FARAH GARCIA
Habang nakahiga ako dito sa aking kama ay nakatitig ako sa tape recorder na binigay sakin kahapon ni Ace. Nakalapag ito dito sa aking tabi.
Matapos nya akong i-blocked ay bigla nalang nya akong hahalikan? Anong umiikot sa isip ni Ace? Pinagttripan ba nya ako?
Parehas kaming duwag. Wala ni isa sa aming dalawa ang naglakas ng loob magtapat kaya umabot kami sa puntong kahit mahal namin ang isa't isa ay wala kaming nagawa kundi mapunta sa maling desisyon.
Sa part ko, natakot akong magtanong o magsabi sa kanya dahil akala ko ay hindi naman mutual ang feelings namin sa isa't isa. Sa part naman nya ay inakala nyang mahal ko pa rin si Kenji. Akala ko ay pinaglaruan kami ng tadhana pero ang totoo ay kung para kayo sa isa't isa, kayo pa rin sa huli kahit na anong mangyari.
Bumangon ako sa pagkakahiga at dinampot ang tape recorder. Sinalaksak ko ang earphones sa aking mga tainga saka ko ni-click ang play button.
[II] If you're not the one
Ang gentle ng boses nya at ang lamig ng himig habang kinakanta nya ito. Napailing iling ako para mahimasmasan ako.
"In the end I couldn't really stop minding him. Why... without realizing, I started to chase him again." I muttered. Ang totoo ay alam ko naman talaga hindi ba? Ibig sabihin ba nito ay hindi na kami pwedeng lumabas ng magkasama ni Ken?
Biglang nag-ring ang cellphone ko kaya napalingon ako doon sa ibabaw ng mesa. Inabot ko ito saka ko sinagot ang call.
"Hello?"
"See ya. Sa swing sa may tindahan." Sambit ni Ken mula sa kabilang linya.
It's the same meeting place three years ago.
~
Nakasuot ako ng black na sweatshirt at white jeans. Pinaresan ko ito ng black na rubber shoes saka cap na black din dahil mainit.
Naglakad lang ako papunta sa meeting place, malapit lang naman saka wala din kasi yung kotse. Pagdating ko doon ay agad ko din namang nakita si Kenji na nakaupo sa duyan.
Nakasuot sya ng grey na t-shirt at maong pants na kulay black. Nakasuot din sya ng cap kagaya sakin. Pagkalapit ko sa kanya ay tumayo sya agad saka hinawakan ang kamay ko.
Hindi naman masyado malayo dito ang school namin nung Elementary kaya agad din kaming nakarating. Ngayon ay nakatayo na kami dito sa harap ng mataas na gate. Bukas ito kaya tumuloy nalang kami. Tahimik ang buong paligid ng school dahil oras ng klase.
"Noong buhay pa si Kendy, sabi nya gusto din nya mag-aral dito." Sabi ni Ken habang nakatingin sa gate.
"Sa dinami rami kong naging pasyente, first time ko mapalapit sa isa. Hindi ko alam na kapatid mo pa sya." Hinawakan ni Ken ang kamay ko saka kami naglakad papasok sa loob ng school.
"It's fine. Masaya akong pinagmalasakitan mo sya kaysa sa akin na sarili nyang kapatid." Pilit syang ngumiti sa akin.
"Sabi nya sakin na ipapakilala daw nya ako sa kuya nya. Gusto daw nyang maging girlfriend ako ng kuya nya."
"Alam ko." Nakangiting sabi ni Ken kaya napangiti nalang din ako sa kanya.
Ang hirap ng ganito. Parang wala akong time mag-move on sa pagkawala ni Ace dahil kailangan kong mahalin ang boyfriend ko. Tsk.
Naglakad kaming magkahawak ang mga kamay sa gitna ng hallway. Sa kanan'g bahagi ay nandoon ang malawak na field kung saan may iilang estudyante na naglalaro.
BINABASA MO ANG
Rewrite The Stars
RomantizmFarah Garcia is a very skilled surgeon at a large hospital that her grandfather owns. Ace Guevarra, Farah's bestfriend, is a chef in a restaurant which he owns. Ace Guevarra has always been by her side throughout her journey of struggles in confess...