FARAH GARCIA
Isang buwan na ang nakalipas mula ng mailibing ang papa ni Ace. Balik na sa normal ang lahat at heto na naman ako sa hospital para sa isang intense na pangyayari.
Saktong 8:30 AM nang may maganap na aksidente 1 km ang layo mula dito sa hospital. Apat ang sugatan, dalawa ang nasa critical na kalagayan at isa ang dead on arrival.
Gaya ng dati, nagiging decorasyon na sa aking kasuotan ang dugo ng mga pasyente. Critical ang kalagayan ng dalawang pasyente at nangangailangan ng agarang operasyon. Sa mga oras na ito, kami lang dalawa ni Kenji ang available na surgeon.
Pero base sa kalagayan nitong dalawang pasyente, nangangailangan ng Neuro Surgeon at ng Orthopaedic Surgeon. Si Kenji ang dapat mag-perform ng isang surgery at si lolo Mateo naman ang isa, dahil si lolo Mateo lang ang Orthopaedic Surgeon dito ngayon.
~
Narito na kami ngayon sa loob ng operating room. Ako ang gaganap na assistant surgeon at si lolo ang orthopaedic surgeon. Kasama namin ang anesthesiologist, scrub nurse at ang circulating nurse.
"Let's start." Dikta ni lolo Mateo. "Scalpel."
Inalis muna nya ang soft tissues sa naputol na kamay ng pasyente tapos pinagdugtong ang mga buto.
"Drill." Inabot naman sa kanya agad iyon ni nurse Heidi. "The bone is fractured diagonally, so I'll drill a hole. I'll fixate with a wire."
"There's a problem. The blood vessel is too short." Saad ko.
"We can transplant it from another part. Don't worry." Tugon nya. "Circulatory anastomosis. It looks good. Let's clean the tissues and blood." Habang ginagawa namin iyon ni lolo ay nakabibinging katahimikan ang bumalot sa paligid naming lahat dito sa loob ng operating room.
Lampas isang oras ng matapos ang opearasyon. Pinagpawisan ako ng kaunti doon ah.
"Gisingin na natin ang pasyente." Saad ni lolo na nakaupo na ngayon sa isang silya sa gilid ng operating table.
Nakahiga pa rin ang pasyente sa operating table nang sya ay gisingin.
"Naririnig mo ba ako Mr. Flores?"
"O-Oo." Tugon nito.
"Pwede mo bang igalaw ang iyong kamay?" Dikta ni lolo sa kanya kaya napatingin kaming lahat sa kamay nyang nakabenda na kakatapos lang operahan.
"Wow! Ang galing! Nagagalaw na nya." Manghang mangha si Nurse Heidi nang maigalaw ng pasyente ang kanyang kamay. Lahat kami ay masaya dito sa loob ng operating room dahil sa successful na surgery.
Dumiretso na ako sa office after ng surgery. Napangiti na lang ako ng makita ang lunch box na nasa ibabaw ng table ko. Dinampot ko lamang ito at pumunta na agad ako sa canteen ng hospital. Di ko na nga nakuhang magpalit pa ng suot.
Habang kumakain ako mag-isa sa isang bakanteng mesa ay biglang may umupo sa aking harapan at inabot sa akin ang isang rootbeer na naka-can pa. Napatingin ako sa kung sino ang nang-iistorbo sa akin ngayon, si Dr. Villegas na naman pala. Tinitigan ko lang sya at napakagat lang sya sa kanyang ibabang labi.
"May gusto ka bang sabihin?" Tanong ko sa kanya with cold stares.
"May gusto ka bang marinig?" Nakanguso nyang tugon. Hindi ako sumagot saka nalang ako sumubo ng pagkain ko.
"Bakit mo ba ako pinapanood?" Nakakunot noo kong tanong sa kanya.
"Actually, may gusto akong sabihin sayo." Sambit nya. "In private?"
"How important is it?"
"It's not really important." Tugon nya. Bigla namang dumating si Kenji at napatingin samin pero umiwas lang sya ng tingin samin saka dumiretso sa counter para bumili. Tsk.

BINABASA MO ANG
Rewrite The Stars
RomansaFarah Garcia is a very skilled surgeon at a large hospital that her grandfather owns. Ace Guevarra, Farah's bestfriend, is a chef in a restaurant which he owns. Ace Guevarra has always been by her side throughout her journey of struggles in confess...