KISHA'S POV"Saan kayo pupunta?"- Tanong ko kanila Lyzander, Rezza at Haruka ng makasalubong ko sila, papasok ako sa bahay habang palabas naman sila.
"Foodrun, sama ka?"- Tanong sakin ni Haruka at mabilis naman akong tumango.
"Sige, saglit lang mag papalit lang ako."- Tumango sila at nag tungo ako sa kwarto namin. Naabutan ko naman si Zin na nag lilinis ng pistol niya at ng espada.
"May pupuntahan ka Zin?"- Tanong ko sa kanya habang kumukuha ako ng damit sa kabinet.
"Oo."- Simple niyang sinabi kaya napatingin ako sa kanya na patuloy parin ang pag lilinis ng mga armas niya.
" Yung pinuntahan mo rin ba kahapon?"- Kuryoso kong tanong. Iniangat niya ang tingin sakin.
"Oo. Huwag ka nang maraming tanong."- Mariin niyang wika. Mapait naman akong ngumiti at tumango. Dumiretso ako sa cr at palit ng damit pati narin nag hilamos. Lumabas ako ng cr na wala nang Zin ang bumungad sakin.
Naka black t'shirt lang ako at black fitted jeans na pinaresan ko ng converse shoes. Ikinabit ko ang hostler sa bewang ko tsaka lumabas.
"Nakita niyo ba si Zin?"- Bungad kong tanong sa kanila pag kalapit ko sa kanila na nag hihintay sakin sa labas ng pick-up.
"Umalis, hindi nag sabi kung saan."- Wika ni Lyzander at binuksan ang driver seat Tsaka pumasok. Nag sipasok narin kami, ako sa shotgun seat umupo habang si Rezza at Haruka ang nasa likod namin. Pinag buksan kami ni Xenon ng gate, pinaandar naman agad ni Lyzander ang sasakyan at nilisan na ang lugar.
" Nasaan si Zethro ng umalis si Zin?"- Tanong ko habang nakabaling kay Lyzander na diretso ang tingin sa daan.
"Ako ba kinakausap mo?"- Saglit niya akong tiningnan ng tanungin niya ako at binalik din sa kalsada ang tingin.
"Hindi. Yung manibela."- Sarkastiko kong sabi, mahina namang napatawa yung dalawang nasa likod namin. Kitang sa kanya ako nakabaling tapos tatanungin niya kung siya ba kausap ko. Ang hina din ng radar neto e. Minsan na nga lang mag salita ang hina pa pumick up. Ibang klase.
"Bakit mo naman tatanungin ang manibela?"- Taka niya pang tanong na mukha talagang sineryoso niya ang sinabi ko. Kaya sinamaan ko siya ng tingin.
" Just kidding."- Bawi niya sa tanong niya at mahina pang natawa. Kidding niya mukha niya.
"Mag kasama sila ni Renz mag linis."- Dugtong niya pa. Hindi ko nalang siya pinansin at itinuon nalang ang atensyon sa labas ng bintana. Nakalabas na kami sa gubat at tinatahak na namin ang tanging diretsong kalsada.
"Mabuti nalang nag linis si Kuya kundi hindi ako makakasama."- Mala proud pa na wika ni Rezza.
"Hindi ka nag paalam sa kanya?"- Taka kong tanong sa kanya habang tinitingnan siya sa rear viewer. Nakangiti naman siyang tumatango. Aba'y pasaway na bata.
"Yari ka pag uwi papaluin ka non sa pwet."- Biro ko sa kanya na ikinawingi niya, bahagya pang natawa si Haruka.
"Ano ako bata?"- Depensa niya na bahagya pang nakataas ang kilay at nakaturo sa sarili niya.
"Kabilin bilinan pa naman ni Renz na hindi kana sasama sa mga ganito dahil delikado."- Wika ni Haruka.
"Duh?, Kaya ko naman ang sarili ko. Mas magaling pa nga ako sa kanya bumaril e."- Mayabang niyang sinabi habang naka chin up. Edi siya na. Siya na magaling.
" Basta yari ka sa kuya mo pag uwi."- Nakangisi kong sinabi sa kanya, pabiro niya naman akong inirapan at humalukipkip na nakanguso. Aba'y maldita itong batang ito ah.
BINABASA MO ANG
Z: Back To Life
Action[COMPLETED] [UNDER REVISION] Pangyayaring hindi INAASAHAN Patay na nabuhay na hindi ka TATANTANAN Na tila nakikipaghabulan sa KAMATAYAN Paano kaya nila ito MALALAGPASAN? Ano nga ba ang tawag sa mga nilalang na kanilang TINATAKBUHAN? at meron ba iton...