ACE GUEVARRA
After ko makaligo ay binuksan ko ang napakalaking cabinet dito sa bago kong kwarto sa mansion. Oo, bumalik na ako sa bahay ni papa.
Kasalukuyan akong pumipili ngayon ng suit at necktie na mag-mamatch sa long sleeves ko. Matapos ko suotin iyong napili ko ay pumunta ako sa kabilang room para pumili ng sapatos. Habang sinusukat ko ang iba dito ay nakita ko ang sapatos na bigay sa akin ni Farah. Yung sapatos na kamukha din ng sapatos na binili ko para sa kanya. Pinagpagan ko lang ito saka ipinasok sa kahon.
Nang matapos na ako magbihis ay binuksan ko naman ang isang cabinet na gawa sa glass at pumili ng wrist watch. Pinili ko yung kulay gold na Rolex watch saka ko iyon isinuot.
Sandali akong humarap sa isang malaking salamin at pinagmasdan ang buo kong itsura. From Chef to CEO, nakakapanibago ito pero ang mahalaga ay gwapo pa rin ako.
Tiningnan ko ang bago kong cellphone at pinagmasdan ang wallpaper ko ng ilang sandali. Ok, I can do this. Naglakad ako pababa ng grand staircase. Gawa sa gold ang railings nito saka naka-red carpet. Kumikislap kislap pa ang chandelier na nasa gitna ng staircase na umagaw sa aking pansin nang ako ay pababa.
Pagtapak ko sa ground floor ay nakita ko si Happy na may nginangatngat na kung ano kaya naman agad ko syang nilapitan.
"Happy!"
Agad kong dinampot ang recorder ko saka ako napabuntong hininga ng malalim. Dito ko sinave yung ni-record kong songs para kay Farah. Aish!
Itinago ko nalang ito sa malapit na drawer sa gilid ng double door entrance saka ko tinawag yung maid. "Manang, ikaw na bahala dito saka kay Happy. Aalis na ako."
"Opo master." Sagot nya agad. Sinabi ko kasi sa kanila na master ang itawag sakin. Haha.
Di sinasadyang nahagip ng paningin ko ang grand piano sa tabi. Napatitig ako sa mga keys nito, lalo na sa dulong key. Tama sya sa sinabi nya, na kada makakita ako ng piano ay maaalala ko sya sa isang special spot. Yung pinaka dulong note sa bandang right. Tumingin ako sa aking wrist watch saka na ako pumunta sa garage.
Sumakay ako sa bago kong kotse, top down Ferrari F60 America. Pinagana ko ang engine saka diretsong lumayas ng bahay.
~
Pagdating ko sa Department Store ay sinalubong ako ng anim na lalaki, nakasuot din sila ng mga formal suit at sinabayan akong maglakad. Nasa likuran ko sila at lahat ng empleyado na madaanan namin ay yumuyuko sa aking harapan. Cool!
Habang naglalakad kami sa second floor papunta sa elevator ay napatigil ako sa paglalakad. Pinagmasdan ko sila sa di kalayuan, magkahawak ang kanilang mga kamay.
Feelings that come back, are feelings that never went away.
Mukhang masaya na nga si Farah sa piling ni Kenji ngayon. Oras na ba para sumuko? Paano pa ako lalaban kung talo na? Pero di ko kayang tanggapin na natalo lang ako ng hindi lumalaban.
"President?" Lumapit sa akin ang aking secretary. Sinenyasan ko sya na ilapit nya sa akin ang kanyang tainga.
"How do you look at the girl you love and tell yourself it's time to walk away?" Bulong ko lang sa kanya na syang nagpakunot ng kanyang noo saka ko ibinulsa ang aking mga kamay at patuloy na naglakad.
Pagdating ko sa tapat ng aking office ay yumuko silang lahat sa akin saka na nagtungo sa kani kanilang puwesto. Pinihit ko ang doorknob saka pumasok sa loob.
Masasabi kong magaling ang nag-design sa loob at maganda din ang kulay ng mga kagamitan. Parang ancient culture at mga antique ang iilang base.
"Si Elijah Garcia ang gumawa ng mga base na iyan."

BINABASA MO ANG
Rewrite The Stars
RomanceFarah Garcia is a very skilled surgeon at a large hospital that her grandfather owns. Ace Guevarra, Farah's bestfriend, is a chef in a restaurant which he owns. Ace Guevarra has always been by her side throughout her journey of struggles in confess...