Chapter 18

0 0 0
                                    

FARAH GARCIA

Nakasandal ako sa aking swivel chair habang nakapatong ang aking mga paa sa table. Wala akong pakialam kung nandyan pa sila Nigel at Lawrence. Pagod ako sa trabaho tapos pagod pa ako kakaisip. Nakapikit ang aking mga mata habang natatakpan ng aking kanan'g braso.

"Good morning Dr. Gray!" Narinig kong bati nila Nigel at Lawrence sa taong nagbukas ng pinto.

Agad kong iminulat ang aking mga mata saka ibinaba ang aking mga paa. Napalunok ako nang lumapit sa akin si lolo.

"Ikaw na ang mag-abot nito sa mama mo, hindi ko na maidadaan ito doon dahil sa dulo pa ang office nya. Kailangan ko ng bumalik sa office ko." Saad lang nito sakin habang iniaabot ang isang folder.

"Sige po." Tugon ko saka na sya umalis agad, "Ano naman kaya ito?"

Naglakad ako papunta sa office ni mama habang tinitingnan ang folder na hawak ko. Pagdating ko sa tapat ng pintuan ng office ni mama ay kumatok ako. Walang sumagot kaya binuksan ko na ang pinto. Natulala ako nang makita ko ang pasyenteng kausap nya. Si Faye?

Nakatitig lang sya sa akin at nakatitig lang din ako sa kanya. Tsk. Ang babae ng datingan nya, samantalang ako bukod sa di marunong mag-ayos ay lalaki pa kumilos. Parang hindi nga ako mukhang Doctor eh.

"Ehem? Ano yan, Farah?" Tanong ni mama kaya napabalik ako sa aking huwisyo.

"Ahh. Pinabibigay ni lolo Mateo." Iniabot ko lang kay mama saka na ako lumabas agad. Grabe naman sya makatitig sa akin. Parang gusto nya ng away.

Pagbalik ko ng office ay nakita ko si Ace na nakaupo sa aking swivel chair. Tsk. Bigla na naman syang sumulpot. Hindi nga sya nagparamdam kahapon buong araw.

Tinitigan lang nya ako habang naglalakad ako palapit sa kanya. Nakapasok ang aking mga kamay sa bulsa ng aking lab coat at tiningnan ko lang sya ng walang emosyon sa aking pagmumukha.

"Nakita ko ex mo ah." Sabi ko sa kanya saka ako naupo sa mesa ko habang binubuksan ang lunch box na dala nya.

"Sinong ex?" Pag mamaang maangan nya habang nakafocus sa nilalaro nya sa kanyang phone. Napangisi lang ako sa tugon nya.

"Si bebe Faye." Tugon ko saka ako sumubo ng dala nyang kanin at prawns.

"Potangina."

"Maliit lang pala sya. Cute naman." Panunukso ko.

"Maliit naman talaga." Saad nya.

"Maamo mukha."

"Pota talaga. Pinaalala mo na naman." Sabi nya saka nya ni-quit ang nilalaro nya at humarap sa akin. "Yoko na bes. Suko na me."

"Syempre, para di lang ako ang inaasar mo." Tugon ko habang nakangisi.

"Hahaha. Revenge." Tugon nya saka kumuha ng isang prawn sa kinakain ko kaya sinamaan ko sya ng tingin. "Napanood mo na ba yung HLG?"

"Nu yon?" Nakanguso kong tanong.

"Hello love goodbye."

"Hello love goodmorning." Pagbibiro ko.

"Hello sahod goodbye."

"Walang sahod." Naka-pout kong tugon.

"Panoorin natin?"

"Di ako mahilig manood ng ganyan." Sagot ko habang ngumunguya.

"Meron akong hello love goodbye sa computer. At marami pang iba. Kdrama ayaw mo?" Pamimilit nya, "Ayaw mo ba talaga panoorin yon?"

"Sige. Panoorin natin. Kailan?"

"Mamaya. Anong oras?"

"Anytime. Hahaha." Sagot ko.

Rewrite The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon