FARAH GARCIA
Nandito ako sa room ngayon ni Kendy at naglalaro kami ng uno cards. Mukhang mas lalo syang pumayat at naging maputla ngayon, hindi ko na rin kasi sya masyadong napupuntahan dahil nga nitong mga nakaraang pangyayari.
"Oh Kendy. Oras na. Kailangan mo na magpahinga at kailangan ko na bumalik sa office ko." Tinulungan ko syang mahiga sa kanyang kama.
"Sige po Doc. Salamat po ulit sa pagbisita sa akin." Sabi nya at ngumiti lang ako sa kanya. Matagal ko na syang pasyente pero hanggang ngayon ay di ko pa rin nakikita ang parents nya o yung sinasabi nyang kuya nya.
Pagbalik ko sa office ko ay dinatnan ko si Ace na nakaupo sa aking swivel chair.
"Oh? Nandyan ka na pala? Paalis na sana ako, hinatid ko lang ang pagkain mo." Saad nito sa akin.
"Sige. Iwan mo nalang dyan." Tugon ko sa kanya saka ko ibinagsak ang aking katawan sa sofa.
"Mukhang pagod na pagod si Dora ah. Haha." Naupo naman sya sa kabilang dulo sofa.
"Nakipaglaro kasi ako dun sa batang pasyente na kinuwento ko sayo nung nakaraan."
"Psh. Sa tagal mo na bilang surgeon, ngayon palang kita nakitang close sa isang pasyente mo. Kala ko nga wala kang puso eh. Minsan natatakot pa ako sayo. Bata palang tayo sinusuntok mo na ako, paano pa kaya ngayong magaling ka na humawak ng kutsilyo. Baka isang araw, bigla mo nalang mabigkas ang time of death ko. Creepy mo talaga. Grr." Mahaba nyang sabi habang nakatitig sa phone nya.
"Potah. Daming sinabi." Tiningnan ko lang sya ng masama saka lang sya ngumiti ng mapanukso sa akin.
Biglang bumukas ang pinto kaya napalingon kami ni Ace. Napahinto sila nang makita kami ni Ace.
"May bisita ka pala, Dr. Garcia." Pagpansin ni Nigel kay Ace. Nakatayo lang sa tabi nya si Lawrence.
"Good -" Naputol ang sasabihin ni Ace nang magsalita ako.
"Ayy hinde. Aalis na sya." Saka ko hinila si Ace at inihatid sa pinto.
"Psh. Boyfriend mo siguro yung isa doon?" Nakakunot noong sambit ni Ace habang pinapagpagan ang suot nyang itim na uniform.
"Hindi baliw. Binusted ko yung isa doon." Saad ko sa kanya saka ko ni-flip ang maiksi kong buhok.
"Wow. Talaga? May nagkakagusto pala sayo?" Sarkastiko nyang reaksyon kaya nawala ang ngiti sa labi ko saka ko sya sinuntok sa kanyang braso.
"Aray!" Sigaw nya at pinandilatan ko lang sya ng mata habang kagat ko ang aking ibabang labi. "Nako! Tingnan nyo oh. Sinusuntok ako ng Doctor." Sigaw nya saka tumakbo ng mabilis. Tarantado talaga 'tong lalaki na 'to eh.
Napangiti nalang ako ng awkward sa mga dumadaan na nurse saka dali daling pumasok sa loob ng office. Tahimik lang sila Lawrence at Nigel na nakaupo sa kani kanilang mga pwesto.
"Kumain na ba kayo?" Tanong ko sa kanila pero nakaharap ako kay Nigel. Ugh. This is so awkward.
"Oo. Salamat." Tugon ni Nigel tapos pasimple syang tumingin kay Lawrence pero tutok lang si Lawrence sa hawak nyang folder at tila hindi kami naririnig. "Ehem." Pagpapapansin ni Nigel kaya napatigil si Lawrence sa kanyang ginagawa.
"Ah? Oo. Kumain na. Thanks." Tugon lang nya saka na nag-focus ulit sa ginagawa nya.
Di ako makakain ng maayos kahit ang sarap sarap nitong niluto ni Ace. Parang ang sama kasi ng atmosphere dito sa loob ng office. After ko kumain ay naisip kong umidlip sandali kaya inihiga ko ang aking ulo sa aking table saka ako pumikit.

BINABASA MO ANG
Rewrite The Stars
RomanceFarah Garcia is a very skilled surgeon at a large hospital that her grandfather owns. Ace Guevarra, Farah's bestfriend, is a chef in a restaurant which he owns. Ace Guevarra has always been by her side throughout her journey of struggles in confess...