CHAPTER 11

3K 216 35
                                    


KISHA'S POV

Maggagabi na pero hindi parin sila dumadating. Sana naman ayos lang sila.

Kasalukuyan naman kaming nasa sala.

" Andami nang 'zombies' sa labas."- Ani ni Zain na nakasilip sa Bintana.

" Sana naman nakakuha sila ng armas, Hindi na talaga tayo ligtas dito."- nakapangalumbaba kong sambit.

" They're finally here guys!."- anunsyo ni Zain at nangunang lumabas sa pinto para salubungin sila.

Dali dali din kaming sumunod para salubungin sila.
Nakita ko naman ang pulang van na kasalukuyang nakahinto malapit sa gate. May lalaking hindi namin kilala ang bumaba mula sa van at bumabaril sa mga 'zombies' na nasa tapat ng gate, ganun din si Xenon at isang babae na hindi din kilala na may hawak na baril at bumabaril din. Pero walang maririnig na ingay dahil sa tingin ko'y naka silencer ang mga baril nila.

Agad din namang binuksan nila Haruka at Renz ang gate. Sya namang pagpasok ng van at nakasunod sina Xenon at isang babae at lalaking hindi kilala.

Ang mas ikinagulat pa namin ng pag baba ni Lianna ay may batang kasunod niyang bumaba.

Ang kyuuuuttt..

Kasunod namang bumaba si Zethro mula sa Driver seat at Si Zin. Teka...may pangas ang mukha ni Zin tapos putok pa yung labi. Anyare? Nakipagsuntukan ba to?. Woah don't tell me nakipag suntukan siya sa isang 'zombie' na naencounter niya?. Ay naks! Gusto kong mameet Yung 'zombie' na nanununtok!.

Nilapitan naman ni Zethro si Zin. Pero sinaamaan lang nito ng tingin.

" Kaya ko. Hindi ako lumpo."- anas ni Zin.
"Sungit."- tugon ni Zethro tsaka nakapamulsang naglakad papalapit samin.

Whoa! Whoa! Parang may naaamoy ako ah!. Naku naku! ngayon ko lang sila nakitang ganito. Nag kasama lang kumuha ng armas e nag level up na agad. Hihi bagay sila. Parehas masungit.

" Ghad, Guys buti ligtas kayong nakabalik!." - ngiting ngiti naman si Eunice.

" Sino naman tong mga kasama niyo?. Oh! Hi baby boy! What's your name?."- dugtong niya pa tas nilapitan yung bata. Bahagya niya pang pinisil pisil ang pisnge ng bata. Mahilig to sa bata. Halata naman. Diba? dibaaaa?.

" Cyril Drake po."- sagot ng naman nung bata at pinanggigilan talaga ni Eunice yung bata. Kawawa naman.

" Hoy! Eunice maawa ka naman sa bata. Huwag mong lamugin!."- suway naman ni Renz. Kinuha niya naman si Cyril. Sinamaan naman siya ng tingin ni Eunice.

" Sina Lyzander at Rhea mga, kaibigan ko sila. Nandoon sila sa Police station na pinuntahan namin."- pakilala naman ni Lianna sa dalawa pa nilang kasama.

" Hi."- nahihiya namang kumaway ng bahagya si Rhea. Nginitian naman namin sila.

"Let's go inside, madilim na."- paanyaya naman ni Xenon at nag patiuna ng pumasok sa bahay.

" Hahainan ko kayo ng makakain. Saglit lang ah!."- paalam ni Zain tsaka pumunta sa kitchen.

" Anyare sa mukha mo Zin?. Nakipag sapakan kaba sa 'zombie'?."- kuryoso kong tanong. Sinamaan niya naman ako ng tingin. Narinig ko namang mahinang natawa si Lianna at Rhea.

" Naknamp! HAHAHAHAHA nakipag sapakan sa 'zombie'? Kamusta naman Zinnea?. Mukhang magaling yung nakalaban mo ah!."- tawa naman ng tawa si Renzo habang nakakandong sa kanya ni Cyril. Natawa naman kami, siraulo curious din pala gaya ko.

" Ikaw kaya sapakin ko?."-  sinamaan naman siya ng tingin ni Zinnea. Ampotek ambilis tumayo ni Renz at agad niyang niyaya si Cyril para daw makaligo na.
Takot naman pala ang mokong.

Z: Back To LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon