ZINNEA'S POVLumipas ang mga araw na payapa ang pamamalagi namin sa tinutuluyan namin ngayon, dito parin sa may parte ng gubat. Pinalibutan namin nang barb wire sa palibot ng bahay. May mga nagbabantay sa mga 'zombies' na nag tatangkang lumapit sa bahay namin. 'bahay namin' dahil tuluyan na namin itong inangkin at ang mga namamatay na mga 'zombies' ay inihuhulog namin sa ginawa naming malaking butas na hinukay namin at sinusunog matapos, dahil kung hahayaan siguradong malalanghap namin ang masangsang na amoy.
Salitan kung mag bantay para sa mga 'zombies' na nasa paligid para naman makapagpahinga. Salitan din ang pag fo'food run namin. Medyo naging magaan ang pamumuhay namin dito. Nag t'train din silang mabuti para bumaril at mag self defense.
" Zin kami naman dito."- Nilingon ko sa baba si Kisha kasama si Haruka at Lianna na may hawak na kanya kanyang mga sniper rifle. Bumaba ako sa ginawa naming maliit na tower para pang look out sa mga 'zombies' sa labas.
" Sige. Papapuntahin ko nalang dito mamaya sila Renz para mag bantay."- Tumango naman sila tsaka umakyat sa tower.
Pumunta ako sa backyard nitong bahay at natagpuan si Zethro na tinuturuang bumaril si Cyril na ngayo'y maaasahan ng pumatay ng 'zombies'.
"Zethro, Cyril. Tara kumain muna tayo."- Nilingon nila akong pareho. Nag pupunas ng pawis na lumapit sakin si Cyril kasunod si Zethro na nangingiting nakatingin sakin. Humawak sa kanang kamay ko si Cyril habang hawak naman ako sa bewang ni Zethro at sabay sabay kaming naglakad.
Nitong mga nakaraang araw nasanay na ako sa mga galawan ni Zethro. Hindi ko alam pero nagugustuhan ko iyon. Kaya kami nauulan palagi ng tukso ng mga kasamahan namin pero nakasanayan ko na rin. Iyon nga lang hindi ko alam kung ano kami. Basta ang alam ko? Gusto ko siya. Gusto ko na siya. Palag?
Pagpasok namin sa pinto sinalubong kami nina Rezza, Zain, Renz at Lyzander na may bitbit ng kanya kanyang mga armas.
"Saan kayo?"- Tanong ko.
"Lalabas ate Zi. Kukuha kami ng wire para may ilaw din sa tower. Dadaan na rin kami sa mga grocery."- Nakangiting sambit ni Rezza habang nanunuksong nakatingin sa kamay ni Zethro sa bewang ko tsaka pabalik balik ang tingin saming dalawa.
" Sige. Bilisan niyo lang. Mag iingat kayo."
"Aye aye!"
"Sige sibat na kami!"
" May ipapakuha ba kayo?"- Tanong ni Zain sakin. Inilingan ko lang sila na lumarga naman agad.
"Ate Zin maliligo po muna ako."- Tinanguhan ko si Cyril at agad naman siyang pumunta sa kwarto nila.
Sinamaan ko ng tingin si Zethro ng higpitan niya ang kapit sa bewang ko.
"Bitawan mo nga ako. Para kang tuko."- Hinawi ko ang kamay niya at pabagsak na umupo sa sofa. Nakapamulsa siyang tumayo sa harap ko. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Ano?"- Umiling siya at umupo sa tabi ko. Isinandal niya ang kamay niya sa sandalan sa likuran ko kaya para siyang naka akbay sakin.
" ipagluluto kita what do you want?"- Tanong niya. Ipinatong niya pa ang baba niya sa balikat ko. Hindi ko siya nilingon dahil kapag ginawa ko mahahalikan ko siya. Ang clingy niya talaga. Tapos ginusto ko naman. Bwisit.
" May nakahanda naman nang pagkain diyan. Hindi mo na kailangang mag luto."
"But I want to."
"Hindi na nga kailangan."
"Fine."- Mabilis ko siyang nilingon ng bigla siyang tumayo. Napakamot ako sa batok. Nagtatampo siya ganon?
"Sige na nga. Ginisang corned beef."- Nakangiti siyang bumaling sakin. Kumindat siya tsaka pumunta ng kitchen. Sumunod naman ako.
BINABASA MO ANG
Z: Back To Life
Acción[COMPLETED] [UNDER REVISION] Pangyayaring hindi INAASAHAN Patay na nabuhay na hindi ka TATANTANAN Na tila nakikipaghabulan sa KAMATAYAN Paano kaya nila ito MALALAGPASAN? Ano nga ba ang tawag sa mga nilalang na kanilang TINATAKBUHAN? at meron ba iton...