FARAH GARCIA
Isang linggo kaming naka-leave sa work ni mama at marami pang natitirang araw kaya ngayon ay maaga kaming nagbyahe papunta kila papa.
Hindi ko alam kung anong status nilang dalawa ni papa ngayon pero mukhang may something silang dalawa. Daig pa nila ang nagliligawan talaga.
Tahimik lang akong nakaupo dito sa front seats katabi si mama na nagddrive.
"Kamusta kayo ni Kenji?" Tanong nya sakin out of nowhere.
"Hmm. Ok lang kami ma. Hindi pa kami nagkikita after mailibing ni Kendy kasi nag-leave din ako bigla." Sagot ko sa kanya habang pinagmamasdan ko ang mga puno na aming nadadaanan.
"Eh kayo ni Ace?"
"Huh?" Napalingon ako bigla kay mama. Napangiti lang sya sa reaksyon ko. Bukod sa mama ko sya, Psychiatrist nga talaga sya. Hindi ko pa man sinasabi, alam na nya. "Sa totoo lang ma, hindi ko alam."
"Haba ng hair ng anak ko, magpinsan pa talaga ah. Haha." Biro sa akin ni mama. "Pero tandaan mo, pag nagbasa ka ng problem, dapat intindihin mo. Kasi baka mali ang solusyon mo, dahil mali ang pagkaintindi mo sa problem."
"Kaw naman ma. Grade 3 palang kami ay crush na crush ko na si Kenji, alam naman ni Ace yun. Si Ace naman ay bestfriend ko na mula pa nung kinder. Kaya hindi ko rin maintindihan kung bakit ngayon pa ako na-fall kay Ace kung kailan bumalik na si Kenji. Naguguluhan ako ma." Napasuklay ako sa bangs ko gamit ang kamay ko, "Ni hindi nga sya naging malandi sakin o nagpakita ng kahit anong motibo na gusto nya ako. Hindi ko din alam kung anong iniisip ni Ace."
"Yun nga ang mas delikado, hindi ka na-fall sa kanya dahil naglandian kayo. Minahal mo sya dahil kilala mo ang tunay na sya." Ngumiti sa akin si mama, "Kung hindi ka magtatanong, paulit ulit lang mangyayari ang mga bagay. Hindi pwede habang buhay kayo magpapakiramdaman."
Pilit lang din akong ngumiti kay mama. Hindi na ako nangatuwiran dahil tama naman sya. Kinuha ko ang cellphone ko sa aking sling bag saka nag-browse sa facebook.
Bigla nalang nag-pop up ang pagmumukha ni Ace sa screen ng phone ko kaya di sinasadyang na-click ko ito agad.
Ace Guevarra
Wait mo na
nag send nako
lakong load e
leche ka talaga
nakokonsensya ako
hahahhahaFarah Garcia
Hahahahaha labyuAce Guevarra
*insert screenshot*
ayan o
sendingFarah Garcia
Hihe. Sge marunong ako maghintay
Siguraduhin mong kanta yan. Baka naman nilalait moko hahahaAce Guevarra
Kanta yan
Hahahhahahahaha
Teka bat ayaw mag send
Wait
Sesend ko ulitFarah Garcia
Okie okieAce Guevarra
tagal
potek
ako naiinip ah hahahha
tagal diba?
nalugaw nako kakahintayFarah Garcia
Nakteteng naburu naAce Guevarra
Kumakain ako bes
WaitFarah Garcia
Penge"The way you smile... Si Ace yan noh?" Pagpansin sakin ni mama kaya nahiya ako bigla. Di ko namalayan na napapangiti pala ako habang kachat ko si Ace. This is bad. Dapat si Kenji ang kachat ko ngayon dahil sya ang boyfriend ko eh.
BINABASA MO ANG
Rewrite The Stars
RomansaFarah Garcia is a very skilled surgeon at a large hospital that her grandfather owns. Ace Guevarra, Farah's bestfriend, is a chef in a restaurant which he owns. Ace Guevarra has always been by her side throughout her journey of struggles in confess...