FARAH GARCIA
Napag-isipan kong maglakad lakad dito sa labas sa paligid ng hospital para sana lumanghap ng hangin. Pero imbis na sariwang hangin ang malanghap ko ay parang na-ssuffocate ako sa nakita ko. Hindi na ako nakagalaw at naestatwa lang ako sa aking kinatatayuan nang makita ko si Ace na kasama si Faye.
Sila na ba ulit? Paano nangyari 'to? Bakit magkasama sila? Lalapit ba ako? May pakealam ba ako? Ano gagawin ko? Bakit ang bilis ng kabog ng puso ko? Ano 'tong nararamdaman ko?
Mayroong masakit na di alam ng isip ko pero nararamdaman ng puso ko.
"Oh? Sino yon? Girlfriend ba nya?" Biglang sumulpot si Kenji mula sa aking likuran habang nakapamulsa ang kanyang mga kamay sa kanyang lab coat.
"Hindi. Ex girlfriend." Tugon ko pero nakatitig pa rin ako kila Ace.
"Tsk. Playboy o marupok?" Tanong ni Ken sakin.
"Bobo. Tanga. Inutil. Sya." Tugon ko saka na ako naglakad at iniwan sya doon.
"Teka lang, Farah." Pagpigil sakin ni Ken at hinawakan nya ang wrist ko kaya napalingon ako ulit sa kanya. "Can I get your number?"
"Nope." Sagot ko saka ko inagaw ang kamay ko sa kanya.
"Ang pangit naman kung wala akong number ng girlfriend ko, diba?" Nakangiti nitong saad sakin.
"Girlfriend your ass." Saka ko na sya iniwan doon.
Tsk. Ano bang iniisip ng lalaking yun? Matapos nyang sabihin na hindi na kami pwedeng bumalik sa dati saka nya ako guguluhin. Magpinsan nga talaga sila ni Ace. Parehas abnormal.
KENJI LAZATIN
Pinagmasdan ko nalang syang maglakad paalis at napapangiti nalang ako mag-isa dahil sa pagsusuplada nya sakin ngayon. Bakit kaya ang init ng ulo nun? Porque nakita lang nya yung bestfriend nya na kasama yung ex nito eh.
Posible kayang...?
"Kenji!" Biglang may tumawag sa aking pangalan mula sa aking likuran.
"Ma?"
"Hindi ba iyong Doctor na yun yung anak ni Hera at Dominic?" Tanong ni mama habang tinitingnan si Farah palayo. "Yun yung crush mo nung grade school na may crush din sayo diba?"
Napangiti nalang ako sa tanong ni mama. "Pero alam ko, hindi na babalik ang lahat sa dati ma." Tugon ko habang mapait na nakangiti.
"Hmm. Anong balak mong gawin?"
"Noong bumalik tayo sa dati nating tirahan at nang magkrus ulit ang landas namin, alam kong iba na ma. Nakaka-depressed. Kaya kapag tinatanong mo ako kung ano ang gagawin ko ma, ang maisasagot ko lang ay di ko kayang sumuko." Nakayukong saad ko sa kanya.
"That's my son. Tayo na. Pinatatawag ako ng lolo mo, gusto daw nya ako makausap." Inakbayan ko si mama ng nakangiti saka na kami pumasok sa loob ng hospital.
FARAH GARCIA
Pauwi na ako ng bahay ngayon. Buti nalang saktong nakasakay ako ng bus nang biglang umulan. Naupo ako sa dulong parte ng bus, sa may tabi ng bintana. Nakatanga habang pinagmamasdan ang ulan. Bigla ko nalang naisip magkulay ng buhok. Ano kayang magandang kulay?
Inilabas ko ang aking phone mula sa aking sling bag nang bigla kong maalala si Ace na kasama ni Faye kanina. Umiinit na agad ang ulo ko pero wala akong pakealam. I need to act normal. Malaki na sya, bahala na sya kung makipagbalikan sya kay Faye o hindi. Chchat ko sya.
BINABASA MO ANG
Rewrite The Stars
RomanceFarah Garcia is a very skilled surgeon at a large hospital that her grandfather owns. Ace Guevarra, Farah's bestfriend, is a chef in a restaurant which he owns. Ace Guevarra has always been by her side throughout her journey of struggles in confess...