KENJI LAZATIN
Nakaupo ako ngayon dito sa couch ng office ni Dr. Gray. Magkaharap kaming dalawa at sabay umiinom ng tea. Pinatawag nya ako kanina at sa tingin ko ay alam ko na ang reason.
"Nakapag-desisyon ka na ba talaga?" Tanong sakin ni Dr. Gray saka nya inayos ang kanyang suot na eye glasses.
"Opo." Sagot ko. Mahal na mahal ko si Farah kaya ginagawa ko itong lahat para sa kanya. Ayoko syang mawala sakin at ayoko din makitang nahihirapan sya.
"Tatanggihan mo ba talaga ang arranged marriage?"
Gusto ko syang pakasalan kahit walang arranged marriage pero hindi iyon ang gusto nya.
Even though I know about Ace, I didn't ask. Hindi dahil gusto ko syang subukan kundi dahil takot akong malaman ang totoo. Sa umpisa pa lang ay takot na ako pero nung binigyan nya ako ng chance na patuyan ang feelings ko para sa kanya, ay iyon ang naging pag-asa ko.
"The one who'll decide is Farah." Sagot ko lang sa kanya. Napatikhim lang sya sa sagot.
"Si Ace. Alam mo bang ngayon na ang flight nya papuntang States?" Napatigil ako sa pag-inom ko sa tasa dahil sa sinabi nya.
I thought he liked Farah? Why now? Should I assume he's backing away?
I've never looked at anyone other than Farah. I'm not like Ace. That's why I won't lose.
"May pag-asa ka pa, Kenji." Saad ni Dr. Gray, patuloy nya akong cinoconvince. Inilapag na nya ang kanyang hawak na teacup saka tumayo. Tinapik nya ako sa aking kanan'g balikat bago nya ako iwan doon sa loob ng kanyang office.
Inilabas ko ang aking phone mula sa aking bulsa saka ko tinitigan ang litrato namin ni Farah na wallpaper ko. Hindi ko alam kung ilalaban ko pa ba ito o isusuko na. Isa lang ang alam ko, mahal ko sya at di ko kayang mawala sya sakin.
Farah
calling...Agad kong sinagot ang tawag nya habang nakatingin sa aking relo. Kakatapos lang ng operasyon at tumawag sya agad. Parang kinakabahan ako sa kung ano ang sasabihin nya.
"Hello?" Pagsagot ko sa kanyang tawag. Narinig ko ang malalim nyang buntong hininga mula sa kabilang linya.
"Pwede ba tayong mag-usap?"
"Ngayon na ba?"
"Oo sana kung wala ka ng ginagawa."
"Sige. Saan ba?"
"Sa park sa likuran ng hospital. Sa may bench sa ilalim ng malaking puno." Pagkasabi nya noon ay agad na nyang pinutol ang linya.
Hindi ko maintindihan pero pagtayo ko ay parang ayaw maglakad ng mga paa ko. Parang hindi ko gustong makipagkita sa kanya at parang ayoko marinig ang sasabihin nya.
Sinuntok ko ang mga paa ko saka na ako naglakad papunta doon sa tagpuan na sinabi nya.
Sa nadaanan kong vendo machine ay bumili na ako ng dalawang coffee. Pagdating ko sa bench ay wala pa sya kaya naupo na ako doon para hintayin sya. Ilang minuto lamang ang lumipas ay dumating na sya.
Inabot ko sa kanya yung isang coffee na binili ko pagkaupo nya sa tabi ko. Sobrang tahimik naming dalawa at hindi ko alam kung paano babasagin ang katahimikan na bumabalot sa paligid.
"Uhm, ano yung gusto mong pag-usapan?" Pinilit kong ngumiti at pigilan ang aking kaba, "Ganoon ba kahirap sabihin kung ano man yun? Kinakabahan ako sa sobrang tahimik mo. Ano ba yun? Sabihin mo na."
Parehas kaming nakatingin sa malayo habang naaamoy ang mainit na aroma ng coffee na aming hawak.
"Makikinig ako sa lahat ng sasabihin mo, maliban na lang ang pakikipag-break up." Sambit ko kaya bigla nalang sya napalingon sa akin at tanging pilit na ngiti lang ang naipakita ko sa kanya.
Napalunok muna sya bago tumingin ulit sa malayo. Halata rin ang kaba mula sa kanyang mukha at reaction.
"Masaya ako na sa wakas ay bumalik ka na sa buhay ko. Masaya ako na minahal mo na rin ako sa wakas. Naging mabuti ka sakin at iningatan mo ako. Pero I just can't be together with you more than this."
"Sabi ko sabihin mo sa akin ang lahat maliban lang sa break up." I chuckled.
