FARAH GARCIA
Gaya ng nakasanayan ko na, after ko icheck yung mga patients ko ay huli akong pupunta sa room ni Kendy at dito na ako tatambay hanggang sa mag-out na ako or mag-lunch break.
Habang binabantayan ko sya ay binabasa ko yung libro na binili ko noong pumunta kami sa dept store ni Ace para manood ng frozen.
Hinawi ko ng kaunti ang curtain para medyo pumasok ang sinag ng araw. Tahimik lang ang buong kwarto at tunog lang ng mga apparatus ang aking naririnig. Mahimbing pang natutulog si Kendy kaya nagpasya akong wag nalang syang istorbohin.
Sa kalagitnaan ng aking pagbabasa ay nagising nalang sya bigla. Ang putla na ng kanyang itsura at mukhang nanghihina. Bumangon sya at sumandal sa ulunan ng kanyang kama.
"Oh? Kamusta ang pakiramdam mo, Kendy?" Tanong ko sa kanya.
"Ayos lang Doc." Sabi nya sakin saka sya ngumiti.
"Gutom ka na ba? Gusto mo bang kumain?" Tumayo ako saka lumapit sa table na nasa gilid. "May pagkain dito, mukhang bago lang ito kasi mainit pa."
Feeling ko, hinatiran lang sya dito ng kung sino tapos umalis na agad.
"Sige po." Sabi nya. Kumuha ako ng malinis na pinggan at kutsara. Bigla lang pumasok sa isip ko na magpaluto kaya ako ng masarap na pagkain kay Ace para kay Kendy?
Habang kumakain si Kendy ay di ko sya maawat mag-kwento. Sabi nya ay Business Woman ang kanyang mommy at nasa States naman daw ang kanyang papa. Kinuwento din nya sa akin yung kuya nya.
"Napakabait talaga nun ni kuya kahit medyo may attitude sya." Sabi nya habang ngumunguya.
"Dahan dahan ka, baka mabulunan ka." Nakangiti kong paalala sa kanya. "Talagang hanga ka sa kuya mo huh?"
Mukha naman syang masiglang nagkukwento kahit ang putla ng itsura nya.
"Oo naman Doc. Ang pogi pogi kaya ni kuya. Sana ikaw nalang ang maging girlfriend nya, kasi sa tingin ko bagay kayo at magugustuhan ka nun."
"Aysus. Kaw talagang bata ka." Natatawa kong reaksyon sa sinabi nya. Ang kulit din nitong bata na 'to eh.
"Pag pumunta sya dito Doc, sasabihin ko sa kanya na ligawan ka nya. Ipapakilala kita kay kuya." Ayy naku talaga. Haha.
"Oo sige. Ubusin mo na yang pagkain mo para lumakas ka na." Sabi ko nalang. Di naman ako interesado sa kuya nya noh. Nahihiya lang akong magsabi.
"Saka may facebook pala si kuya, Doc. Iadd mo sya. Ang name nya sa facebook ay –" Naputol ang sasabihin nya ng biglang bumukas ang pintuan.
"Oh? Nandito ka pala Farah." Si lolo Mateo. Sya ang incharge na Orthopaedic Surgeon kay Kendy. I wonder kung nakahanap na ng donor para kay Kendy.
"Ahh, hindi lo. Paalis na rin ako." Sabi ko kay lolo saka na ako tumayo.
"Aalis ka na Doc?" Napalingon ako kay Kendy.
"Oo eh. Kailangan ko na umalis. Babalik naman ako dito next day." Sabi ko sa kanya habang nakangiti.
"Mukhang nagiging close kayo ah?" Pag-uusisa ni lolo Mateo.
"Medyo lo." Maikli ko lang na tugon.
"Lolo po kayo ni Doc Farah?" Tanong ni Kendy kay lolo. Napangiti naman kami parehas ni lolo sa kanya.
"Gusto ko po maging girlfriend ni kuya si Doc Farah." Diretso nyang sinabi kay lolo na sya namang ikinabigla namin parehas ni lolo. Napatawa nalang ako ng awkward na tawa kay lolo saka napalunok.
"Naku, kaw talagang bata ka. Pakabait ka huh? Aalis na ako. Bye bye na." Sabi ko sa kanya saka ako nagwave. "Una na ako, lo." Tumango naman si lolo sakin.
BINABASA MO ANG
Rewrite The Stars
RomansaFarah Garcia is a very skilled surgeon at a large hospital that her grandfather owns. Ace Guevarra, Farah's bestfriend, is a chef in a restaurant which he owns. Ace Guevarra has always been by her side throughout her journey of struggles in confess...