ZINNEA'S POV"Z-zinnea?"
Paanong?
" Z-zin ikaw nga."- Hindi makapaniwalang wika ni Kisha. Hindi rin ako makapaniwala na makakasalubong namin sila sa daan pa mismo.
" Kilala niyo si ate Zi?"- Tanong ni Rezza matapos humiwalay sa yakap ni Renz.
"Ate Zi?"- Tanong naman pabalik ni Renz.
Nakangiti namang tumatango tango si Rezza.
" Siya yung tumulong sakin makatakas ng makuha ako ng mga armadong lalaki."- Kumapit pa siya sa braso ko habang ngiting ngiti. Wala manlang ako naging reaksyon sa mga taong nasa harapan ko ngayon. Hindi ko ito inaasahan.
" Oh my God!"- Napatingin silang lahat kay Rezza.
" Kailangan na nating umalis baka maabutan nila tayo!"- Taranta niyang sinasabi habang hinihila hila niya ako. Mag tatanong pa sana sila kung anong ibig sabihin ni Rezza kaso nataranta narin sila kaya isa isa silang nagsipasok sa van. Wala akong nagawa kaya pumasok narin ako sa loob.
Nakahalukipkip akong nakayuko habang nakapikit. pinapakiramdam sila. Walang nag tatangkang mag salita. Sobrang tahimik ng atmosphere sa loob ng sasakyan.
Napamulat ako ng mata ng maramdaman kong huminto ang van na sinasakyan namin. Inilibot ko ang Paningin ko. Biglang kumunot ang noo. Anong ginagawa namin dito sa open place na ito? Gubat ang nasa gilid na kalsada. Maluwag naman na tila palayan ang makikita sa kabila.
" Renz? Are we out of gas?"- Rinig kong tanong ni Haruka. Namataan kong marahang tumango tango si Renz. Nagsinghanapan naman sila.
Binuksan ko ang pinto sa gilid ko tsaka bumaba. Mabilis ding bumukas ang isang pinto at iniluwal non si Kisha na natatarantang nakatingin sakin.
" Z-zin? Saan ka pupunta? Huwag ka nang umalis."- maluha luha niyang sinabi habang mahigpit na nakakapit sa braso ko. Napakunot ako ng noo.
" Z-zinnea. Zinnea I'm sorry. Kasalanan ko. I'm sorry. Hindi ko sinasadyang paalisin ka. Maniwala ka. Nagalit lang talaga ako."- Nakayukong sinabi ni Eunice habang nilalaro pa ang mga daliri niya. Blanko lang akong nakatingin sa kanila. Hindi naman ako nagalit sa ginawa niya. Nasaktan. Oo. Pero ginusto ko rin naman.
" What do you mean? Na pinaalis niyo si ate Zi? Hindi talaga siya naligaw?"- Nag tatakang tanong ni Rezza habang nakaakbay sa kanya si Renz. Kaya pala parang may kamukha siya. Dahil magkapatid pala sila. Si Rezza siguro ang tinutukoy ni Renz kay Neil noon na sabay na magkasama nilang hahanapin. May pagtataka silang nakatingin kay Rezza. Akmang magsasalita siya kaso bago pa mangyari yon inunahan ko na siya.
"Shut up Rezza."- Mariin kong sinabi sa kanya habang sinasamaan ng Tingin. Nag peace sign lang siya tsaka zinipper kunwari ang bibig.
Napatingin ako kay Zethro na mataang nakatingin sakin. Iilan nalang ang pangas na nasa mukha niya. Noong huling nakita ko siya halos hindi ko siya makilala ganon din si Xenon. Tiningan ko ang hita niya kung saan huling kita ko sa kanya ay may tama sa siya don na mukhang magaling naman na.
Pinasadahan ko sila lahat ng tingin. Mapapahamak lang sila kapag kasama nila ako. Hindi ko maatim na isipin na mangyayari rin sa kanila ang nangyari sa buong pamilya ko. Pero hahayaan ko bang mangyari yon?.
" Zinnea you understand naman diba? Naiintindihan mo naman na ginawa ko lang yon para sa kaligtasan namin. Mali ako sa parte na hindi muna kita pinaniwalaan na mabilis kitang hinusgahan not knowing what you're reason is. I'm sorry if I didn't trust you enough kahit na malaki na ang naitulong mo sa amin. I'm sorry Zin. Please give us another c-chance. We want y-you back."- Mahabang lintana niya. Habang umiiyak na sinserong nakatingin sakin.
BINABASA MO ANG
Z: Back To Life
Aksi[COMPLETED] [UNDER REVISION] Pangyayaring hindi INAASAHAN Patay na nabuhay na hindi ka TATANTANAN Na tila nakikipaghabulan sa KAMATAYAN Paano kaya nila ito MALALAGPASAN? Ano nga ba ang tawag sa mga nilalang na kanilang TINATAKBUHAN? at meron ba iton...