FARAH GARCIA
Matapos kong icheck ang kalagayan ng mga pasyente ko ay nag-call sa akin bigla si kuya Elijah. Pinapapunta nya ako agad sa bahay ni Ace. Nag-commute lang ako papunta doon at saktong 11 AM nang makarating ako. Pagpasok ko ay nandoon lahat ng staff nya sa living room at si kuya ay bigla lumabas galing cr.
"Nasa kwarto nya si Ace. Kanina pa sya nagwawala pero ngayon ay parang medyo tumigil na sya. Ayaw nyang buksan ang pintuan ng kwarto nya. Galit na galit sya kay Arabella at kay Luis nang lumabas na ang resulta ng investigation. Nakatakdang arestohin ang mag-ina ngayong gabi sa burol kaya ikaw na ang bahala kay Ace, kailangan nyang umayos at controlin ang galit nya, baka kasi pati sarili nya ay saktan nya." Sabi sakin ni kuya habang iniaabot sakin ang isang baso na may tubig.
"Ginawa na namin ang lahat Dr. Garcia pero mahirap talaga kausapin si chef kapag galit sya. Ibang klase eh." Sabi pa ni Andrei sa akin.
"Ako ng bahala sa kanya." Pilit akong ngumiti sa kanila.
"Kayo na muna bahala dito." Sabi ni kuya samin. Tumango lang ako bilang tugon. Tinapik nya ako sa aking balikat bago sya umalis.
"Ingat po kayo sir Elijah." Pagpapaalala ni Maya kay kuya.
"Akyat muna ako sa kwarto ni Ace, kayo munang bahala kay Happy. Pakipaliguan sya at pakainin." Pakiusap ko sa kanila saka na ako umakyat ng hagdan.
Tahimik lang ang paligid habang naglalakad ako palapit sa pintuan ng kwarto ni Ace. Wala akong marinig na kahit anong ingay. Nang nasa tapat na ako ng pintuan ni Ace ay may narinig na naman akong isang malakas na kalabog kaya nabitawan ko ang baso na aking hawak.
"Ace!!!" Sigaw ko mula sa labas ng kanyang pintuan. "Buksan mo ang pintuan bes. Wag ka magpatalo sa galit mo." Pinipihit pihit ko ang doorknob nya pero naka lock talaga.
"Umalis ka!" Sigaw nito. Napatigil ako sandali. Ibang Ace na naman ito. Ito yung Ace na puno ng galit at poot, dahil pati ako ay nakalimutan nya.
"Hindi ako aalis dito hanggat hindi mo binubuksan 'tong pintuan mo." Sabi ko sa kanya.
"Umalis ka sabi eh! Wag nyo muna ako kausapin! Hayaan nyo ako!"
"Ace! Kausapin mo muna ako. Buksan mo 'tong pinto. Hindi ka pa kumakain. Wala naman mangyayari kung magdadabog ka lang maghapon dyan." Sabi ko sa kanya. Hindi na ako nakarinig pa ng kahit anong tugon mula sa kanya.
Shit! Baka kung ano gawin nito sa sarili nya kaya naman agad na akong tumakbo sa gaming room nya at hinanap yung duplicate na susi ng kanyang kwarto, mabuti nalang ay nakita ko iyon agad.
Pagbukas ko ng pintuan ng kanyang kwarto ay nakita ko syang nakaupo sa may kama nya. Magulo ang kanyang buhok at maga na rin ang kanyang mga mata. Kalat kalat ang mga unan at kumot.
"Wag kang lalapit." He said in a cold voice.
"Ace..." Paghakbang ko ay bigla kong naramdaman ang matatalim na bagay na bumaon sa aking talampakan. Nakita kong duguan na ang sahig, galing iyon sa aking mga paa.
"Shit!" Bigla syang tumayo sa pagkakaupo at nilapitan ako. "Sinabi kong wag ka lumapit diba? Bakit ba ang kulit mo?!" Galit nitong sabi na napasabunot pa sa kanyang buhok at naestatwa lang ako doon.
Di ako makagalaw at kumikirot ang aking mga talampakan. Napatingin sya sa aking mga paa saka sya nag-hissed. Binuhat nya ako agad at iniupo sa kanyang kama.
"Wag ka malikot. Hintayin mo 'ko dyan." This time kalmado na sya. Lumabas sya ng kwarto at pagbalik nya ay may dala na syang medkit. Dumating din si Maya kasama si Adrian, nilinis nila ang mga kalat saka na sila agad umalis.
![](https://img.wattpad.com/cover/225543506-288-k565811.jpg)
BINABASA MO ANG
Rewrite The Stars
RomanceFarah Garcia is a very skilled surgeon at a large hospital that her grandfather owns. Ace Guevarra, Farah's bestfriend, is a chef in a restaurant which he owns. Ace Guevarra has always been by her side throughout her journey of struggles in confess...