Chapter 17

1 0 0
                                    

ACE GUEVARRA

Malapit na ang closing hour at nakaupo nalang ako dito sa isang silya malapit sa counter. Kanina ko pa hawak ang phone ko at wala man lang akong nareceive na message or call mula kay Farah.

"Chef? Nag-away ba kayo ni Andrei?" Tanong bigla ni Maya habang nagpupunas ng mga baso sa counter.

"Huh?" Wala sa sariling tugon ko.

"Kasi napansin kong parang iniiwasan ka nya. Hindi din sya madaldal maghapon. Nakakapanibago lang." Saad nya. Nagtatampo siguro sya. "Saka bakit may galos ka sa may gilid ng labi, chef? Nakipag-suntukan ka ba?"

Hindi nalang ako sumagot at nagpanggap nalang na mag-ccr ako. Wala ng mga customer sa restaurant at naglilinis nalang sila Bryan, Louie, Adrian at Maya.

Paglabas ko mula sa cr ay napansin kong paalis na si Andrei at nasa labas na sya. Di naman na ako nagdalawang isip pa na habulin sya.

"Chef Andrei!" Tawag ko sa pangalan nya kaya lumingon sya. "Gusto mo bang uminom ng beer?"

Hindi lang sya nagsalita at hinintay lang nya ako lumapit sa kanya. Sabay kami naglakad papunta sa bilihan. Matapos naming bumili ay tumambay kami sa malapit na park at naupo sa swing.

"Noong una, di ko naiintindihan lahat." Una kong sinabi para basagin ang katahimikan. "Ang hirap ng ganito kapag lagi kong naaalala ang huling beses na nag-usap kami ni papa. Sana napigilan ko ang pagkamatay nya kaso hindi ko nagawa."

"Hmm." Tugon lang nya habang hawak ang ibaba ng kanyang chin.

"Tapos walang ibang nasa tabi ko kundi si Farah. Hindi nya ako iniwan at pinabayaan. Di sya umalis sa tabi ko kahit sandali. Simula pa noong una, nang mawala ang lahat sa akin, si mama, ang alaga kong aso, si Faye... Lagi lang sya nandyan para sakin. Pati na noong nawala sakin si papa." Pagtutuloy ko sa aking sinasabi.

"Huh? Ano bang gusto mong sabihin?" Tanong nya sakin saka uminom ng beer na hawak nya. "Hmm. Pero medyo nakukuha ko ang gusto mo sabihin. Parang na-realized mo na kahit gaano kahirap at kadaming pagsubok ang pagdaanan mo, patuloy pa rin iikot ang mundo?"

"Akala ko kapag nanatili ako sa tabi ni Faye ay makabubuti iyon sa kanya. Pero na-realized kong hindi pala."

"Oh anong balak mong gawin kay Faye?" Tanong nito ulit sa akin. Uminom muna ako sa hawak kong beer bago sumagot.

"Kakausapin ko sya ng maayos. Baka kasi ma mis-interpret na nya kapag nagpatuloy pa ito."

"Oh ngayon? Magtatapat ka na ba kay Farah?"

"Oo. Sasabihin ko na sa kanya na mahal ko sya. Kapag ok na ang lahat kay Faye." Saad ko.

"Ah oo. Tama ka. Pero kung magtatapat ka, bilisan mo. Baka malamangan ka pa ng iba."

"Gusto kong tapusin muna ang lahat sa amin ni Faye bago ako magtapat. Pero baka huli na ang lahat."

"Huh? Yung pagtatapat mo?"

"Right now may already be too late." I mumbled while staring at nowhere.

"Hahahahaha." Malakas na tawa lang ang tugon nya sa akin.

"Bakit ka tumatawa?" Kunot noong tanong ko sa kanya.

"I'm supporting you. Ahahahhaha."

FARAH GARCIA

Maghapon lang akong nakahilata sa aking kama habang nag-iisip. Day-off ko ngayon kaya ako lang mag-isa dito sa bahay kasama sila Maru at Toothless.

Dumapa ako saka ko tinitigan ang phone ko na nakalapag sa mesa. Hindi pa rin nag-message sakin si Ace. Aish. Bakit ko ba hinihintay ang chat or text nya? Kahit call, wala.

Rewrite The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon