CHAPTER 23

2.3K 150 28
                                    


KISHA'S POV

Simula nung umalis si Zinnea dahil nga pinaalis. Hindi na bumalik ang masayang aura na bumabalot samin. Simula din non hindi ko na sila kinausap pa. Masama parin ang loob ko. Ramdam kong nag sisisi sila lalo si Eunice. Pero kahit na ganoon nagagalit pa rin ako. Hindi ako nakikisama sa kanila. Mangyayari lang ulit yun kapag bumalik si Zinnea. Pero parang malabo na.

Nag mamadali akong bumaba sa hagdan habang inaayos ang pag kakakabit ng hostler sa bewang ko. Simula rin pala ng umalis si Zinnea natutunan kong lumaban para sa sarili ko. Sa una takot na takot ako. Pero natutunan ko rin gayong kailangan ko talaga dahil hahanapin namin si Zinnea. Kami ni Lianna. Kung papalarin mang makita namin siya, sa kanya nalang kami sasama.

" Saan kayo pupunta?"- Tanong ni Haruka na may hawak na baso ng tubig. Natatawa ako kapag naiisip ko na parang okay lang sa kanila na umalis si Zinnea kahit na parang nag sisisi sila. Ewan ko ba. Basta. Wala silang kwenta.

" Hahanapin namin si Zin."- si Lianna na ang sumagot. Napatahimik naman sila.

"Sasama ako."- Sabi ni Zethro na ngayo'y nakatayo na. Linggo narin ang lumipas kaya medyo hindi na grabe ang mga natamo nila. Ganon din yung akin.

Hinarap ko siya ng nakahalukipkip. Taas noo ko pa siyang tiningnan.

" Bakit pa? Wala ka namang kwenta."- Saad ko na nakapag igting ng panga niya. Tagos sa buto pero hindi ko babawiin ang sinabi ko. Hinding hindi. Dahil hindi mababawi ang sakit na naranasan ni Zinnea sa pag tataboy nila sa kanya.

" We want to help Kish."- Mahinang wika ni Eunice na nakapag pataas ng kilay ko.

"Help? Eunice Help? Sigurado ka? Naku huwag ka nang mag abala. Baka mapahamak lang kayo kapag ginawa niyo yon."- Sarkastikong saad ko. Napayuko naman siya habang hinihimas himas naman ni Xenon ang likod niya.

" Gusto mo na rin bang paalisin kami Eunice? Huwag kayong mag alala once na mahanap namin si Zin sasama kami sa kanya."- mabilis naman na iniangat ni Eunice ang tingin sakin.

" No Kisha! Wala akong sinabi! Intindihan mo naman kami."- Sabi niya.

"Bakit!? Si Zinnea ba inintidi mo?! Hindi diba? Hindi!"- sigaw ko sa kanya.

" Bakit himbis na mag away mag tulungan nalang tayong hanapin siya? Hindi naman namin ginusto ang nangyari. Safety lang naman natin ang iniisip ni Eunice kaya nagawa niya yon."- lintana ni Zain.

" Hindi ginusto? Zain! Hindi mo ba nakita kung paano siya ipinagtulakan?! Tsaka ano kamo? Safety lang natin ang iniisip ni Eunice kaya nagawa niya yon? Bakit?! Naisip niya ba yung kaligtasan ni Zin sa labas ngayong mag isa nalang siya?!"- Lumandas ang luha ko sa pisngi ko na agad ko din namang pinahid.

"Halika na Lin. Tumatakbo ang oras."- Dugtong ko tsaka tumalikod sa kanila. Kung talagang nag sisisi sila hanapin nila si Zin tsaka sila humingi ng tawad. Huwag sila puros salita.

Nag lalakad ako ng diretso ng tawagin ako ni Linnea kaya nilingon ko siya. Kumpleto silang lahat na kasama ni Linnea. Mataan kong tiningnan silang lahat na tila handang handa ng umalis.

" Sasama kami at wala kang magagawa."- Mariin na sambit ni Zethro at naunang sumakay sa van na nakahanda na. Nagsininuran naman ang iba.

Wala akong choice na pumasok sa loob ng tingnan nila akong lahat dahil ako nalang ang wala sa loob.
Tumabi ako kay Lianna na nasa pinaka huling row.
Tsaka naman Pinaandar ang van.

Tahimik ang naging biyahe na parang hindi pa namin alam ang pupuntahan namin dahil kanina pa kaming nasa daan. Hindi namin alam kung saan namin siya hahanapin.

Z: Back To LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon