FARAH GARCIA
Ang pangit ng panaginip ko. Umalis na naman daw si Ace ng walang paalam. Iniwan na naman nya ako.
Nagising nalang akong umiiyak dahil sa panaginip na iyon. Pawis na pawis akong bumangon mula sa aking kama. Dahan dahan kong idinilat ang aking mga nanlalabo pang mga mata. Kinusot kusot ko ang mga ito saka hinintay na luminaw ang aking paningin.
Nilingon ko si Ace sa aking tabi pero sila Maru at Toothless lang ang nakita kong natutulog doon. Shit! Wala si Ace. Totoo bang panaginip yun? O baka nag-hallucinate lang ako?
Agad akong napabangon at tumakbo palabas dahil baka nandoon lang sya sa baba. Hinanap ko sya sa paligid ng buong bahay pero wala sya kaya naisipan kong lumabas ng bahay pero si kuya Elijah lang ang nakita ko sa garage na naglilinis ng sasakyan.
"Kuya? Nasaan si Ace?" Tanong ko sa kanya kaya napalingon sa akin si kuya Elijah.
"Umuwi sa bahay nya. Nag-eempake ng ga-" Sagot nya pero hindi ko na sya pinatapos sa sinasabi nya at dali dali akong tumakbo papunta sa bahay ni Ace.
Ramdam ko ang mga bato na bumabaon sa aking talampakan kaya na-realized kong wala pala akong suot na slippers. Tsk. Hindi ko nalang pinansin ang sakit na iyon dahil gusto ko lang makarating agad sa bahay ni Ace.
Hingal na hingal ako nang makarating sa tapat ng gate ni Ace at agad naman akong pinagbuksan ng gate nung guard. Dumiretso ako sa loob para hanapin kung nandito nga sya. Sa sobrang laki ng mansion ay lalo akong napagod kakahanap sa kanya at huli kong pinuntahan ay ang kwarto nya. Nakita ko sya doon na isinasara ang zipper ng kanyang travelling bag na nakapatong sa king size bed nya.
Malawak ang loob ng kwarto at kulay navy blue ang kulay ng kanyang mga kurtina, nakalislis iyon kaya nakita ko ang balcony sa harap sa labas ng sliding glass door.
"Saan ka pupunta? Balak mo na naman ba umalis ng walang paalam?" Sigaw ko agad sa kanya kaya napalingon sya bigla sa akin at bakas sa mukha nya ang pagkagulat.
"Hi-hindi noh!" Natatarantang tugon nya.
"Eh bakit ka nag-eempake?" Nangingiyak na tanong ko sa kanya. Sinilayan nya lang sandali ang kanyang travelling bag saka muling tumingin sakin. Napaisip sya ng bahagya bago kumurba ang isang ngiti sa kanyang labi.
"Ah. Hahaha. Nakalimutan mo na ba kung anong date ngayon?" Naka-cross arms na sambit nya.
Mayroon sigurong walong hakbang ang layo nya sa kinatatayuan ko. Natahimik lang ako nang maisip ko kung anong date ngayon.
"July 7 ngayon." Saad nya saka sya naglakad palapit sa akin.
"Birthday ko?" Kunot noong tanong ko sa kanya at bigla lang nya ako niyakap mula sa aking likuran, "Ano naman koneksyon ng travelling bag mo sa birthday ko?" Nakabusangot na tanong ko.
Ipinatong nya ang kanyang chin sa aking kanan'g balikat bago sumagot, "We're going on a trip." He whispered in my ears.
"Akala ko aalis ka na naman ng walang paalam. Papatayin talaga kita." Sambit ko saka ako humiwalay sa pagkakayakap nya. Nginisian lang nya ako bago nya ako i-kiss sa lips.
Bumaba kami sa sala at napansin nyang may sugat ako sa talampakan, "Tumakbo ka ng nakatapak para puntahan ako? Abnormal ka ba talaga?" Saka nya ako bahagyang kinotongan sa noo.
"Aww." Pag-iinarte ko habang hawak ang aking noo.
"Maupo ka dyan." Pinaupo nya ako sa malambot na couch saka nya kinuha ang medkit. Lagi nalang nya ginagamot ang mga sugat ko mula bata. Parang sya yung doctor sa aming dalawa.
BINABASA MO ANG
Rewrite The Stars
RomanceFarah Garcia is a very skilled surgeon at a large hospital that her grandfather owns. Ace Guevarra, Farah's bestfriend, is a chef in a restaurant which he owns. Ace Guevarra has always been by her side throughout her journey of struggles in confess...