Chapter 4

3 0 0
                                    

FARAH GARCIA

Nakasuot ako ng crop top na kulay black, may design na hello kitty at kulay red na camouflauge pants. Nakaupo ako dito sa sofa habang hinihintay si Ace. Tagal naman ng mokong na 'yon. Nalugaw na ako dito sa bahay ah.

Biglang bumukas ang pinto at iniluwal nito si Ace. Naestatwa ako sa aking kinauupuan ng makita ko sya sa bago nyang gupit. Napabuntong hininga na lamang ako upang mawala ang charm nya na dumapo sa akin. Na-wweirdohan na ako sa sarili ko nitong mga nakaraang araw ah. Bakit ang lakas ng charm sakin ni Ace ngayon? Tsk.

Naka t-shirt sya na white, may design na basketball saka jogging pants na black, naka nike sa slippers lang din sya. Bagay na bagay nya yung gupit nya ngayon, desenteng desente at dalang dala nya ang kanyang suot kahit simple lang iyon.

"Tara." Sabi nya ng walang emosyon. Poker face na naman 'to. Tumayo nalang ako saka isinabit ang aking sling bag sa aking balikat.

Naamoy ko na naman ang pabango nya. Di ko alam kung pabango nga ba iyon o amoy lang ng shampoo nya. Ang banayad ng amoy nya pero hindi ako mapakali sa nararamdaman ko.

Mag-cocommute lang kami ngayon kasi mainit, di kami pwedeng mag-motor. Yung kotse naman namin ay ginamit ni mama papasok sa work. Psychiatrist ang profession nya, by the way.

Siksikan sa jeep! Para na kaming sardinas, ang tagal pa nung driver. Napa-pout lang si Ace at napapatawa nalang ako ng patago sa itsura nya. Kinikilig naman yung katabi ni bes, first time siguro makatabi ng gwapo. Wait what? Sinong gwapo? Duh. Isang oras at kalahati ang lumipas nang makarating kami sa mall. Mall na kung saan ang papa nya ang CEO.

"Saan tayo?" Tanong ni Ace sa akin habang nakapamulsa ang kanyang mga kamay. Feeling ko, ibang version ni Ace ang kasama ko ngayon. Uhm, si Ace na suplado sya ngayon.

"Bili muna tayo ng kettle korn at mang chaa." Paborito ko kasi yung mga yun.

Naglakad kami papunta sa bilihan, pinagtitinginan nga ng mga tao si Ace eh. Eh di sya na. Parang mukha tuloy akong basahan na kasama nya. Ang tangkad nya at ang puti, samantalang para lang akong mushroom sa tabi nya.

Napabuntong hininga nalang ako kasi pakiramdam ko napipilitan lang din sya na kasama ako. Sabi ko na nga ba eh, dapat ako nalang mag-isa manood. Favorite ko kasi yung Frozen eh, tapos 'tong kasama ko pa ay kamukha si Jack Frost sa rise of the guardians. Magkakulay kasi sila ng buhok pati ng mata.

"Wag mo na dibdibin kung ano man yang naiisip mo, wala ka naman non." Sabi nya sakin habang pumipili sya ng kettle korn. I just shot an upward glance at him habang nakasimangot. Tiningnan lang nya ako downward, ang liit ko kasi kaya parang paslit lang ang tinitingnan nya. Kapantay ko lang yung balikat nya. Tsk.

Napahinto kami sa paglalakad nang makasalubong namin si Luis. Napansin din yata nya kami pero diretso lang kaming naglakad ni Ace para lampasan sya.

"Kuya..." Saad nito nang magkatalikuran na sila ni Ace kaya napahinto kami sa paglalakad at humarap sa kanya. "Ace. Nakatatandang kapatid kita."

Natawa si Ace sa sinabi ni Luis. "Nakatatandang kapatid? What a joke!" Sarkastikong saad ni Ace sa kanya. "Wag na tayo magpanggap na magkapatid tayo."

"Bakit ka nga ba nagpunta pa dito? Pwede naman kayo pumunta sa ibang lugar, bakit dito pa?" Tugon ni Luis parang na-offend sya sa sinabi ni Ace kaya biglang nag-iba ang tono nito.

"Makakapasok ako dito kung kailan ko gusto." Mariin lang na sambit ni Ace.

"Bakit? Sino ka ba sa akala mo?" Nakangising tugon ni Luis kay Ace.

"Ako? Ako lang naman ang tunay na anak ng papa ko." Nag-smirk lang si Ace kay Luis at napatahimik naman si Luis. "Sige na. Galingan mong tugunan ang obligasyon mo. Alam naman nating parehas na yan naman ang tunay mong trabaho. Go. Galingan mong magpanggap na tunay na anak ng peke mong ama. Gawin mo yun. At wag ka ng magpapakita sa harapan ko kahit kailan."

Rewrite The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon