One year later...
FARAH GARCIA
Agad kong hinubad ang mask na aking suot paglabas ko ng pintuan ng operating room. Itinapon ko rin agad sa basurahan na nasa gilid ng sink ang mga gloves na ginamit ko sa operasyon saka ako naghugas ng mga kamay.
Bawat madaanan kong mga nurses at doctors ay binabati ako at gaya ng dati ay ngumingiti lang ako sa kanila. Pagbalik ko sa office ay napatitig lang ako sa aking table, umaasa na baka isang araw ay may maghatid na sa akin ulit ng pagkain na naka-lunch box. Pero tanging ang nameplate lang ang nandoon sa ibabaw.
Hospital Director
Farah Gray Garcia"Cool." I smirked.
"Oh? Nandyan ka na pala, Director." Biro sa akin ni Nigel na nakaupo sa kanyang table.
Oo, dito pa rin ang office ko. Hindi ko tinanggap yung bagong office na binibigay sakin dahil dito na ako sanay. O baka dahil may hinihintay pa rin akong bumalik.
"Ah yes." Awkward na tugon ko sa kanya saka ako naglakad papunta sa aking table at naupo doon sa aking swivel chair.
"Kumain ka na ba?" Tanong nito sa akin.
"Hindi pa. Ikaw?"
"Hindi pa rin. Sabay sabay na tayo ni Lawrence. Pabalik na yun, may kinuha lang sya sa kotse nya." Sabi nya saka lang ako tumango, "Tutal parehas naman tayong tatlo na halfday lang ngayon, uminom na rin tayo."
"Sige lang." Sagot ko. Sumandal ako dito sa swivel chair saka ipinikit ang aking mga mata. Magpapahinga muna ako habang wala si Lawrence.
Biglang may kumatok sa pintuan kaya mabilis akong napamulat. Na-disappoint lang ako ng makita ang isang tao na hindi ko ineexpect dumating.
"Good morning!" Masayang bati nito sa amin ni Nigel.
"Good morning. Ikaw yung bagong lipat na Physician dito diba? Dr. Justin Quizon?" Nigel said.
"Yes. Definitely." Cheerful nyang sagot. Tsk. Naiinis ako kapag nakakakita ako ng taong masaya.
"Teka. May ka mukha ka." Sambit ni Nigel habang nakahawak sa kanyang sintido, "Teka. Naiisip ko. Sino nga kasi yun."
Iniabot sa kanya ni Dr. Quizon ang isang papel habang hinihintay namin ang kanyang sasabihin. Paglapit nya dito sa aking table ay kinuha ko din agad ang papel na inaabot nya.
"Kenji." Sambit ko habang nakatingin sa papel.
"Yes! Yes! Oo! Naalala ko na. Kamukha mo si Kenji Lazatin." Malawak na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Nigel.
"Sino yun?" Tanong ni Dr. Quizon na salubong ang mga kilay.
"Tanong mo sa kanya." Sagot lang ni Nigel sa kanya habang nakanguso sa akin.
Tsk. Agad namang naupo itong si Dr. Quizon sa upuan na nasa harapan ko. Hindi ko lang sya pinansin at nagfocus nalang ako dito sa papel na bigay nya. Isa itong survey form on choosing career. Napaisip naman ako, dati gusto ko mag-model kung hindi ako mag-dodoctor sana.
"Sino si Kenji, Dr. Garcia?" Tanong nito sa akin. Tiningnan ko lang sya ng seryoso, yung malapit na akong mairita pero ngumiti lang sya. Tsk. May dimples din sya gaya ni Ken.
"Wala." Sagot ko saka ko na ibinalik sa kanya ang papel, "Umalis ka na. Bumalik ka na sa office mo."
"Blank paper?" Nagpapacute na tanong nya. Tsk. Di lang pala nya kamukha si Kenji eh, kaugali pa. "Wala ka bang ibang gusto na-career bukod sa pagiging Director?"
BINABASA MO ANG
Rewrite The Stars
RomanceFarah Garcia is a very skilled surgeon at a large hospital that her grandfather owns. Ace Guevarra, Farah's bestfriend, is a chef in a restaurant which he owns. Ace Guevarra has always been by her side throughout her journey of struggles in confess...