CHAPTER 28

2.2K 146 17
                                    


ZINNEA'S POV

"Damn."- Ang tanging nasambit ko at napakuyom ako ng kamao ng sobrang higpit.

"Why?"- Tanong ni Zethro. Napatingin ako sa mga mata niya na iniwas ko din.

" Natunton nila tayo."- Sabi ko na nung una hindi pa nila nakuha ang ibig sabihin ko pero kalaunan naintindihan din nila ako.

"A-anong gagawin natin?"- Mahinang tanong ni Kisha na halatang kabado. Napaisip din ako kung anong gagawin namin. Hindi kami pwedeng magpadalos dalos dahil mapapahamak ang mga kasamahan namin.

"Wala tayong dapat na hindi gawin Zin."- Seryosong sinabi ni Renz. Hindi naman ako tanga para tumunganga lang dito. Tsk.

" Alam ko Renz. Hindi ako tanga."- Seryoso ko ding sambit sa kanya.

Sinilip ko ulit ang labas. Kasalukuyan silang nagtitipon tipon sa gitna ng sala habang may mga nakatutok sa kanilang mga baril. Halata sa kanila ang takot. Pero galit ang makikita sa mukha ni Rezza sa mga lalaking nasa harap nila. Dahil sila lang naman ang mga nag tangka sa kanya na swerte niyang natakasan pero eto nanaman. Damn. Hindi ko ulit hahayaang mangyari yun.

Nagtama ang mata namin ni Lianna na ikinalaki ng mata niya. Sinenyasan ko naman siyang huwag maingay. Nakita ko pang kinalabit niya ang katabi niyang si Haruka. sumimple siyang bulong kay Haruka na agad  patagong sumulyap sa direksyon ko. Nakita ko sa mga mata niya ang pang hihingi ng tulong. Tumango ako at sinenyasang huwag maingay.

"Tangina! Hindi niyo pa ba sasabihin Kung nasaan ang ibang kasama niyo?!"- Tanong ng isang armado sa kanila.

" Wala nga sabi!"- Matapang na sagot ni Haruka habang nanlilisik ang mga mata na nakatangin sa lalaking nag tanong sa kanila.

"Alam naming kasama niyo sila. Hindi niyo kami malulusutan!. Ngayon, Uulitin ko! Saan sila nagtatago?!"- Sigaw ng Isa sa mga kampon ng mga panget ng demonyo. Tanginang yan kami pa duwag ngayon? Palunok ko sa kanya ang bala ng baril e.

" Hanapin niyo kung ganon."- Sarkastikong sinabi ni Rezza. Pero dahil sa sinabi niya hinawakan siya ng lalaki ng mahigpit sa panga. Putangina! Humigpit ang hawak ko sa doorknob.  Nagpupumiglas siyang kumakawala pero mas lalo siyang nasasaktan.
Tangina talaga wag lang silang magkakamali. Ginigigil talaga nila ako.

"Zin."- Niliingon ko si Kisha. Napakunot ang noo ko ng nakatayo silang tatlo sa harap ng bookshelf. Anong ginagawa nila diyan? Lumapit ako sa kanila.

" Dala mo parin ba yung mga susi?"- Tanong sakin ni Kisha habang nakalahad pa ang kamay sa harap ko.

Tumango  naman ako tsaka kinuha ang mga susi sa bulsa ko. Inilahad ko naman sa kanya ito.

Nagtaka pa ako ng ilusot niya ang kamay niya sa loob ng bookshelf. Umatras kami ng biglang humawi ang bookshelf at bumungad samin ang madilim na hagdan paakyat. Secret passageway ulit? Nag katinginan kaming apat ng may marinig kaming mga mabibigat na yabag galing sa labas na sa tingin ko ay papunta dito sa kwarto. Wala na kaming sinayang na oras na mabilis naming kinuha ang mga bag at pumasok sa loob na may hagdan paakyat. Nang mabalik ni Zethro pabalik ang bookshelf siya namang narinig naming pag bukas ng pinto ng kwarto. Pinigilan naming gumawa ng ingay at pinakikiramdaman lang sila.

" Wala namang tao pare."

"Pinag loloko lang ata nila tayo e."

Rinig naming saad ng mga lalaking pumasok sa kwarto. Halos hindi namin makita ang isa't isa dito sa loob dahil sa sobrang dilim. Sobrang sikip din na isang tao lang ang kasyang pwedeng makadaan.

"Bilisan na natin."- Sabi ko kaya naunang umakyat si  Renz sunod si Kisha sunod ako tsaka huli si Zethro. Maingat kaming humahakbang dahil maling hakbang lang sabay sabay kaming gugulong ulit pababa. Hindi naman mahaba ang tinahak naming daan. Dahil nakalabas din naman kami. Lumabas kami mula sa kabinet na malaki na nandito sa pinakadulong kwarto sa 2nd floor.

Z: Back To LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon