Farah's POV
"Bes! Tara akyat tayo." Alok sa'kin ni Ace habang tinuturo ang itaas ng puno. Yung puno na lagi naming inaakyat noong mga bata pa kami. "May sasabihin akong mahalaga sa'yo pagdating natin sa tuktok."
"Tsk." Tugon ko lang sa kanya saka na sya umakyat. Nang makarating na sya sa taas ay saka naman ako sumunod. Buti pa itong puno ay matatag. Naupo ako sa sanga na malamit sa kinaroroonan ni Ace saka ako humarap sa kanya. "Ano ba yung sasabihin mo?"
"Bes..." Seryoso ang pagmumukha nya habang nakaharap sa akin. Hinawakan nya ang kamay ko habang hinihintay ko ang mahalaga nyang sasabihin. "Ako to si Natoy, na mahal na mahal ka."
Napangiwi ako sa sinabi nya. Nyeta! Akala ko kung ano ang sasabihin nya. Tinawanan lang ako ng gago.
"Farah!" Sabay kaming napalingon ni Ace sa baba. Oh my goodness! May boyfriend nga pala ako, si Ken. Shit!
Bigla akong nagising at pagdilat ko ng mga mata ko ay may nakapatong na mabigat na paa sa aking tiyan saka may nakayakap sa aking mga binti.
"Pisti." Nang makapag-adjust na ang aking paningin ay itinulak ko paalis sa tiyan ko ang nakapatong na mabigat na paa saka sya nahulog sa sahig.
"Aray!" Nakatitig lang ako sa kanya, gulo gulo ang kulay ash grey nyang buhok saka nya kinakamot ang puwitan nyang tumama sa sahig.
"Anong ginagawa mo dito?" Gulat ako nang mapagtanto kong nandito nga si Ace.
"Maaga akong dumating kanina, gigisingin lang dapat kita kaso inantok ako bigla. Di ko alam na nakatulog na din pala ako." Paliwanag nya saka muling sumampa sa kama.
"Tsk." Sinuklay ko ang buhok ko habang nakatingin sa labas ng bintana. Tamad pa ako bumaba kaya dito muna ako. Tatanga muna kami sandali para mag-sink in ng kaunti ang lahat.
"Ang weird ng panaginip ko." Sambit nya habang nakatingin din sa bintana, "Sa panaginip ko ay nagtapat daw ako sayo. Hahahahaha. Ang gago diba?"
After nya tumawa ay naging seryoso na ulit ang mukha nya saka sya tumingin sakin. Ang gwapo nya kapag bagong gising, pati yung boses nya. Grey na grey din yung mga mata nya na parang naka-eye liner ang gilid. Mukha syang bagong gising na vampire.
Parehas kami ng panaginip. Sa panaginip ko ay nagtapat din sya sakin. Sa panaginip ko ay sya si Natoy. Baliw talaga. Hindi ko alam na baka pati pala ito ay panaginip din. Nandito nga ba talaga sya sa tabi ko? Oh baka imagination ko lang na nandito sya?
"Hanapin mo ang buwan." Utos ko sa kanya na sya namang ikinakunot ng kanyang noo.
Iginala nya ang kanyang paningin sa labas saka sya tumahimik. Maya maya ay tumingala sya sa langit at sinabing, "Nakita ko na."
"Nasaan?" Di makapaniwalang tanong ko sa kanya tapos ay bigla nya akong tinuro saka sya ngumiti.
"Umaga kaya noh. Kaya kasama ko ang araw." Sabi ko sa kanya saka din ako ngumiti sa kanya.
"Di ako makapaniwalang ako na si Sol ngayon. Mula noon kasi buong akala ko ay ako si Aster. Yung bituin na laging nasa tabi ni Luna na habang lumilipas ang panahon ay napapalayo na sa kanya." Sambit nya habang nakatitig sa malayo sa labas ng bintana.
Pinakamalayong distansya? Yan yung katabi ko lang sya pero di 'ko masabing mahal ko sya.
Bumukas ang pinto ng kwarto kaya sabay kami napatingin ni Ace doon. "Oh? Gising na pala kayong dalawa. Baba na saka na kayo kumain at aalis na tayo." Sabi ni kuya Elijah na nakatayo sa may pintuan.
Nagkatinginan kami ni Ace saka muling lumingon kay kuya. "Saan tayo pupunta?"
"Secret." Sagot lang ni kuya Elijah saka na nya sinara ulit ang pintuan ng kwarto.
BINABASA MO ANG
Rewrite The Stars
RomanceFarah Garcia is a very skilled surgeon at a large hospital that her grandfather owns. Ace Guevarra, Farah's bestfriend, is a chef in a restaurant which he owns. Ace Guevarra has always been by her side throughout her journey of struggles in confess...