"Sorry Ken. Pinilit kong ibalik ang nararamdaman ko para sayo. Pilit kong inalala kung paano kita minahal. Ilang taon kong hinintay ang pagbabalik mo... Pero hindi na kita mahal." Sambit nya at bakas ang lungkot mula sa kanyang brown na brown na mga mata. Alam kong ayaw nya ako saktan pero ito naman talaga ang dapat naming gawin.
Minsan kailangan nalang tanggapin na naging masaya kayo sa umpisa pero hindi kayo ang para sa isa't isa.
"Wag ka mag-alala. Alam ko naman noon pa, bago ako umalis. Alam kong posibleng wala na akong babalikan pa. Pinagsisisihan ko kung bakit iniwan pa kita noon. Kasalanan ko kung bakit hindi na... hindi mo na ako mahal at hindi mo na maibabalik pa ang feelings mo na iyon para sa akin." Tugon ko.
Humarap ako sa kanya saka ko sya niyakap ng mahigpit. Ang sakit isipin na ito na ang huli. Itinago ko ang kanyang ulo sa aking bisig saka ko tinakpan ang aking bibig upang di nya marinig ang pag-iyak ko. Halos hindi ko na sya bitawan dahil hindi ko alam kung ano ang mukhang ihaharap ko sa kanya.
Hindi ko makakalimutan kung paano namin binalikan ang lahat bago tinapos.
Nang medyo mahimasmasan na ako ay pinakawalan ko na sya. Pinunasan ko din ang mga luha na pumatak mula sa kanyang mga mata.
"It's ok. I'll be fine." Sambit ko saka ko sya hinalikan sa noo, "Akin na ang phone mo." Dikta ko sa kanya saka ako nag-sniff.
Iniabot naman nya iyon sa akin. Agad akong nagpunta sa gallery nya at hinanap ang litrato nila ni Ace. Nakita ko ang phone ni Ace na wallpaper nya ang picture nilang dalawa ni Farah eh. Naka-save din ang photo na iyon dito at iyon ang ginawa kong wallpaper ni Farah.
Ibinalik ko ang phone nya sa kanya at halatang sobrang na-gguilty sya.
"Tawagan mo na si Ace... Flight nya ngayon papuntang States baka hindi mo na sya maabutan kaya tawagan mo na sya agad."
FARAH GARCIA
Agad akong nagmadali para habulin si Ace sa airport ngunit pagdating ko doon ay hindi ko sya makita. Masyadong malawak ang lugar at napakaraming tao.
Naka-blocked pa rin ako sa kanyang messenger at kanina ko pa rin sya cinocontact pero hindi sya sumasagot. Hindi ko kayang mawala sya sakin kaya sa sandaling ito na hindi ko alam ang gagawin ay parang mababaliw ako.
Nagpalingon lingon ako para hanapin sya at hindi ko na namalayan na lumuluha na pala ako.
"Ace!" Tawag ko sa kanyang pangalan pero walang Ace na lumapit sa akin.
Naglakad ako pabalik sa kotse saka ako naupo sa may semento habang nakasandal sa unahang gulong nito. Maya maya ay biglang nag-ring ang aking phone.
"Hello! Nasaan ka? Balak mo ba talaga umalis ng walang paalam sakin? Bwisit ka!" Bungad ko sa kanya.
"Hahahaha. Sorry na. Wag ka na magtampo." Sagot lang ng gago. Hindi to nakakatuwa.
"Bakit mo ako binlock? Ayaw mo na ba ako maging bestfriend?"
"Hinde. Ayaw kita mawala." Naging seryoso bigla ang tono nya.
"Eh bakit mo ako binlock bwisit ka?"
"Sorry pero may dahilan talaga kung bakit kita binlock."
"Ano?" Mahina at wala ng lakas ang boses ko dahil sa kakaiyak.
"Gusto ko na tapusin ang friendship natin." Sagot nya na parang binato nya ng sampung dagger ang puso ko. It feels like I am breathing knives.
"Mahal kita at ayokong mawala ka sakin." Bulong ko pero hindi ako sigurado kung narinig nya ako.
"Hintayin mo ang pagbabalik ko. I'll miss you." Sabi lang nya saka na biglang naputol ang linya.
"Ace! Oyy Ace! Aalis ka ba talaga? Ace sumagot ka!" Umaasa ako na nandyan pa sya. Umaasa ako na bigla syang susulpot dito at sasabihing joke lang ang pag-alis nya pero walang dumating na Ace. Ibinato ko ang aking phone sa semento at nabasag ito agad.
Ace Guevarra, you're such an idiot!
BINABASA MO ANG
Rewrite The Stars
Любовные романыFarah Garcia is a very skilled surgeon at a large hospital that her grandfather owns. Ace Guevarra, Farah's bestfriend, is a chef in a restaurant which he owns. Ace Guevarra has always been by her side throughout her journey of struggles in confess...