ACE GUEVARRA
Saktong 3 PM nang dumating kami sa mansion. Di ko nakakalimutan na pumunta ako dito bilang chef, at hindi bilang anak nya. Hindi ako kilala ng mga tao, dahil ilang taon na rin nang huli akong tumungtong sa lugar na ito.
Pagpasok namin sa kitchen ay nanumbalik lahat ng alaala. Noong buhay pa si mama ay ipinagluluto nya kami lagi ng masasarap na pagkain ni papa. Simula kasi nung namatay sya ay si tita Hera na ang naging mama ko, mama ni Farah. Miss na miss ko na si mama. Di ko tuloy mapigilan malungkot kapag naaalala ko sya. Pagpasok ni Maya ay punas agad ako ng aking mga mata.
"Ch-chef? Ready na po tayo." Nauutal na naman sya. Bakit ba kabadong kabado sya kapag kaharap nya ako? Crush nya ba ako? Tumango nalang ako bilang tugon.
Pinunasan ni Louie ang malaking kitchen table at inilabas naman ni Andrei lahat ng aming kasangkapan na gagamitin kasama nya si Bryan. Si Adrian naman ay chinecheck yung mga ingredients na aming gagamitin sa pagluluto.
Tunog lamang ng kutsilyo na naghihiwa at mga ginisang ingredients sa kawali ang aming naririnig. Puno na ng steam ang kusina at nagliliyab din ang mga kawali. Ang mga maids sa paligid ay di mapigilan mamangha sa akin kapag napapadaan sila. Ang gwapo ko kasing chef eh. Aish.
Todo linis sila ng mansion at maya maya pa ay dumating na rin ang mga mag-aayos ng tables and chairs sa labas.
"Andrei, check the pasta." Utos ko sa kanya at agad naman nyang sinunod. "Adrian, gawin mo yung creamy sauce."
Sa pagod ko ay pautos utos nalang muna ako ngayon. Naupo ako sandali nang mahagip ng aking mga mata ang isang glass door sa gilid ng kusina. Nacurious ako kaya naman nilapitan ko iyon. Di ako nagdalawang isip pumasok sa loob at bumungad sa akin ang napakaraming bulaklak.
Bakit ganoon? Ang weird ng feeling? Inilabas ko ang aking phone mula sa aking bulsa at kinuhanan ng litrato ang mga bulaklak.
Maya maya ay may naapakan ako kaya akin itong tiningnan. Nang aking pulutin ay isang capsule. Para saan naman kaya ito? Hindi naman siguro basta basta mag-tetake ng gamot si Arabella.
"Anong ginagawa mo dito?"
Pasimple kong itinago sa aking bulsa ang capsule saka ako humarap sa kanya.
"Nandito ako para i-cancel ang sinabi kong magpaka-responsableng anak ka kay papa. Kasi di kita kayang pagkatiwalaan." Saka ko sya binangga sa braso at iniwan doon.
Ilang oras pa ang lumipas nang maisaayos namin ang lahat sa kusina. Nag-umpisa na ring magsidatingan ang mga bisita nya. Nakita kong dumating si lolo Lorenzo na nakasuot ng long sleeves na kulay pink at slacks. Maya maya ay dumating na rin ang lolo ni Farah, si Dr. Mateo kasama si tita Hera. Nasaan na sya?
Nandito lang kami sa isang gilid, kasama ko yung team ko. Sila ang magseserve ng mga pagkain at ako naman ay taga-utos lang.
"Hindi ba iyon yung tunay na anak ni President?"
"Di ko alam. Siguro?"
Narinig kong bulungan ng ilang bisita ni papa nang mapadaan sila sa tabi ko. May iilan pa rin pa lang nakakakilala sakin mula sa Company ni papa.
Nag-umpisa na ang program. Syempre, may kung ano anong kaplastikan na kunwari magmemessage kay papa. Unang una na doon yung feeling tunay na anak nyang si Luis, sumunod yung pokpok nyang nanay na si Arabella.
Naiinis ako, parang gusto ko tuloy lagyan ng lason itong mga pagkain. Wala naman akong ibang magagawa kasi ang lagay ko ngayon dito ay karaniwang tao lang at hindi mahalaga. Parang hindi ako nag-eexist dito. Simula nung lumayas ako dito ay hindi na ako kabilang sa pamilya nya. Dahil ang totoo ay hindi man lang nya ako hinanap.
BINABASA MO ANG
Rewrite The Stars
RomanceFarah Garcia is a very skilled surgeon at a large hospital that her grandfather owns. Ace Guevarra, Farah's bestfriend, is a chef in a restaurant which he owns. Ace Guevarra has always been by her side throughout her journey of struggles in confess...