FARAH GARCIA
Patapos na ang operasyon at tinatahi ko na lamang ang proxyma ng pasyente. Nang matapos na ang operasyon ay agad na akong nagbalik sa office upang magbihis. Pagbukas ko ng cabinet ay bumungad sa akin ang damit na suot ko kanina noong isinugod namin ang pasyente sa operating room kasama ang lab coat na punong puno ng dugo.
Di na ako nagdalawang isip na suotin na lamang ito ulit dahil pauwi na rin naman ako. Matapos kong makapagbihis ay binitbit ko na ang aking bag saka na ako lumabas ng office.
Bigla akong napatitig sa isang paper bag na sumulpot sa aking harapan at dumako ang aking paningin sa taong nag-aabot nito. Si Doctor Lawrence Villegas. Tiningnan ko lang sya at hindi nagsalita.
"Kunin mo na 'to. Hindi naman halloween ngayon, masyadong intense yang suot mo." Dagdag pa nya. Napatingin naman ako sa suot ko at narealize kong tama sya. Kinuha ko na rin agad yun saka na ako nagbihis. Paglabas ko ay nandoon pa rin sya, naghihintay pero hindi ko pa rin sya kinakausap.
"Dr. Garcia, yun nga palang nangyari kanina..." Saad nito habang palabas kami ng office.
"Sabihin nalang natin na nakabawi ka na. Kung hindi mo agad na-diagnosed ang aortic rupture ay mamamatay ang pasyente." Mahinhin kong saad sa kanya. "May mali sa pag-iintubate mo kanina. First time mo ba yun o nangyari na iyon dati?"
"Hinde. Hindi pa nangyari yun dati. First time ko ngayon." Medyo ramdam ko ang panginginig sa boses nya at hindi sya makatingin sa akin. There is something wrong at minabuti ko nalang na wag ng magtanong pa.
"Uhm. Sa susunod ayusin mo. Ikaw lang ang matino kong makakatrabaho lagi. Una na ako." Saad ko nalang sa kanya bago ko sya iwan doon.
Nang naglalakad na ako pababa ng ground floor ay napadaan ako sa kabilang wing ng hospital, madadaanan ko ang room 408. Nang malapit na ako sa pintuan ng room ni Kendy ay biglang bumukas ang pinto.
Iniluwal ng pintuan ang isang matangkad na lalaki na nakasuot din ng lab coat. Nanlaki ang mga mata ko nang marealize kong sobrang pamilyar ng likuran nito. Maging ang height nito ay kabisadong kabisado ko.
Hindi ko nakita ang mukha nito kaya hinabol ko sya ngunit masyado syang mabilis maglakad. Sakto namang sumara ang elevator nang makalapit na ako dito. Hindi mawala ang kalabog ng puso ko dahil miss na miss ko na sya.
Si Kenji nga kaya iyon? Pero imposible. Hindi naman sya sa hospital na ito nagttrabaho eh. At ano namang gagawin nya sa kwarto ni Kendy? Tsk. Baka kalikod lang nya. Hayaan mo na nga. Sumakay nalang din ako sa kabilang elevator pababa.
Habang naglalakad ako sa hallway, iba't ibang tao ang mga nakakasalubong ko. Yung iba naka wheelchair, yung iba naman nakaupo lang malapit sa lobby at nanonood ng tv na nasa wall. Nagkalat din ang ibang nurse at mga doctor sa paligid at lahat sila ay busy sa kani kanilang gawain. May iilang bumati sakin at bow lang ang tugon ko.
Sa di kalayuan ay napansin ko ang isang lalaki na nakaupo sa waiting area. Si tito Henry? Direkta syang nakatingin sakin pero parang hindi nya ako nakikilala. Pero imposible namang di nya ako makilala, bestfriend ko ang anak nya simula bata noh.
Maya maya pa ay may dumating na babae na lumapit sa kanya. Si Arabella, yung step mom ni Ace. Ano kayang ginagawa nila tito dito sa hospital? Hindi man lang nya ako pinansin e direkta nga syang nakatitig sakin.
Tumayo na si tito mula sa pagkakaupo at ipinulupot naman ni Arabella ang kanyang braso sa braso ni tito Henry. Ahas na ahas ang datingan eh noh.
Dinukot ko ang aking cellphone sa aking bag at chinat ko si Ace.
Farah Garcia
san ka? nung ginagawa mo?Ace Guevarra
iniisip ko yung ex ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/225543506-288-k565811.jpg)
BINABASA MO ANG
Rewrite The Stars
RomanceFarah Garcia is a very skilled surgeon at a large hospital that her grandfather owns. Ace Guevarra, Farah's bestfriend, is a chef in a restaurant which he owns. Ace Guevarra has always been by her side throughout her journey of struggles in confess...