Chapter 3

4 1 0
                                    

ACE GUEVARRA

Pagdating ko sa restaurant ay naglilinis na ang mga staff, ready na para mag-open ito. Syempre dahil ako ang boss, diretso agad ako sa second floor para magpalit ng uniform.

Harap muna sa salamin, kaunting suklay ng buhok at pagpag ng suot. Black na black kasi ito kaya maalikabukan lang ng kaunti ay kitang kita mo na. Ayan! nang satisfied na ako sa aking itsura ay bumaba na ako.

"Good morning chef!" Bati sakin ni Maya na nag-mmop ng floorings.

"Gwapo mo chef ah." Pambobola naman sakin ni Andrei na nag-aalis ng agiw sa ceiling.

"Hi chef!" Si Adrian na nagliligpit ng kasangkapan sa kitchen. Always poker face pero pogi kaso mas pogi pa rin talaga ako.

"Chef!" Pagpansin sakin ni Louie na nagsalute pa. Ano ka? Lieutenant?

"Morning chef!" Bati sakin ni Bryan na umiinom ng tubig sa baso.

Gayun pa man ay tango lang ang maitutugon ko sa kanila. Di rin kasi ako sanay at komportable sa ibang tao. Wala akong ibang kaclose at hindi rin ako madaldal na tao. Maliban nalang kapag bestfriend ko ang kasama ko.

Busy ang naging umaga dahil maraming kumakain ngayon sa restau. Saturday kasi ngayon. Medyo napagod din ako kaya nagpasya akong umupo sa may counter kasama si Maya. Sya kasi ang incharge sa cashier.

Di ko kaclose si Maya kaya naman nung umupo ako malapit sa kanya ay halatang kabado sya, napanguso nalang ako habang inilalabas ang aking phone. Si Farah ay kaclose nya, ang galing noh? Makapal kasi mukha ng babaeng yun eh. Haha. Sa totoo lang ay introvert si Farah kaya nagtataka ako kung paano sila naging close ni Maya.

Binuksan ko ang aking cellular data at biglang may nagpop up na chat head.

Farah Garcia
day off ko bukas. samahan mo ako manood ng frozen 2.

Ace Guevarra
yoko nga. pambabae naman yon.
Saka bukas pa yon. Mamaya lang ayaw mo na panoorin yon.

Farah Garcia
Tsk. Di naman ako kagaya ng iba dyan.

Ace Guevarra
HAHAHAHA

Farah Garcia
sge. ako nalang mag isa.

Ace Guevarra
psh. grabe mangunsensya.
parang ikaw yung gf ko ah.

Sineen ba naman ako. Toyo na naman 'to. Maya maya ay bumukas ang glass door. Guess who? May kasama na naman syang ibang babae. Psh. Pinanood ko silang maglakad papunta sa table sa dulo, malapit sa window. Expert talaga 'to sa pambababae eh. Maganda nga naman kasi ang view doon sa malapit sa window.

After nya kausapin yung babaeng kasama nya ay tinawag na nila si Louie at umorder na. Habang nag-kkwentuhan sila ay bumalik ako sa kitchen. Agad ipinasa sa akin ni Louie yung order nila.

Naglapag ako ng tatlong chicken breasts sa chopping board at kinuha ang knife. Hiniwa hiwa ko ang breasts ng pa-cube. Tapos ay inilagay ko ito sa isang malaking glass bowl.

Nilagyan ko ito ng 125 grams na yogurt, pinigan ko ng isang buong lemon, nilagyan ko din ng dinikdik na 6 cloves na garlic, 1 tbsp na dinikdik din na ginger, 2 tsp salt, 2 tsp cumin, 2 tsp garam masala, 2 tsp paprika tapos ay hinalo ko ito ng maigi para mamarinate lahat ng maayos.

After mamarinate ay ni-bake ko ito ng 260 degrees Celcius for 15 minutes. Habang binibake ito ay isinalang ko ang maliit na caserole sa stove. Iginisa sa mantika ang 1 chopped white onion, 8 cloves garlic, 2 tbsp ginger. Hinalo halo ko ito tapos nilagyan ko ng 2 tsp cumin, 2 tsp turmeric, 2 tsp coriander, 2 tsp chili powder, 2 tsp paprika, 2 tsp garam masala. Hinalo ko ito ulit hanggang sa mag-mukhang paste. Maya maya ay inilagay ko na ang 1 tbsp tomato puree, 800 grams tomato sauce, at 300 ml na water. Hinalo ko pa ulit ito hanggang sa kumulo tapos ay ibinuhos ko na ang 250 ml cream.

Rewrite The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon