CHAPTER 14

2.7K 205 32
                                    


ZINNEA'S POV

Antok na antok pa akong bumaba sa hagdan dahil sa halik na nangyari kagabi. Lintik lang talaga, dahil hindi parin ako nilulubayan ni Zethro kahit sa panaginip. Oo napaniginipan ko yung mukha ni Zethro na nakangisi, Buti nalang talaga at nagising ako. Kung hindi tuluyan na akong binangungot. Bwisit talaga.

"Good morning Zin!."- bati sakin ni Kisha. Umupo naman ako sa tabi niya. Napansin kong nandito sila lahat sa sala. Nilalaro ni Rhea at Eunice Si Cyril sa lapag. Ang iba naman ay may hawak na tasa ng kape.

"Kamusta na labi mo Zin?."- tanong pa ni Kisha na may nunuksong tingin. Dahilan para maalala ulit ang halik na naganap kagabi.

"Kape oh."- alok naman sakin ni Lianna at nilapag sa harap ko.

Nataaman ko namang nakatingin sakin si Zethro habang kagat ang labi at binabasa pa ang pang ibabang labi. Nagtama naman ang tingin namin tsaka niya ako kinindatan. Namumula naman akong napaiwas ng tingin sa kanya. Siraulo talaga ang aga aga e.

" Oy! Oy! Ano yon! Nakita ko yon! Kinindatan mo si Zinnea!. Type mo no?!."- malakas na sambit ni Renz.  habang tinuturo turo niya pa ito, at dahil don naagaw namin ang atensyon nila. Palipat lipat naman ang tingin nila samin ni Zethro na may pagtataka at may halong panunukso.

Tangina talaga neto ni Renz. Ibabaon ko to sa lupa ng buhay. Pigilan niyo ako.

"Back off dude!."- ngiting ngiti na sambit ni Zethro at pabirong sinapak si Renz. Ngiti yung ipinakita niya, hindi yung nakakabwiset niyang ngisi.

Literal naman na napanganga ang iba ng makita nila ang ngiti ni Zethro. Mas gumagwapo siya kapag nakangiti. Nag sasabi lang ako ng totoo. Huwag niyong lagyan ng malisya.

" Oh! Tangina nangiti pa ang gagu!. HAHAHAHAHA! Anyare dude?. Good mood ah."- pabirong siniko naman ni Renz si Zethro na umiiling iling na nakangiti habang natingin sakin. Tiningnan naman nila akong lahat ng may panunukso. Pasimple pa akong siniko ni Kisha tsaka bumulong.

"Anong nangyari sa inyo kagabi?."- mabilis ko naman siyang nilingon ng sinabi niya iyon. Narinig naman nilang lahat kaya hindi nila kami ni Zethro nilubayan ng tingin na may panunukso. At tila nag aabang sila ng isasagot ko sa tanong ni Kisha. Napalunok naman ako. Para akong tinabasan ng dila sa lagay kong to e!. Hindi makapag salita.

" Damn. don't pressure my girl. Ask me instead."- sambit ni Zethro na may nakapaskil pang ngiti at hindi ako nilulubayan ng tingin. Bumaling naman lahat ng mga mata sa kanya.

" Letchugas pre! Ambilis mo! May pa 'my girl' kana. Sana ol! HAHAHAHA!."- sambit ni Renz. Konti nalang talaga ililibing ko na to ng buhay. Hindi mapigil ang bunganga e parang tanga lang.

Tangina lang talaga niya. Bwisit.

"So what happened?."- pakikiusyoso ni Eunice. Isa pa to. Isama ko nalang kaya siyang ilibing kasama ni Renz?.

Akma na akong tatayo dahil sa kahihiyan ng pigilan ni Kisha at Zain ang mag kabilang braso ko. Kaya Wala akong nagawa kundi maupo.

Wag niyang sasabihin na nag kiss kami kundi!. Tatlo silang ililibing ko ng buhay. Mataan naman nilang inaabangan ang sasabihin ni Zethro. Pare parehas silang mga chismoso't chimosa. Wag lang talaga siyang mag kakakamali.

" We just talked."- gumaan naman ang pakiramdam ko ng sabihin niya iyon. Buti nalang.

" And kissed."- dugtog niya pa na literal na  nagpalalag ng panga ko. Ngiting ngiti pa sya na parang proud na proud sa sinabi niya. Mabilis na umakyat ang dugo ko. Kaya sinamaan ko naman siya ng tingin pero hindi siya nag patinag. Tangina niya talaga. Ililibing ko talaga siya ng buhay. Peste siya!.

"Kyaaaah! Omygeee! Dalaga ka naaaaa!."- tili ni Kisha tsaka niya ako pinag yuyugyog. Isasama ko na rin siyang ililibing. Ipaalala niyo sakin.

" Tangina bro! Kaya pala! Good mood! HAHAHAHAHA naka score na! Three points shot!."- sambit ni Renz na may patalon pang nalalaman na parang may shinoot na bola. Ipaalala niyo din pala sakin na ipapakain ko muna siya sa zombie bago papatayin at ililibing. Tangina neto e. Punong puno nako sa kanya. Sige lang Renz sulitin mo na ang maliligayang araw mong bwisit ka.

" Congrats dude,You finally found your love of your life!."- tatawa tawang sambit ni Xenon na sinamaan ko naman agad ng tingin dahil sa sinabi niya.

"Yah finally. Thanks dude."- napairap ako ng makipag fist bump pa siya kay Xenon. Ganun din ang ginawa niya kay Lyzander na ngumingiti ngiti lang.

"Ako din dude!."- nakisali din si Renz. Punyeta talaga to.

Ngiting ngiti naman ang mga babae. Halatang mga kinikilig. Anong nakakakilig?. Parang binudburan ng asin e.

Bumaling sakin si Renz.

" Ms. Zinnea tinatanggap mo ba ng buong puso si Zethro?."- mukhang tanga niyang sambit. Nagtawanan naman ang mga kasama namin. Kahit si Zethro ay inaabangan ang sagot ko sa tanong ni Renz.

Nang hindi na ako nakapag pigil ay tumayo ako tsaka hinigit ang kwelyo ni Renz at kinaladkad. Halatang nagulat siya sa ginawa ko dahil hindi siya nakapalag. Nag tawanan naman sila kung pano ko kinaladkad si Renz. Kahit si Zethro ay napatayo.

"T-teka Teka! Zin saan moko dadalhin!.- pag poprotesta ng kawawang si Renz. Huminto ako at hinarap siya.

" Ipapalapa kitang punyeta ka tsaka kita papatayin at ililibing kang hayop ka."- madiing sambit ko. Dahilan para rumihistro ang takot sa mukha niya. Para siyang natatae.

" Go! Zinnea girl! Support kita!."- tuwang tuwa pang sambit Eunice. Nag tawanan naman sila. Tangina ambaet naman nila Kay Renz.

"W-wala namang ganyanan!. Mananahimik nako pramis!."- para niyang batang sambit at may pataas pa ng kanang kamay.

"Sige na Zin gawin mo na ang plano mo. Huwag kang maniwala sa kanya."- sabi ni Xenon na pinipigilang tumawa. Natatawa narin si Lyzander na katabi ni Xenon na ngayo'y kandong na si Cyril.

"Tangina niyo! Kaibigan ko ba kayo?. Zethro dude, stop your girl!."- humigpit naman ang hawak ko sa kwelyo ng damit niya dahil sa sinabi niya dahilan para bahagyang masakal siya. Wala namang ginagawa ang mga kaibigan niya kundi tumawa ng tumawa.

" Baby stop it. Calm down."- mahinahong Sabi ni Zerhro. Tsaka marahang lumapit sakin na may ngiti sa labi. Nag pantig naman ang tenga sa narinig ko mula sa kanya. 'baby'?. Lintek yan ginawa pa akong bata.

"Ayyieeee! Baby daw oh."- pang aasar sakin Ni Renz sinusundot sundot pa ako sa tagiliran. Punyeta talaga tong siraulo na to e.

Nangantyaw rin ang iba. Arrrgh. Marahas Kong binitawan si Renz habang tumatawa tawa.

Binalingan ko naman si Zethro.
" Baby mong mukha mo!."- singhal ko sa kanya tsaka sila tinalikuran.

"Ayaw niya ng 'baby' tol!. Babe nalang HAHAHAHAHA!."- rinig ko pang sinabi ni Renz at napuno ng tawanan ang ang sala.

Please remind me AGAIN next time na Hindi ko pa nagagawa ang plano ko sa pesteng Renz na yan. Ginigigil niya talaga ako.

_________
Stay tune~

So yun no! Moment muna ng team ZiZe ^__^>

Z: Back To LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon