Chapter 8

2 0 0
                                        

FARAH GARCIA

Kakatapos ko lang ng operasyon kaya naman agad kong ibinagsak ang aking katawan sa couch ng office team.

"Oyy Dr. Garcia, pinapatawag ka ni Dr. Gray sa office nya." Pagsalubong sakin ni Dr. Nigel Garces, kasama nya si Dr. Lawrence Villegas. Kakaupo kolang eh. Atsaka what? Sino daw ang nagpapatawag sakin? Dr. Gray? It means si lolo Mateo? Bakit? Bakit kaya?

"Oyy Dr. Garcia? Ayos kalang?" Pagkalabit sakin ni Dr. Villegas. Napailing ako para makabalik sa aking sarili tapos tumango ako bilang tugon sa kanya.

Nang naglalakad na ako papunta sa kabilang wing ng hospital kung saan ang office ni lolo Mateo ay nagulat ako nang bigla kong makasalubong sa hallway si Ken. Parehas pa kaming nagulat dahil parehas kami ng direksyon na pinupuntahan. Oo nga pala, dito na sya nagttrabaho ngayon.

"Anong gagawin mo dito? Sa kabilang wing ang office mo diba?" Tanong nya habang nakapamulsa. Seryoso lang ang kanyang mukha ngayon at kumalma naman ako.

"Di ko din alam pero pinapatawag ako ni lolo Mateo." Napatitig sya sakin after ko magsalita.

"Bakit kaya? Ako rin eh. Pinapatawag nya." He hissed then continued to walk. Iniwan ba naman ako. Binilisan ko nalang ang lakad ko para makasunod sa kanya.

Bubuksan na sana nya ang pintuan ng office pero nauna na itong bumukas. Nanlaki ang mga mata naming tatlo nung iniluwal ng pintuan si Ace.

"B-bes?" Nauutal ko syang idinuro. Palipat lipat lang ang mga tingin ni Ace sa aming dalawa ni Kenji. "Anong ginagawa mo dito?"

Di na sya nakapagsalita at dali dali syang dumaan sa gitna naming dalawa ni Ken paalis. Di man lang lumingon. Ano kayang problema noon? Di nalang din sya pinansin ni Ken at agad na syang pumasok sa loob ng office. Minsan ko pang sinulyapan si Ace tapos tumuloy na rin ako sa loob ng office.

"Nasa tamang edad na rin naman sila. Isang magaling na Neuro Surgeon si Kenji at isa ring magaling na General Surgeon si Farah." Saad ni Dr. Lorenzo kay lolo Mateo.

"Tama ka. Gustong gusto ko nga yang apo mo na si Kenji para sa apo kong si Farah." Tugon naman ni lolo Mateo kay Dr. Lorenzo. Napahinto sila sa pag-uusap nang mapansin nilang nakatayo kami ni Ken dito sa may pinto.

Napanguso lang ako at napakamot naman si Ken sa kanyang batok dahil sa mga narinig namin.

After kami kausapin nila lolo ay sabay din kaming lumabas ng office. Di ako makapaniwala. Hanggang ngayon ay di ko alam ang magiging reaction ko, buti pa 'tong si Ken ay mukhang kalmado lang matapos syang ibenta sa akin ng lolo nya. Aish!

"Nagugutom ako. Samahan mo ako sa cafeteria." Saad nito sa akin habang nakapamulsa sa kanyang lab coat. Tahimik naman akong sumunod sa kanyang likuran.

Matapos namin bumili sa counter ay naupo kami sa table malapit sa may malaking glass walls.

"Hmm? Yan lang ang binili mo? Sabi mo nagugutom ka?" Tanong ko sa kanya ng makita kong juice lang ang binili nya.

"Huh? Sinabi ko ba yon?" Nakasalukbaba nyang saad. Napatitig lamang ako sa kanya at napaisip. Maaari kaya na sinabi nyang nagugutom sya para lang makasama muna nya ako kahit sandali? Tsk. Ang assuming ko naman.

"Hmm. Mag-ccr lang ako." Pumunta ako sa cr sandali at pagbalik ko ay dinatnan ko na syang nakasubsob sa may table.

"Halatang pagod na pagod sya ah." Naupo ako ulit sa tabi nya saka ko tinitigan ang kanyang pagmumukha. Ang gwapo talaga nya kahit kailan. Ahh! Napailing iling ako. Sobrang gusto ko sya at halos mabaliw na ako sa kakaisip. Di ko alam ang gagawin ko. Aish!

Rewrite The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon