Chapter 28

2 0 0
                                    

ACE GUEVARRA

This is so not me...

Patakbo pa akong pumunta sa bilihan ng bulaklak para kay bes. Grabe! Hindi ako makapaniwalang ginagawa ko 'to para sa kanya.

Hindi ko kasi ipinaalam kahit kanino na ngayon ang uwi ko galing States. Isang taon akong naghintay para sa araw na ito at ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang nangyayari na ito ngayon.

Naligo pa kasi ako pag-uwi ko ng bahay kaya ngayon ay madaling madali ako. Bilis! Bilis! Kailangan ko makarating doon bago mag alas siyete.

Nakarating din ako dito sa bilihan at syempre pinili ko yung pinakamagandang bulaklak at ang pinakamabango kahit hindi ako siguradong magugustuhan nya ang bulaklak. Alam ko kasing mas prepare nyang makatanggap ng games, books, socks, mug at pusa eh.

Gosh! Di ako makapaniwala sa sarili ko. Sobrang excited lang ako na makita si bes. Habang hawak hawak ko itong isang bouquet ay pinagtitinginan ako ng mga tao.

Medyo nahihiya ako pero wala na akong pakealam. Inamoy amoy ko pa ito saka ako napangiti. Nababaliw ka na talaga Ace. Ngayon ko lang ginawa ito para sa isang babae, kasi kahit kay Faye ay di ko naman ito ginawa. Curious tuloy ako kung anong magiging reaction ni bes. Baka tawanan lang nya ako o kaya magulat sya o pwede ding maging masaya sya. Hehe.

Habang naglalakad ako sa kalsada malapit na sa Glorieta ay napatigil ako sa paglalakad. Sa kakaisip ko kay Farah ay di ko napansing may paparating palang isang kotse...

FARAH GARCIA

Sa wakas.

Maraming bagay na ang nangyari, ang daming pagkakamali, nakasakit ako ng iba at nasaktan ko din ang sarili ko pero dito humantong ang lahat.

Isang taon ang lumipas at ngayon ay handa na akong ituwid lahat ng pagkakamali at bigyang linaw ang lahat.

Nandito na ako sa may tower at excited na naghihintay sa kanya. Masyado yata akong napaaga, mayroon pang kalahating oras bago mag-alas siyete.

Mukha ba akong masyadong excited? Hindi na ako nakapag-suklay pa bago man lang makarating dito. Ginamit ko na lamang ang aking kamay gaya ng dati pero this time mas mahaba na ang buhok ko. Sya kaya? Ano na kayang itsura nya ngayon?

Hinintay ko sya hanggang alas siyete pero wala. Lumipas pa ang isang oras at hinintay ko pa rin sya. Bakit kaya ang tagal nya? Tsk.

Hindi man lang nya ako minessage. Baka napano na yun. Puntahan ko nalang kaya sya sa bahay nya? Hmm. Sakto namang nag-ring ang phone ko.

Ace
calling...

"Hello Ace? Anong nangyari? Nasaan ka na ba?"

"Dr. Garcia? Si Nigel 'to."

"Huh? Bakit nasayo yan?"

"Naaksidente si Ace at wala syang malay ngayon. Buti nalang at agad syang sinugod dito sa hospital."

Agad ko ng pinutol ang linya at mabilis na tumakbo papuntang hospital. Damn! Ano bang pinaggagagawa ng lalaking yon? I don't like this! I'm scared.

Room 408...

Nasa tapat na ako ng pintuan at nanginginig pa ang aking mga kamay. One year ago, sa room na rin ito kinuha sa amin si Kendy. I'm so scared to lose you... again!

"Bes!" He startled me pagbungad ko sa pintuan. Naestatwa ako doon at hindi makapaniwala na nakahiga sya sa hospital bed.

"A-akala ko nasa critical na kundisyon ka." I said with teary eyes.

Rewrite The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon