FARAH GARCIA
Iminulat ko ang isa kong mata para tingnan ang dalawa kong baby na nakapatong sa aking tiyan na nakatitig sa aking pagmumukha. Parang may plano 'tong mga 'to na patayin ako ah. Haha.
Meow~
"Good morning Maru and Toothless." Kinusot ko ang aking mga mata bago bumangon.
Meow~
"Ahhh!!!!" Napasigaw ako ng makita ko ang patay na daga sa aking may paanan. What the fuck ming ming?
Nagising tuloy bigla ang buo kong kaluluwa. Nilinis ko ito agad at dali daling pinakain si Maru at Toothless. Matapos ko din silang paliguan ay napadako ako sa living room at nakita kong nanonood ng TV si mama.
Ms. Martinez, who was to inherit the fortune of REAL's chairman Henry Guevarra has been captured by the police as the murderer of her husband. Son of Ms. Martinez and adopted Son of Mr. Guevarra, Mr. Luis also was arrested on the charge as an accessory to murder as well as attempted murder. Ms. Martinez raised Monkshood in her home and extracted poison from the roots and murdered her husband with the deadly Aconitine. After Mr. Guevarra passed away, Ms. Martinez was preparing the transfer of inheritance. The notarized will was as expected see it as Ms. Martinez having committed the crime aiming for the fortune.
Napatakip nalang ng bibig nya si mama kaya tinabihan ko sya upang yakapin.
"Kawawa naman ang inaanak kong si Ace." Saad ni mama. Parang anak na rin kasi talaga ang turing nila ni papa kay Ace.
"Tatawagan ko si Ace, ma." Bumalik ako sa aking kwarto upang kunin ang aking phone. Tinext ko kasi sya kanina bago ko pakainin sila Maru pero hindi sya nag-reply kaya tatawagan ko nalang sya.
Sa sandaling mahawakan ko ang aking phone ay bigla itong nag-ring.
"Bakit?" Bungad sakin ni Ace na nasa kabilang linya. "Miss mo na ba ako?" Dugtong nya na sya namang ipinagtaka ko. Napatingin ako sa aking phone kung number nga ni Ace, si Ace nga.
"Oo miss na kita. Napano ka? Bakit di ka nagrereply?" Sambit ko.
"Nawala tuloy lagnat ko. Himala, nagiging gamot ka na yata ngayon." Sabi nya. May lagnat sya? Ano bang pinagsasasabi nito?
"Sanay naman ako kahit sakin walang nagiging gamot." Pagsakay ko nalang sa sinasabi nya.
"Punta ka nalang dito. Masakit ulo ko." Saad nya na biglang humina ang kanyang boses.
"Kumain ka na saka ka uminom ng gamot."
"Nanay kita?" Pabiro pa rin nyang saad.
"Oo nanay mo 'ko. Yaw mo non? Ganda ng nanay mo?"
"Mukhang kakain na ako saka matutulog."
"Inom ka gamot."
"Sige. Bioflu lang sapat na."
"Buti pa yung bioflu sapat." Pagddrama ko kunwari.
"Ewan ko sayo."
"Sige na. Punta nalang ako dyan. Kain ka na saka pahinga."
"Di kita nanay."
"Ate nalang."
"Sige po ate. Bye." Sabi nya na parang wala ng lakas ang boses saka na naputol ang linya.
Nakarating ako sa bahay nya ng 10 AM. Pagpasok ko ay tahimik ang buong bahay ni Ace. Wala din si Happy. Nagpasya akong umakyat na papunta sa kwarto nya.
Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Ace na nakahiga sa kama nya at balot na balot ng comforter katabi si Happy na tulog din. Nilapitan ko sya saka inilislis ng bahagya ang comforter na nakatakip sa kanyang mukha.
Napatitig lang ako sa mukha nya at di ko alam kung bakit. Ang puti kasi ng pisngi nya tapos parang nagliliwanag ang balat nya dahil sa buhok nyang kulay abo. Ang haba pa ng mga pilikmata nya dagdag pa ang makakapal na kilay. Napailing iling nalang ako para mawala ang charm nya na dumapo sakin saka ko tinampal ng mahina ang pisngi nya.
"Aray! Inaano ba kita?" Napamulat ang isa nyang mata habang ang isa ay nakapikit. Nakakunot din ang kanyang noo habang yakap nya si Happy.
"Kumain ka na ba?" Tanong ko nalang. Mainit ang pisngi nya, nilalagnat nga sya. Simula pa noong mga bata kami ay sakitin na talaga si Ace tapos ang aga pa nyang nawalan ng ina.
Pinilit nya bumangon pero nakabalot pa rin sya ng comforter. Tumutulo ang pawis mula sa kanyang noo. Mukha syang tender juicy.
"Kulang ako sa ano..." Sambit nya.
"Bakit kasi di mo pinaka ano..." Natawa ako sa sinabi ko kaya natawa din sya. Green minded amp. Haha.
"Gaga to. Ano naman iniisip mo?" Sabi nya habang inaabot ang baso na nakapatong sa mesa sa gilid ng kanyang kama.
"Wala. Ano ba? Haha." Tinulungan ko syang maabot yung baso na may tubig.
"Pera." Sagot nya after nya uminom ng tubig.
"Wait mo ko dyan. Ipagluluto kita." Sambit ko saka na ako tumayo para pumunta sa kitchen.
Pagdating ko sa kitchen ay isinuot ko yung kulay itim nyang apron na nakasabit sa wall. Ipagluluto ko nalang sya ng cabbage soup para healthy.
Habang hinihiwa ko ng malilliit yung cabbage ay biglang tumugtog yung piano sa sala kaya napalingat ako upang silipin. Bumaba si Ace pero nakabalot pa rin sya ng makapal na kumot at naka jogging pants. Nasa tabi lang nya si Happy na naghihilamos ng sarili.
"Oh? Akala ko ba masakit ulo mo?"
"Ang ganda lang nung kantang 'rewrite the stars'." Sabi nya habang tumutugtog ng piano. Di man lang pinansin ang sinabi ko.
"Kasing ganda ko." Pagbibiro ko.
"Support kita ate." Tugon lang nya. Nag-iiba na yung boses nya dahil sa lagnat at ubo nya. Kakaiyak nya yan kahapon kaya nagkaganyan yan eh.
"Salamat po." Tugon ko habang nag-gigisa ng onion at garlic.
"Mukhang need mo ng rehab." Sambit nya sabay ubo. Parang thunder lang ah.
"Napaka kapal ng mukha ko sayo noh bes?" Sambit ko nalang.
"Totoo naman diba?" Sabi nya. Totoo na makapal ang mukha ko? Tsk.
"K." Nakangusong tugon ko.
"Na maganda ka." Naka-smirk lang sya. Tumigil sya sa pagtugtog saka lumapit sa tabi ko. Di na ako sumagot kasi nakafocus na ako sa niluluto ko. First time nya inamin na maganda ako ah.
Pinakulo ko lang ito ng ilan pang minuto saka ko tinikman kung ok na. Nang masarap na ay sinerve ko na ito agad. Parang pataygutom kumain eh. Gutom na gutom sya. Hay nako. Yan ang mahirap kapag mag-isa ka lang sa bahay eh. Walang mag-aalaga sayo kapag may sakit ka.
After nya kumain ay sinamahan ko na ulit sya pabalik sa kwarto nya. Uminom lang sya nung dinala kong bioflu saka na sya natulog ulit.
Ako naman ay naupo lang sa sofa malapit sa computer nya. Dumampot ako ng libro sa bookshelf nya na nasa gilid saka ako nagbasa doon.
The little mermaid?
BINABASA MO ANG
Rewrite The Stars
RomanceFarah Garcia is a very skilled surgeon at a large hospital that her grandfather owns. Ace Guevarra, Farah's bestfriend, is a chef in a restaurant which he owns. Ace Guevarra has always been by her side throughout her journey of struggles in confess...