Chapter 23

2 0 0
                                    

FARAH GARCIA

So I came here to get rejected properly. To make everything clear. To end this.

"Dr. Garcia?" Napalingon ako sa aking likuran at nakita si Adrian na may dalang isang case ng beer. Seryoso lang ang kanyang mukha like usual.

"Nasaan sila?" Tanong ko sa kanya. Papasok sya mula sa gate.

"Pool party." Tugon lang nya. Na-gets ko naman agad ang gusto nya sabihin. Common sense nga naman Farah.

"Ahh." Tugon ko saka nalang ako napatango sa kanya. Dumiretso naman sya sa likuran ng mansion dala ang isang case saka lang ako sumunod sa kanya.

Gumagadgad sa aking mga paa ang mga damo na aming nadaraanan. Dumaan kami dito sa gilid, kung saan malapit sa may swing. Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang kanilang usapan.

"Ano bang balak mo? Sang-ayon ka ba sa gusto ng lolo mo na pumunta ka ng States?" Tanong ni Andrei sa kanya. Nakatayo sila dito sa gilid sa bungad ng swimming pool at seryosong nag-uusap.

Pero bago pa man sumagot si Ace ay natigilan sya dahil nakita nya akong nakatingin sa kanila. Totoo bang gusto ng lolo nya na pumunta sya ng States? Yun ba yung dahilan kaya mahalagang pumunta ako dito?

"Nandito na yung mga beer." Sambit ni Adrian.

"Uyy Dr. Garcia. Tuloy ka. Hehe." Pagpansin sakin ni Andrei. Ngumiti lang ako ng slight sa kanya.

"Tara." Anyaya sakin ni Ace saka na sya naglakad at sumunod naman kami nila Andrei at Adrian.

Habang palapit kami sa kubo ay mas lalong lumalakas ang tugtogan. Kumakanta sa videoke si Maya kasama nya sila Bryan at Louie.

You said move on
Where do I go
I guess second best
Is all I will know

Cause when I'm with him
I am thinking of you
Thinking of you
What you would do if
You were the one
Who was spending the night
Oh I wish that I
Was looking into your eyes

Geez. Yan agad ang kantang sumalubong sakin.

Sandali kong iginala ang aking mga mata sa paligid ng kubo. Mula sa swing sa may kaliwa, sa gitna kung nasaan ang swimming pool at sa kanan kung nasaan ang mga bench na madaraanan papunta dito sa kubong kinaroroonan namin ngayon.

"Kain ka na. Ipagsasandok kita." Bulong sa akin ni Ace kasi maingay dito sa kubo. Ramdam ko ang mainit nyang hininga sa gilid ng aking tainga. Tumango nalang ako.

"Dr. Garcia, kanta tayo. Hahahaha." Alok sakin ni Bryan na kaakbayan si Louie.

Si Andrei naman at si Adrian ay nag-one on one sa inuman. Tahimik lang silang dalawa ngayon. Kumain ako sandali tapos nakiinuman na rin kami ni Ace sa kanila.

Maya maya ay kumakanta na si Adrian sa videoke. Di ko alam na marunong pala sya kumanta. Tahimik lang kasi sya lagi at kung magsasalita man sya ay direkta agad, ang tipid nya sa words eh.

Everybody's laughing in my mind
Rumors spreading 'bout this other guy
Do you do what you did when you did with me
Does he love you the way I can
Did you forget all the plans that you made with me?
'Cause baby I didn't
That should be me, holding your hand
That should be, making you laugh
That should be me, this is so sad
That should be me
That should be me
That should be me, feeling your kiss
That should be me, buying you gifts
This is so wrong
I can't go on
Till you believe
That should be me
That should be me

Rewrite The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon