Chapter 10

2 0 0
                                    

ACE GUEVARRA

Habang naglalaro ako ng online game dito sa kwarto ko ay naalala ko ang sinabi ni Luis sa call noong isang araw. Hindi ako makapag-focus sa laro kapag naiisip ko iyon.

Biglang nag-ring ang cellphone ko at nang makita ko kung sino ay si Luis. Ilang segundo ang lumipas bago ko ito sinagot.

"Ano?" Bungad ko sa kanya.

"Wow! Ang totoong anak. Ako 'to, ang pekeng anak." Sabi nya mula sa kabilang linya. Base sa tono ng boses nya ay parang nakainom sya ng alak.

"Sa tingin mo ba close na tayo?" Sambit ko. Tumawa lang sya sa sinabi ko.

"Hinde syempre. Paano naman magiging close ang tunay at pekeng anak?"

"Lasing ka ba?"

"Ace. Sa tingin ko, hindi ko kaya protektahan ang papa mo. Protektahan mo ang sarili mong ama, poprotektahan ko ang mama ko."

"Ano bang sinasabi mo?"

"It's my last warning." Huli nyang sabi bago binaba ang kanyang phone.

Aish! Seriously. This is annoying. Nasaan ba yung phone ko? Tumayo ako saka hinanap ang phone ko at nakita ko ito sa sofa. Pagtingin ko ay may voicemail kaya pinakinggan ko ito agad.

"Ace... Pasensya na nagkamali ang papa mo. Ace..." Bigla akong napatayo sa aking pagkakaupo at dinampot ang aking jacket. "Tama ka anak. Mali ang desisyon ko mula umpisa hanggang huli. Di ko alam kung bakit ang hirap tanggapin na nagkamali ako. Di ko alam kung bakit umabot pa sa ganito. Miss na miss ko ang panahong kasama ko kayo ng mama mo. Bakit ba ang hirap sabihin ng salitang 'sorry'? Sobrang nagsisisi ako ngayon. Kung mabubuhay man ako ulit, gusto ko ulit mabuhay bilang asawa ng mama mo at maging ama mo. I'm sorry anak."

Binilisan ko ang pagmamaneho. Nang makarating ako sa gate ng bahay ni papa ay naestatwa ako at ayaw na gumalaw ng mga paa ko.

Sumalubong sa akin ang isang katawan na nakahiga sa buhat nilang stretcher. Nang akin itong silipin ay para akong nabuhusan ng napakalamig na tubig. Di ko alam kung bigla ba akong namahid kaya wala akong maramdaman o namanhid lang ako dahil sa sobrang sakit.

"Hindi 'to totoo." Pumatak na nga ang luha mula sa aking mga mata at inilabas na nila ang bangkay ni papa. "Sandali lang. Pa! Please! Bumangon ka dyan pa..."

Nagunaw nalang bigla ang mundo ko at wala akong ibang nagawa kundi umiyak habang nakaluhod sa lupa. "Baket pa?! Baket?" Hindi na ako halos makapagsalita dahil sa kakaiyak. "Pa! Sorry! Sorry papa!"

Nakita kong lumabas mula sa loob ng bahay si Luis. Kaya ang lungkot at sakit na nararamdaman ko ngayon ay napalitan ng sobrang galit.

"Luis! Hayup ka! Halika dito!" Nilapitan ko sya at pinaulanan ng mga suntok. Inawat kami ng police officer na kasama nya pero di ako nagpatinag, muli ko syang sinuntok kaya nagdugo ang bunganga nya. "Dahil sayo at dahil sa babaeng 'yon... Ang papa ko... Dahil sa inyo! Papatayin ko kayong dalawa! Hayop kayo!"

"Sino ka ba? Tigilan mo yan." Pag-awat samin ng police officer pero tinulak ko sya at sinakal ko si Luis na hindi pa rin nagsasalita.

"Mamamatay tao kayo! Pinatay nyo ang papa ko!" Sigaw ko sa pagmumukha ni Luis.

"Sino ka ba?"

"Ako!? Ako ang anak ni Henry Guevarra!"

"Oo. Nakababata ko syang kapatid." Sabi ni Luis.

"Nakababatang kapatid? Tangina ka!" Muli kong sinuntok si Luis. "Hayop ka!"

ELIJAH GARCIA

Agad akong napatakbo palapit nang makita ko si Ace na inaawat ng mga police officer sa pambubugbog kay Luis. Di na nya mapigilan ang galit nya.

"Bitawan nyo sya. Wag nyo syang hawakan!" Pinagtutulak ko lahat ng nakahawak kay Ace. Pinakita sa kanila ang ID ng kasama kong FBI kaya napatigil sila saka ako humarap kay Ace at hinawakan ko sya sa magkabilang balikat nya. "Ace! Huminahon ka. Huminga ka muna ng malalim."

"Kuya Elijah... Wala na si papa. Wala man lang ako nagawa para sa kanya." Tapos umiyak na naman sya ulit.

"Kaya umayos ka. Iimbestigahan natin 'to lahat. Puntahan mo muna ang papa mo ngayon. Ako ng bahala dito Ace." Saad ko sa kanya.

"Officer Jerry. Samahan mo muna sya." Utos ko sa kasama kong police officer.

Nang makaalis na sila Ace ay agad kong tinawagan si Farah para ipaalam sa kanya ang mga nangyari.

FARAH GARCIA

Kakatapos lang ng operasyon nang bigla akong makatanggap ng call mula kay kuya Elijah. Hindi ko na sya pinatapos sa kanyang sinasabi at agad na akong bumaba sa ground floor at dumiretso sa Mortuary. Napahinto ako sa pagtakbo ng makita ko si Ace na lumaypay sa semento. Nakatanga lang sya sa sahig kaya nilapitan ko sya.

Ngayon ay ganap na syang mag-isa sa buhay nya. Tumingala sya sa akin at pilit na ngumiti kaya naman umupo din ako sa semento sa harapan nya. Bigla na naman syang umiyak kaya dahan dahan ko syang niyakap.

"Hindi man lang kami nagkaayos bago sya namatay." Sambit ni Ace sa pagitan ng bawat paghikbi.

"Wala kang kasalanan Ace." Gusto ko na rin maiyak habang sinasabi ko iyon.

"Hindi ko man lang nasabi sa kanya na miss na miss ko na sya." Hinigpitan nya pa ang yakap nya sa akin kaya hinagod ko ang kanyang likuran para patahanin sya. "Ngayon hindi ko na magagawa 'yon. Wala na."

"Sigurado akong alam nya lahat ng iyon. Tahan ka na bes." Hinayaan ko nalang muna sya umiyak hanggang sa maubos ang luha nya.

"Penge tissue."

"Walang tissue. Eto nalang sleeves ko." Tapos inalok ko sa kanya yung sleeves ng suot kong lab coat at doon nagpunas ng kanyang luha, muta, sipon, potah lahat lahat na.

Pumunta kami sandali ni Ace sa office ko at dinatnan namin doon si Ken at kuya Elijah. Mukhang kanina pa sila nag-uusap kaya hindi ko nasundan ang mga sinasabi nila.

"Maging ang ibinigay mong capsule sa akin Ace, napag-alamang inextract nga iyon sa Nordic Wolfsbane na syang ginamit ni Arabella para mapalala ang paningin ng papa mo." Paliwanag din ni kuya Elijah.

"Kaya pala nung nakita ko sya dito noong isang linggo ay hindi nya ako nakilala. Malala na pala ang corneal damage nya." Pag-epal ko sa usapan.

"Isa nalang ang kailangan gawin para maaresto si Arabella. Yun ay ang mahanap natin kung saan nya itinago o itinapon ang mga pananim nyang Nordic Wolfsbane."

"Mukhang mas magandang idea kung isama natin si Happy sa mansion." Saad ni Ace. Matalinong aso si Happy at na-train din sya ng maayos kaya malaking tulong nga kung isasama sya doon para mahanap ng evidence.

After ng pag-uusap naming iyon ay kinailangan na maisaayos ang lahat at maipon ang mga ebidensya sa ginawang pagpatay ni Arabella sa papa ni Ace. Grabe pala talaga ang babaeng iyon. Matapos nyang manira ng pamilya, mamamatay tao pa pala sya.

Biglaan naman nagkaroon ng emergency patient dito sa hospital at kaming dalawa ni Ken ang nag-perform ng agarang surgery.

"Kaya mo ba?" Tanong sa akin ni Ken na nasa harapan ko. Tumango lang ako sa kanya saka inilahad ang aking palad sa scrub nurse na nasa aking tabi.

"Scalpel."

Rewrite The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon