Chapter 30

7 0 0
                                        

Fourteen years later...

FARAH GARCIA

Nalanghap ko ang amoy ng french toast na may aroma ng butter na syang gumising sa aking pagkakahimbing. Nang ako ay bumangon sa aking pagkakahiga ay nakita kong wala na si Ace sa aking tabi.

Sinapunggol ko ang aking buhok into a messy bun saka ko isinuot ang aking indoor slippers na disenyong ulo ng kitten. Cute!

Naglakad ako pababa ng hagdan saka ako sumilip sa kusina. Bigla nalang sumilay ang malawak na ngiti sa aking mga labi. I saw sitting there our twelve years old son, his name is Ayushiridara. Sitting beside him is our eight years old daughter named Beatrice. Patiently waiting for their father to finish cooking their breakfast.

Dahan dahan akong naglakad palapit sa kanila at nang nandoon na ako sa kanilang likuran ay inakbayan ko sila parehas, "Good morning kuya Ayu at ate Bea." Saka ko sila hinalikan sa pisngi nila.

"Good morning mom!" Nakangiting bati sakin ni Ayu saka nya ako kiniss sa pisngi ko. Such a sweet little boy.

"Good morning mommy!" Kiniss din ako ni Bea sa aking pisngi habang may gatas sya sa kanyang labi. Such a lovely little girl. "Mommy! Nanganak na si Maru. Tatlo yung baby nya."

By the way, ibang Maru na ang pusa namin. Pumanaw na yung una kong furbaby dahil sa katandaan.

"Oh? Really?" Masaya kong tugon. Maya maya ay natapos na si Ace sa kanyang niluluto na mac and cheese kaya naupo na rin sya sa harapan ng mga bata.

"Good morning Doktora Guevarra." Nakatingin sakin si Ace kaya lumapit ako sa kanya at hinalikan sya sa pisngi nya at hinalikan nya ako sa aking noo bago ako naupo sa tabi nya.

"Good morning my husband." Tugon ko sa kanya saka na ako nagbaling ng tingin sa mga anak namin na busy sa kanilang pagkain, "Pakabusog kayo mga anak. After kumain ay maligo na huh?"

"Opo mommy!" Sagot nilang dalawa.

"Anong oras nga pala dapat tayo nandoon sa mansion?" Tanong ni Ace sa akin habang kumakain ng french toast.

"Mga before lunch dapat nandoon na tayo." Tugon ko saka rin ako kumuha ng french toast at tumikim sa niluto nyang mac and cheese.

"Oh. Iiwanan ko nalang ng pagkain sila Happy pati sila Maru at Toothless." Sambit nito bago tumayo sa kanyang pagkakaupo, "Oo nga pala. Dumating na yung family portrait natin. Tulungan mo akong isabit sa wall sa may living room."

"Talaga? Oh sige." Sabi ko saka ako uminom ng gatas sa baso bago tumayo.

"Come." Anyaya ni Ace.

"Ubusin yang mga pagkain huh? Wag magtitira." Bilin ko kila Ayu at Bea na puno ang mga bibig kaya tumango lang sila sa akin bilang tugon.

Sabay kaming pumunta sa living room ni Ace at agad naming nakita ang family portrait na naka sandal sa may malaking sofa. Nakabalot pa ito kaya kinuha ko yung gunting sa loob ng drawer na nasa gilid ng pintuan.

"Hawakan mo dito banda, Heart." Dikta sa akin ni Ace at hinawakan ko naman iyon sa kabilang dulo gaya ng dikta nya. Kinuha nya sa akin yung gunting at dahan dahan nyang ginupit yung cover na cartolina.

Agad namin isinabit iyon sa may pader sa gilid kung saan kitang kita ang kabuoan noon. Hindi namin mapigilan ni Ace ang mapatitig at mapangiti sa malaking family portrait na iyon.

Isa itong imahe ng masaya naming pamilya. Sa portrait ay nakaupo kami ni Ace sa isang red couch at sa pagitan namin ay si Ayu, nasa kandungan ko naman si Bea. Si Maru ay hawak ni Bea at si Toothless naman ay nasa lap ni Ayu. Samantalang si Happy ay naka-sit sa paanan ni Ace.

Rewrite The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon