ZINNEA'S POV"Zin, Zinnea."
"Zin gising."
Mabilis akong napamulat ng biglaan dahil sa iba ibang boses ang naririnig ko na pilit akong ginigising habang habol ang hininga na tila ba kagagaling ko lang sa isang bangungot, bahagya pa akong napangiwi ng maramdaman ang biglang pag kirot ng ulo ko.
"Ate Zi ayos ka lang ba?"- Rinig kong tanong ni Rezza, Ano bang nangyari? Napahawak ako sa ulo habang binabalikan ang kung ano man ang nangyari.
"May masakit ba sayo?"
"Nawalan ka ng malay, ano ba ang nangyari?"
Inilibot ko ang paningin sa paligid na sa tingin ko ay nandito parin kami sa gubat base sa mga punong nakikita ko, ibinaling ko naman ang paningin ko sa mga kasamahan kong nag aalalang nakatingin sakin.
"Ayos lang ako."- Akmang tatayo ako ng makaramdam ng sakit sa likod ng ulo ko kaya naman mabilis nila akong dinaluhan.
"Ate Zi, kaya mo pa ba?"
"Kaya ko."- Wika ko tsaka tumayo mula sa pag kakasandal ng puno, mabuti nalang dahil nagawa kong tiisin ang biglang pag kirot ng ulo ko na para bang binibiak ng pwersahan akong tumayo.
"Sigurado bang ayos ka lang? O baka kailangan muna natin ipagpaliban to?"- Sambit ni Ally na mabilis kong inilingan.
"Walang ipapagpaliban." Mariin kong wika, tinalikuran ko sila at nag patiunang nag lakad ngunit agad ko din silang nilingon ng maramdamang wala manlang ang sumusunod sakin.
Mga nakatingin lang sila sakin na para ba akong isang sanggol na nag kusang nag lakad base sa mukha nilang may pagka mangha at hindi maipaliwanag na ekpresyon, pansin ko na kumonti kami kumpara sa kanina nang dumating kami dito. Hindi na ako mag tataka dahil siguradong tumiwalag ang mga kampon ni tanda ng mag kaputukan kanina, pansin ko din na nandito parin si Tanda na pwerteng nakapamulsa habang sukbit ang malaking baril. Bilib rin ako sa matandang ito e, kung nabigyan lang sana ako kanina ng pag kakataon ay tinodas ko na siya ng mag kaputukan.
"Ano pang hinihintay niyo? Nag sasayang lang tayo ng oras."- Muli kong wika kaya naman tila sila natauhan at bumalik sa ulirat.
"Nag aalala lang kami sayo Zinnea."- Sabi ni Erah.
"Mamaya na kayong mag alala pwede? Nag hihintay ang mga taong babawiin natin sa impyernong iyon kaya halika na."- Sabi ko at muli silang tinalikuran at muling nag lakad ngunit agad ko ulit silang nilingon ng hindi manlang sila gumagalaw, kakamot kamot na bahagyang pang nakangiwi si Rezza ng lakihan ko siya ng mata para sumunod sakin.
"Ate Zi, hindi kasi diyan yung daan."- Alanganin niyang wika, napakunot ako ng noo at binalik ang tingin sa tinatahak ko, napagat ako sa dila dahil totoo nga ang sinabi niya, shete ako itong nag mamadali tapos mali pala yung daan.
"Tara, dito yung daan hehe."- Iminwestra siya pa sakin ang tamang daan na mabilis ko namang tinahak at hindi nag pahalatang napahiya ako, naramdaman ko naman ang pag sunod nila.
Nang makalabas kami sa gubat ay bumungad sa amin ang kalsada na kung saan naka balandra ang isang van.
"Itinali namin sa malayo ang mga armadong lalaki."- Sabi ni Jax na hindi ko naman tinanong.
"Ako na ang mag dadrive."- Prinsinta ni Tanda at nauna nang sumakay sa driver seat at nag sinunuran ang iba pang kasama naming papasok kaya naman hindi na ako nag atubiling sumunod, akmang papasok palang ako sa van ng may pumigil sa braso ko kaya naman hinarap ko ito.
BINABASA MO ANG
Z: Back To Life
Action[COMPLETED] [UNDER REVISION] Pangyayaring hindi INAASAHAN Patay na nabuhay na hindi ka TATANTANAN Na tila nakikipaghabulan sa KAMATAYAN Paano kaya nila ito MALALAGPASAN? Ano nga ba ang tawag sa mga nilalang na kanilang TINATAKBUHAN? at meron ba iton...