sya nagpakawala ng malalim na buntong hininga.

Huminto ako sa paglalakad saka ako humarap sa kanya kaya napahinto din sya sa paglalakad. Nakakunot noo lamang syang nakatingin sakin dahil sa pagtataka.

Habang nakatingin ako sa kanya ay tumagos ang aking paningin sa kanyang likuran at doon ay nakita ko si Farah, hindi kalayuan kung nasaan kami ngayon. Hindi ko alam kung anong iniisip ko sa mga oras na iyon pero nainis ako ng makita ko si Farah.

Mabilis kong inilapit ang mukha ko kay Ace pero mabilis din syang kumilos para yakapin ako. Habang yakap yakap nya ako ay bigla nalang tumulo ang luha ko, nakatitig ako kay Farah at tinakpan ng isang lalaki ang kanyang mga mata. Base sa suot ng lalaki ay isa rin syang Doctor. Inilayo nya si Farah at tinitingnan ko lang sila habang papalayo sila.

FARAH GARCIA

Fuck? I didn't know why I'm crying. Did they just kissed? What am I thinking? Why I'm bothered? I can't deny it. I am hurting. Am I jealous? Did I fell for Ace? I don't understand.

"Sometimes it's not the butterflies that tell you you're in love, but the pain." Sambit ni Kenji na nakaupo sa aking tabi. Napatingin ako sa kanya pero hindi nya ako binalingan ng tingin at iniabot lang nya sa akin ang kanyang puting panyo. "Didn't he just tell you? You don't deserve to be hurt."

"Farah!" Parang binuhusan ako ng malamig na tubig nang marinig kong tinawag ni Ace ang pangalan ko. Lumapit sya sa akin pero nakayuko lang ako at ayaw kong makita nya ang mukha ko. "Umiiyak ka ba? Oy napano ka? Tumingin ka nga sakin."

Bigla lang ako tumakbo at hindi ko alam kung saan ako pupunta, maya maya lang ay nasa likuran ko na sya at hinahabol din ako.

"Hoy! Bakit ka ba tumatakbo?!" Sigaw nya sakin nang malapit na nya akong abutan.

"Eh kasi hinahabol mo ako!" Sigaw ko din pabalik sa kanya pero tuloy pa rin ako sa pagtakbo.

"Eh kasi nga tumatakbo ka kaya kita hinahabol."

"Eh kaya wag mo na ako habulin para di na ako tumakbo eh!"

Di ko namalayan na bigla nalang ako tumumba sa lupa habang nakayakap sya sakin.

"Napano ka? Bakit ka umiiyak? Inano ka na naman ba ni Kenji?" Nakatitig lang sya sa mga mata ko.

"Wala! Papagalitan mo na naman ako!" Pagsisinungaling ko sa kanya saka na ako umiyak kasi ang bigat na talaga ng nararamdaman ko. Nasaktan ako dahil sa kanya pero nakakainis dahil di ko magawang sabihin. Wala lang naman kasi ako sa kanya, bestfriend lang nya ako.

Rewrite The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon