ZINNEA'S POV"Bakit ba hindi pa rin bumabalik sila Kisha? Baka kung napaano na sila."- Madilim na ang kalangitan ngunit wala pa sila Kisha at Haruka, pero alam ko na kung nasaan na sila sa mga oras na ito kaya bakit ko pa hahanapin?
"Zinnea, hindi ka manlang ba nag aalala sa mga kaibigan mo?"- Tanong ni Zox, nasaan yung Tatay? Paki Google map, pakielam ko sa kanya, kampon ng mga demonyo. Akala niya naman malulusutan niya ako? Ulol, hinding hindi ko makakalimutan ang pagmumukha ng matandang yan. Sarap mag panggap na kunwari wala kang alam. Ang sarap niyang pag laruan, akala niya mapapaikot niya kami? Huh! Siya ang paiikutin ko.
"Kaya nila ang sarili nila."- Simpleng sinabi ko, nakaupo kami sa sofa habang maingay na nag lalaro ng baraha ang ibang mga lalaki, maririnig din ang mga tawa ng mga babaeng nag kwekwentuhan sa kabilang lamesa, samantalang seryoso kami dito sa sofa na nag hihintay sa kanila Kisha, pero asa naman.
"Paano ka nakakasigurado? Paano kung nakuha sila ng Aelox?"- Sabi ni Jax kaya irita ko siyang tiningnan.
"Edi makikipag patayan ako para mabawi sila." Sabi ko na nakapag patahimik sa kanya.
"Papatay ako. Huwag lang talaga silang mag kakamaling may masamang gawin sa kanila dahil ako mismo hihila sa kanila papuntang impyerno."- Mariin kong wika bago tumayo at nilisan ang lugar.
Ramdam ko sa likod ang pag sunod ni Erah na hinayaan ko lang, bagkus ay dumiretso ako sa labas ng mansyon para makasagap ng sariwang hangin.
"Zinnea."- Pag tawag niya sakin ngunit hindi ko siya nilingon.
"Alam kong alam mo."- Mahinang bulong niya kaya mabilis akong napalingon sa kanya.
"Anong alam ko?"
"Na isa si Tatay Zox sa kanila."- Sabi niya tsaka siya mabigat na bumuntong hininga, inilagay niya ang dalawang kamay niya sa likod tsaka diretsong tumingin sa kalangitan habang titig lang ako sa kanya.
"Kung ganoon, bakit mo hinahayaan?"- Tanong ko, nakita ko ang peke niyang ngiti bago ibinaling sa akin ang tingin.
"Dahil kaya niya kaming patayin lahat, sa isang iglap. Kayang kaya niya."- Nag kasalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Anong kaya ng matandang iyon? Matanda lang siya, kayang kaya ko siyang patayin ngayon mismo, peste siya.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Kaya niyang pasabugin ang buong mansyon Zin."- Nang una ay hindi ko pa masyadong naiintindihan ang sinabi niya pero mabilis akong napakuyom at nag ngingitngit ng makuha ang ibig niyang sabihin.
"Saan nakalagay ang bomba?"- Tanong ko ngunit inilingan niya lang ako.
"Hindi ko alam, hindi niya sinabi."- Mahinang saad niya tsaka ulit binalik ang tingin sa kalangitan kung saan ang mga bituin ay nag kikislapan.
"Ikaw lang ba ang may alam? Alam ba ito ng kapatid mo?"- Tanong ko ngunit mabilis niya ulit akong inilingan.
"Hindi, dahil kung nag kataon hindi siya mag dadalawang isip na patayin ang matandang iyon."
"So anong plano mo? Pabayaan nalang ang matandang iyon?"
"Ano bang pwedeng gawin?"- Sabi niya tsaka hinarap ako.
"Tss. Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo?"- Sandali siyang napaisip at napailing bago mabigat na bumuntong hininga.
"Ayokong mag padalos dalos dahil marami ang pwedeng mapahamak, kaya Zinnea ikaw ang alam kong makakatulong sakin. Pwede kayong manirahan ng mga kaibigan mo dito hanggat gusto niyo, basta ba matulungan mo lang akong mapaalis ang matandang iyon."- Sinsero niyang wika tsaka pa ako hinawakan sa braso para mas makumbinsi niya.
BINABASA MO ANG
Z: Back To Life
Action[COMPLETED] [UNDER REVISION] Pangyayaring hindi INAASAHAN Patay na nabuhay na hindi ka TATANTANAN Na tila nakikipaghabulan sa KAMATAYAN Paano kaya nila ito MALALAGPASAN? Ano nga ba ang tawag sa mga nilalang na kanilang TINATAKBUHAN? at meron ba iton...