ZINNEA'S POV
Pagkahinto ng van namin sa tapat ng gate. Nakita kong nakaabang sina Xenon at Renz mula sa loob.
Makikita rin ang pag tataka sa mukha nila, dahil siguro hindi nila kilala yung bagong van na sinasakyan namin. Pero mabilis din naman nag liwanag ang mga mukha nila ng makitang bahagyang sumilip si Zethro mula sa bintana para pag buksan kami ng gate.
Pinagbuksan nila kami ng gate at ngayo'y nakangiti pa silang sumalubong saming lahat. Walang kaide'ideyang may nangyaring masama isa sa mga kaibigan nila.
Hindi muna ako bumaba sa shotgun seat. Ganun na lamang ang pag kapawi ng mga ngiti nila ng isa isang maglabasan ang mga kasama ko sa van na mugto ang mga mata lalo na si Haruka at Kisha.
Biglang nanghihinang napayakap si Haruka kay Zain.
" W-what happened Haru? Why the hell are you C-crying?" - para nading naluluha ang mga mata niya dahil sa kaibigan niya.
"Bro where's Neil and Zinnea?"- Magkasalubong na kilay ni xenon kay Zethro.
Bumaba naman ako agad ng hinahap nila ako.
Narelief naman sila ng makita ako. Akala siguro nila may nang nangyari sakin. Tss." Where's Neil?" - tanong ni Eunice at ng walang sumagot sa mga kasama ko. Sya na mismo ang nag bukas ng van.
" Oh my God. Neil. What happened?! Hey, Wake up!"- Nang marinig nila yon nag sitakbuhan naman silang lumapit sa van.
Hindi na ako nag abalang lumapit pa. Ganun din sila Haruka, Kisha at Zethro at tahimik lang namin silang pinag mamasdan na may mga sariling reaksyon.
Pagkalito, gulat, sakit at pag hihinagpis ang nababakas sa mga mukha nila.
"Hey, Bro! Damn. Huwag ka namang mag biro ng ganyan!"- si Renzo na inilabas na si Neil mula sa van. Inilapag niya naman sa madamong sahig at iniunan niya ang ulo ni Neil sa hita niya.
Kanya kanya sila ng iyak dahil napagtanto nilang hindi nag bibiro ang kaibigan nila.
Napatingin nalang ako sa dumidilim ng kalangitan. Habang naririnig ang kanikanilang pag hihinagpis.
Napaupong umiiyak si Eunice sa tabi ni Neil bakas parin ang hindi makapaniwala sa mga pangyayari.
" No. N-neil. P-lease wake u-p. H-hey." - humikbing sambit ni Zain habang marahan na tinatapik tapik ang pisngi ni Neil.
Napatakip nalang sa bibig si Zain ng hindi magising si Neil. Agad naman syang dinaluhan ni Lianna para hagurin ang likod nito na imiiyak din.
" Zethro dude! Ano bang na nangyari! Hah?!"- Kinwelyuhan naman ni Xenon si Zethro. Namumula ang mga mata niya, indikasyon na pinipigilan niyang umiyak. Ngunit napaiwas lamang ng tingin si Zethro at hindi siya sinagot.
Patulak niya namang binitawan si Zethro dahilan para mapaupo ito. Hindi lamang siya nito pinansin.
Napaiwas ako ng tingin ng makitang tuluyan ng pumatak ang mga luha niya.
Sabi na e. Ganito ang magiging reaksyon nila.
Napatingin naman ako kay Neil na wala na talagang buhay. Pinapalibutan siya ng mga kaibigan niya.
Ang sabi ni Neil gusto niya munang makita ang mga kaibigan niya bago mawala? Pero hindi niya nagawa.
Masaya naman na siguro siyang nakabalik dito kahit papaano.
Pero alam kong maya maya pa ay matuturn na sya into zombie kaya bago pa sila mapahamak nag salita na ako.
" Layuan niyo siya. Pwede kayong mapahamak."- Napatingin naman sila sakin.
" Alam nating ayaw ni Neil na mapahamak kayo. alam niyo naman ang mangayayari maya maya lang."- Dugtong ko pa ng marealized naman nila ang sinabi ko tsaka sila unti unting lumayo. Ibinaba naman ng dahan dahan ni Renzo ang ulong nakahiga sa hita nito sa madamong sahig.
Medyo malayo kami sa kanya at hindi nga ako nag kakamali dahil halos hindi na namin makilala ang itsura ni Neil ng unti unti siyang magising.
Napaiyak nanaman sila dahil sa nasaksihan.
Pero kailangan na naming tapusin to. Nag lakad ako papalapit kay Neil habang nakahanda ang espada ko.
" K-kailangan pa bang g-gawin yan Z-zi?"- tanong ni Kisha habang nakahawak sa braso ko at pinipigilan.
" Of course, Hindi naman natin siya pwedeng itira sa bahay na yan kasama natin."- Walang pag aalinlangan kong saad habang nakatingin sa kanya ng walang pag aalinlangan.
I meant it. Hindi ako nag bibiro sa sinabi ko. Tss.
"B-bu-"
"No buts." Tsaka ako bumaling sa iba."Kung gusto niyo, kayo nalang ang gumawa." - Inilahad ko pa ang espada ko sa kanila.
Mabilis naman silang umiling.Tss.
Wala akong pakundangang lumapit kay Neil na dahan dahang tumatayo. Ibinaon ko agad ang dulo ng patalim ko sa noo niya at sumirit ang dugo papunta sa mukha ako. Kasabay ng pag kuha ko ng espada ko sa pag kakabaon siya namang pag pagbagsak niya sa lupa.
'rest in peace Neil.'
Pinunasan ko naman ang mukha ko at hinarap sila na halos hindi makatingin sakin dahil sa ginawa ko.
Huwag sila sakin magagalit dahil hindi na tao ang pinatay ko. Tsk
" He deserves a proper burial." - tsaka ko sila iniwan.
Bigla akong nanghina pagkapasok sa pintuan at iniwan sila sa labas.
Masakit yung ginawa ko kay Neil dahil nakasama ko rin naman siya, pero mas masakit kapag kinagat niya kami.
Kaya mag pasalamat nalang sila.
Pumasok ako sa kusina at nag hilamos sa sink. Pagkatapos uminom ako ng tubig tsaka labas para puntahan sila.
Dumireto ako sa backyard dahil alam kong andun sila. Naabutan ko naman ang nag tutulong tulong na mga lalaki para mag hukay. Habang ang mga babae nama'y binalot sa kumot ang katawan ni Neil.
Matapos mag hukay ay nag tulong tulong naman silang buhatin ang katawan para mailibing na.
Matapos tabuna pumalibot naman sila dito. Lumapit ako sa kanila." Ang daya mo b-bro. Alam m-mo ba y-yun? Siraulo ka talaga."- at pilit pang tumawa pero nauwi lang sa iyak si Renz.
Mahina namang umiiyak ang mga babae.
Hindi ba sila natutuyuan ng mata?
" Sabi mo pa sakin tutulungan mo akong H-hanapin ang k-kapatid ko. P-pero tingnan mo! A-ang t-talkshit mo bro. W-walangya!"- at tuluyan na nga syang napahagulgol at napaluhod habang sapo sapo ang mukha. Mabilis naman siyang dinaluhan nila Zain.
" T-tanggapin nalang natin R-renz. A-ayaw mo non Hindi sya m-mahihirapan pa kasama natin."- Eunice, na nakaluhod sa tabi ni Renz at niyayap niya.
" Let's pray for him. Kailangan na nating tuldukan ang pamamaalam na ito. Para makapag pahinga na tayo."- Saad ko at kusang ipinikit ang mga mata. Ganun din sila. Taimtim namin siyang pinag darasal.
Nang matapos, kanya kanya kaming nag sipasok so loob. Ayaw pa ngang umalis ni Renz kung hindi lang siya pinilit ng mga babae para makapag pahinga.
Umakyat ako sa kwarto at naligo matapos ay humiga sa lapag na may naka sapin na kutson.
Tulala ko lang na pinag mamasdan ang ceiling.
Masyadong nakakapagod ang araw na ito._______
Stay tuned~
BINABASA MO ANG
Z: Back To Life
Action[COMPLETED] [UNDER REVISION] Pangyayaring hindi INAASAHAN Patay na nabuhay na hindi ka TATANTANAN Na tila nakikipaghabulan sa KAMATAYAN Paano kaya nila ito MALALAGPASAN? Ano nga ba ang tawag sa mga nilalang na kanilang TINATAKBUHAN? at meron ba iton...