Chapter 9

2 0 0
                                    

FARAH GARCIA

It's a typical Saturday morning and I don't have my will to go to work. So naisip kong tawagan si Ace habang nakahilata pa ako sa aking kama. Sumagot naman sya sa call ko pero halatang inis sya. Nagbago din naman ang tono nya nung ma-feel nya na iba din ang tono ng boses ko. Wala din ako sa mood.

"What?!" Sagot nya sa call ko.

"Let's runaway. I'll be waiting here at home. I need some fresh air. Let's go somewhere." Sabi ko sa kanya. Ilang segundo ang lumipas bago sya nagsalita ulit.

"Ok. Just wait for me there." Then he hung up the call.

Tumayo na ako sa aking kama saka ko na ginawa ang aking daily routine. Pinakain saka pinaliguan ko sila Toothless at Maru bago ko inasikaso ang aking sarili. Saktong natapos ako sa aking ginagawa ay naupo ako sa sofa para hintayin si Ace then finally biglang bumukas ang pinto.

"Di ka na naman nag-lock ng pinto. Paano kung magnanakaw pala ang bumukas ng pinto na yan?" Nakakunot noo nyang sabi habang nakapamewang. Sya din naman, di nag-lolock ng pinto.

"Kakabukas ko lang kasi alam kong darating ka at tinatamad na akong tumayo." Tugon ko nalang sa kanya habang inaayos ko ang laman ng aking sling bag. Naupo naman sya sa tabi ko saka nya ni-pet sila Maru at Toothless.

Nang matapos ako sa aking ginagawa ay tumayo na ako saka ko na sya niyaya.

"Tara na." Sabi ko sabay hagis ko ng susi ng kotse sa kanya. Bakas ang pagtataka sa kanyang mukha habang hawak ang susi.

"Saan ba tayo pupunta?" Lumabas na rin sa bibig nya ang tanong.

"Maglalakbay tayo pabalik sa nakaraan." Sagot ko saka na ako naglakad palabas at agad naman syang sumunod. Alam na alam namin ang lugar na iyon kasi malaking part iyon ng childhood namin.

Tahimik lang ang aming naging byahe dahil walang gusto umimik. Dalawang oras lang ay nakarating na kami. Namiss ko ang amoy ng hangin sa bukid, ang amoy ng mga pananim, at higit sa lahat ay namiss ko si papa at si kuya Elijah.

Malayo pa lamang kami ay natatanaw na namin ang bahay ni papa at ni kuya. Nasa gitna ito ng bukid at napapaligiran ng mga puno. Sa tabi ng bahay ay may isang kubo at sa kabila naman ay ang pagawaan ng mga base at mga pot ni kuya. Hilig nya kasi maghulma ng mga paso eh. Si papa naman ay mahilig magtanim, laki kasi sya sa bukid. Nakapagtapos ng college si papa dahil sa pagsisikap nila lolo at lola na mapag-aral sya sa pamamagitan ng pagsasaka. Ngayon ay parehas silang Prosecutor ni kuya.

Pagbaba namin ng sasakyan ay agad ako tumakbo kay papa saka ko sya niyakap ng sobrang higpit. Tumatawa lang sila ni kuya.

"Oh? Napano ka?" Tumatawang biro sakin ni papa. Di ko alam pero parang gusto ko umiyak. Parang gusto ko magsumbong pero hinold ko yung nararamdaman ko.

"Bigla nalang po nagpahatid yan dito, tito. Ginugulo ako." Nakangiting sabi ni Ace kay papa. Nginisian ko lang sya.

"Halina muna kayo sa loob." Saad ni kuya ng may malawak na ngiti.

"Tara na." Sabi ni papa saka nya kami inakbayan na dalawa ni Ace. Parang anak na rin kasi ang turing ni papa sa kanya dahil mag-bestfriend na kami mula pa noong kami ay mga bata pa.

Ang linis ng bahay nila kahit parehas silang lalaki. Naka-display rin ang mga picture namin sa gilid ng sala at nakasabit naman sa pader yung mga graduation picture namin nila mama. Naka-display din yung graduation picture namin ni Ace mula, kinder hanggang college.

"Ang cute ko talaga nung bata ako." Sabi sakin ni Ace habang tinitingnan ko yung mga picture namin.

"Panget mo nga eh. Mas cute ako. Kita mo yan, matangkad pa ako sayo nung grade 6 tayo." Turo ko sa picture namin nung grade 6 na nasa frame.

Rewrite The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon