Chapter 1

22 2 0
                                    

ACE GUEVARRA

Nakatayo ako dito sa harap ng information desk ng hospital at tinatawagan ko si tita mama pero hindi sya sumasagot. Napalingon nalang ako sa may double glass door nang biglang bumukas ito at iniluwal ang isang gurney bed wheeled na itinutulak ng tatlong nurse. Sakay nito ang isang duguang pasyente.

Namataan ko si Farah na hingal na hingal na sa kaka-CPR ng pasyente.

Wala naman pagdadalawang isip na tumulong ako sa pagtutulak. Hindi na nga yata napansin ni Farah na nandito ako pero aminado ako na ang cool nya tingnan habang nakapaibabaw sya sa pasyenteng kanyang nirerevive. Mukha syang super hero sa suot nyang uniform na kulay skyblue kasama ang white na lab coat. Yun nga lang ay napuno na rin ng dugo ang kanyang kasuotan.

Nang malapit na kami sa Emergency Room ay dumiretso na sila sa loob at naiwan naman ako dito sa labas. Napaupo na lamang ako dito sa mga row chairs sa may gilid at hinabol ang aking hininga. Nang mapalingon ako sa orasan na nakadisplay dito sa taas ng double doors ay 11 AM na pala. Kung hihintayin ko si Farah ay baka matagalan, kailangan ko ng bumalik sa restaurant dahil malapit na mag-lunch break. Napagdesisyonan ko naman na puntahan nalang si tita mama sa bahay nila mamayang gabi.

Naglalakad na ako ngayon sa hallway palabas ng hospital nang biglang bumukas ang pintuan dito sa gilid at agad naman akong napahinto ng magkatitigan kaming dalawa. Nanlaki ang mga mata nya nang makita ako at naestatwa din ako sa biglaan nyang paglitaw sa aking harapan.

~

Nagpunta kami sa malapit na coffee shop sa may tapat ng hospital. Ilang minuto na ang lumipas at wala pa ring nagsasalita sa aming dalawa. Hindi ko din naman alam ang sasabihin ko. Nakacross arms lamang ako habang hinihintay ko syang magsalita. Habang tinitingnan ko sya ay isa isang nagbabalik ang aking mga alaala kasama sila ni mama. Kung gaano kasaya ang pamilya namin noon kahit tatlo lang kami. Naalala ko din kung paano nagbago ang lahat nung namatay si mama at nagpakasal sya sa iba.

"Kamusta ka na? Kumakain ka ba ng maayos? Ano ng ginagawa mo sa buhay mo ngayon?" Sunod sunod nyang mga tanong.

"Bigla ka bang nagkapakealam sa akin ngayon?" Napangisi nalang ako.

"Sino bang nagsabi sayong umalis ka ng bahay at magdusa?" Tanong nya na para bang kasalanan ko pa.

"Hindi ako umalis ng bahay. Umalis ako sa tabi mo at hindi naman ako nagdusa." Tugon ko sa kanya, "Kung ikukumpara mo sa pananatili ko sa bahay, mas ok ako ngayon. Parang naalisan ako ng tinik sa dibdib."

"Ano bang nagawa ko? Dahil ba inalagaan ko si Luis ng kaunting mas higit sayo? Hindi ba alam ng anak ang tunay na laman ng puso ng kanyang ama? Akala mo ba talaga, mas mahal ko si Luis kaysa sayo kaya mas inalagaan ko sya kaysa sayo? Ikaw ang anak ko, kaya-"

"Sumuko ka... Sakin. Tinapon mo lahat ng alala natin nung buhay pa si mama ng hindi lumilingon pabalik." Giit ko sa kanya nang may pagpipigil na galit. Natahimik sya sa sinabi ko, ilang segundo syang hindi nagsalita. "Since sumuko at tinapos mo ang lahat, wag mo ng panghawakan ang binitawan mo na at kalimutan mo na lang."

"Maiintindihan mo din kapag naranasan mo na. Sa buhay hindi basta basta mangyayari ang bagay na gusto mo. Matanda na ako ngayon at oras na para isaayos ang pamana. Kaya kailangan mo ng umuwi sa bahay ngayon." Pag-iiba nya ng usapan.

"Hinde. Hindi ako tatanggap ng kung ano, mapapera man yan, kabuhayan, o kahit ano pa. Hindi ko hinangad na tumanggap ng kung ano mula sayo. Ayoko ng masangkot pa sayo. Ayoko ng makita ka kahit kailan."

"Aba 'tong batang 'to!" Nagngitngit ang kanyang mga ngipin sa inis at napakuyom ang kanyang mga kamao.

"Pero..." Pagpapatuloy ko, "Please, ingatan mo sarili mo." Huli kong saad sa kanya saka na ako tumayo at dire diretsong naglakad paalis. Tinawag nya ang pangalan ko pero hindi ko na sya nilingon.

Rewrite The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon